Nilapitan ko si Mike. Nakatalikod ito sa akin, mukhang wala itong balak na harapin ako o pansinin man lang. Ni kahit nandirito ang Mama at Papa niya, hindi niya ako tinapunan ng kahit na kaunting pansin. Kahit noong tinabig ni Mama ang kamay ko, walang epekto sa kanya. Hindi man lang ako pinagtanggol.
Napakagat-labi naman ako. Sabagay, deserve ko naman ‘to.
Imagine, ang huli naming pagkikita ay nag-away kami, nagsumbatan, nagsigawan, at nagsagutan. Naglayas ako at hindi umuwi sa bahay ng halos isang lingo. Wala kaming komunikasyon. Walang text o tawag, ni 'ha' o 'ho' ay wala kami.
Tapos heto kami ngayon. Siya nakaratay sa higaan, may mga galos at bali sa katawan. Tapos ako na asawa niya, ngayon lang nakarating para damayan siya. Just great! Freakin’ great.
“Mike.” Sambit ko saka ito mahinang kinalabit.
Hindi siya lumilingon o ni tapunan man ako ng pansin. Alam kong gising siya. Alam kong alam niya na nandito ako. Pero ayaw niya akong pansinin. He just won’t bother to answer me. Galit nga siya.
Hindi ito ‘yung normal na alitan sa pagitan namin. It is quite serious right now. Ramdam ko naman iyon.
“Mike please talk to me.” Sambit ko tsaka kinalabit-kalabit siya.
Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin niya ako pinapansin.
“Hindi mo talaga ako papansinin?” Tanong kong muli but I earned no reply from him. Hindi siya gumagalaw sa puwesto niya. He remained still.
Alam ko naman na masama ang loob nito sa akin. Ako rin ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Kung ako ang nasa kalagayan niya, malamang ay hindi ko rin siya papansinin. Hell would first freeze over bago koi to pansinin.
Pero gusto kong pansinin niya na ako, tingnan niya ako sa mga mata, at sabihin na galit siya sa akin. At least ‘yun malinaw sa'kin na may dahilan siya para ‘di ako pansinin. Pero ngayon kasi… After months or years ngayon ko na lang ulit ginusto na pansinin niya ako.
“Mike.” Sinundot ko ang tagiliran nito. Alam kong may kiliti siya doon pero walang epekto. Tahimik pa rin ito habang nakatalikod sa akin.
“Mike Cuevas, nandito na ang maganda mong asawa. Bakit ayaw mo ‘kong pansinin?” Parang nakikipag-usap ako sa hangin dahil wala namang sumasagot sa akin. Hayst.
“Mike, yoohoo. Tulog ka ba?”
“Attorney Mike Cuevas.”
“Mr. Cuevas.”
“Mike.”
“Mike…”
“Mike Cuevas, son of Felix and Jennifer Cuevas, yoohoo.”
“Hindi mo talaga ako papansin?” May halong pagbabanta na sa boses ko pero wala pa rin itong epekto.
“Ikaw bahala.” Bulong ko sa tainga niya.
Kahit ilang beses ko itong tawagin ay hindi ito sumasagot. So you like this game Mike? Sige pagbibigyan kita sa gusto mo.
Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan itong ni-lock. I don’t want to be disturbed right now. Bwahahaha!
Hinubad ko ang suot kong sandals kaya nakayapak na ako ngayon. Tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko at naglaglagan ang maalon na hibla nito. I pursed my lips. Buti na lamang ay nag-shower ako bago ko naisipang umuwi sa bahay. This is it Mira! I look absolutely sexy!
Tinanggal ko rin sa pagkakabutones ang suot kong blouse kaya lumabas ang kulay abo kong undergarment. Buti na lamang ay naka-blouse ako. Easy access, madaling hubarin. Huh! Hindi niya matitiis na hindi ako pansinin ngayon. Bwahahahaha!
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...