Kabanata 25

144 6 3
                                    

Nagising ako nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bedside table. I unconsciously reached for it at sinagot ang kung sino mang tumatawag.

"Hello Mira?" Boses ni Mama Celia.

Tiningnan ko ang caller ID. Si Mama nga. Ang aga-aga ay tumatawag na ito. Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Tuyo ang lalamunan ko.

"Anong oras ba kayo dadalaw dito ni Mike?" Excited na tanong sa akin ni Mama.

I groaned.

"Ma, ang aga pa po." Sagot ko na medyo disoriented.

Nakapikit pa ako dahil masakit pa sa mata kapag nagmulat ako. Nakapatong sa tainga ko ang cellphone.

"Hay Mira!" Sigaw ni Mama na gumising sa akin.

Napatayo ako sa gulat. I groaned. Napasapo kaagad ako sa ulo ko. Ang sakit!

Inabot ko ang cellphone ko at ini-loud speaker na lang ito. Nahiga ulit ako at pumikit.

"Mira? Mira naririnig mo ba ako?" Tanong ni Mama.

"Yes Ma. Loud and clear." Sarkastiko kong sagot.

"Pumunta kayo dito ni Mike mamaya. Christmas ngayon kaya pagbigyan mo na ako." Pahayag ni Mama mula sa kabilang linya.

Napamulat ako. Ah, Christmas na pala. Kaya pala ang ingay ng mga kapitbahay kagabi. Puro tunog ng sasakyan ang narinig ko o kaya naman ay mga paputok. Tsk.

"Ma, kila Mama Jennifer po kami magpapasko ngayon." Sagot ko kay Mama.

Yes. Nagsinungaling ulit ako. Hindi naman talaga kami doon magpapasko. Baka dito na lang ako sa bahay buong maghapon. Ang Noche Buena kagabi itinulog ko na lang din. At ngayong araw ng pasko, matutulog na lang din siguro ako. Tutal solo ko naman ang bahay.

"Anak, hindi ba pwedeng dumaan kayo ni Mike dito?" Dismayadong tanong ni Mama.

I sighed.

"Ma, baka hindi na kami makadaan ni Mike. Umuwi po galing States 'yung mga kamag-anak nila. Busy na po kami mamaya." Pagdadahilan ko ulit kay Mama.

Narinig kong napabuntong hininga ito. Dismayado dahil hindi niya makakasama ang paboritong manugang ngayong pasko.

"Ganoon ba." Sagot ni Mama. "Basta kung kaya niyong makadalaw dito sa amin, pumunta kayo." Bilin ni Mama.

"Yes Ma." Sagot ko kahit wala akong intensyong umuwi ngayon sa bahay. "Merry Christmas po sa inyo. 'Yung regalo ko sa inyo ni Papa, isinend ko na sa account niyo." Dagdag ko.

"Merry Christmas sa inyo ni Mike. Salamat na rin. Hindi mo naman na kailangang magpadala pa." Sagot ni Mama.

"Basta Ma, promise me na 'yung ipinadala ko gagamitin niyo ni Papa to enjoy yourselves." Paalala ko.

"Oo Anak. Salamat. Love you. Ikamusta mo kami kay Mike." Tugon ni Mama mula sa kabilang linya.

"Sige na Ma. Bye. Love You." Sagot ko bago nawala ang linya.

Gusto ko sanang idugtong ang 'I'm sorry, Ma' kaya lang wala akong lakas na mag-sorry kay Mama. I know she'll be heartbroken kapag nalaman niyang malapit na kaming magpa-annul ni Mike.

Pinunasan ko ang iilang butil ng luha na umagos pababa sa mukha ko. Sh*t!

Nakokonsensya na ako. Nahihiya na rin ako kila Mama't Papa. Nauubusan na rin ako ng mga idadahilan sa kanila. Punong-puno na ng kasinungalingan ang lahat ng ipinapakita at sinasabi ko. Tsk.

Napatitig ako sa ceiling.

Ano ba ang gagawin ko? Tsk. Ang daling magtanong pero ang hirap umisip ng paaraan para masagot ang tanong na ito. Hayst Mira.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon