Nagising ako ng mga bandang alas sais y medya. I was expecting to wake up beside Mike, pero wala na siya. Baka pumasok na sa office.
Babangon na sana ako nang maalala ko na wala pala akong saplot. I stood up, covering myself with the blanket. Pinulot ko ang mga damit na nakakalat sa sahig at inilagay sa hamper.
Sh*t!
Dumiretso ako sa banyo at naligo na. May birthday party pa akong pupuntahan at aayusin ko pa cake. Tsk. Hindi pa pala ako nakakabili ng regalo sa inaanak ko. Baka magtampo iyon.
Nang makabihis na ko ay dumiretso na agad ako sa kusina para mag-breakfast. Katulad na nga nang inaasahan ko, wala na rin si Mike sa baba. Malamang ay maaga itong gumising para bumalik sa trabaho niya.
"Hija, naabutan mo ba ang asawa mo? Umuwi siya kagabi ang kaso wala ka naman." Pahayag ni Manang tsaka sinalinan ang baso ko ng orange juice.
"Opo naabutan ko. Nasa study room siya kagabi." Sagot ko naman.
At the back of my head may bumubulong na, 'hindi ko lang siya naabutan, we even had t**t t**t.' Anyway it's sensored so yeah.
"Nako mabuti naman. Mukhang stressed na stressed ang asawa mo sa trabaho niya." Komento ni Manang.
"Ganun ho talaga kapag abogado. Stressed palagi kaya pati ako na-stressed sa kanya." Natatawang sagot ko.
"Nako, kasi naman Hija mag-anak na kayong mag-asawa at nang mawala ang stress niyo pareho." Mutikan ko pang maibuga ang juice na iniinom ko dahil sa sinabi ni Manang.
"Hayaan mo Manang, I'll work on it." Sagot ko na lang at pilit na tumawa.
"Mira, kung samahan kaya kitang mamili ng mga pantulog mo sa mall?" Tumaas-taas pa ang kilay ni Manang Linda.
"Huwag na Manang. Ayos pa naman ang mga pantulog ko." Sagot ko.
"Nako, eh puro pajamas ang nalalabahan ko sa mga damit mo. Hija dapat medyo may kaunting ka-sexyhan din ang mga damit mo para 'di na makatanggi si Mike." Ngiting-ngiti si Manang habang sinasabi ito.
Kahit naiilang akong pag-usapan ay nakitawa at nakisabay na lang ako.
"Hayaan mo Manang sa susunod mag-mall tayo at bumili ng mga lingerie." Tugon ko.
"Ay mabuti pa nga! Bilhin natin 'yung mga may lace tapos pula para palaban." Natawa ako sa pahayag ni Manang.
"Oo na Manang." Tawa-tawang sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Iniligpit ni Manang ang mga pinagkainan ko. Dumiretso naman ako sa kwarto namin para mag-ayos at kuhanin ang ilan ko pang mga gamit.
"Manang aalis na po ako." Paalam ko sa matanda.
"Sige Hija mag-iingat ka." Sagot naman ni Manang.
"OH MY GHAD! Mira you still look sexy!" Bungad ni Eli sa akin pagkapasok ko pa lang sa bahay nila Gwen.
"Ang ingay mo! Oh, mabunggo mo ang cake." Natatawang sagot ko tsaka bumeso sa kanya.
"Na-miss lang kasi kita! Ghad! Ang ganda mo pa rin." Masayang pahayag ni Eli.
Eli is one of my close friends simula high school pa katulad nila Gwen. Eli is a nurse sa isang private hospital.
"Oo na. Where is Gwen?" Tanong ko rito.
"Oh ayun oh, busy sa paghahanda." Tinuro ni Eli ang direksyon ng kusina.
And there nakita ko si Gwen na malaki na ang tiyan. Bukod kasi kay Coleen na inaanak ko, Gwen and Leo, her husband, are expecting another baby. Abalang-abala ito habang inaayos ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...