Prologue

483 4 1
                                    

I dressed myself perfectly. I made sure na magandang-maganda ako ngayong gabi. Todo hilud ako kanina habang naliligo. Kung pwede lang na maglaho na ang balat ko sa kakakuskos ko, malamang ay naglaho na ito. Syempre I made sure na maputi at makinis ang kili-kili ko. Hindi ako nag-aksaya ng pang-derma para sa wala. Ang tagal ko sa loob ng shower, naubos ko na nga ‘yung shower gel kakakuskos ko sa ulo ko at buhok.

Syempre nag-lotion ako matapos maligo. Hanggang sa kasingit-singitan ng pagkatao ko ay sinugurado kong soft, smooth, and mabango! ‘Yung bang mapapasabi ka ng ‘ulalam.’ Pinamulahan ako sa mga naiisip ko. Hayst Mira, kalma ka lang. Ako na mismo ang bumatok sa sarili ko.

Nang matapos kong isuot ang long gown na ipinatahi ko pa sa kaibigan kong designer na prinesyuhan ako ng pitong libo kahit na kapos naman ito ng tela sa likod at bandang dibdib, humarap ako sa salamin. Hindi ko mapigilan ang pagtili ko. Ang ganda ko talaga! Mirasol Diaz Miranda, you are perfect! Ako ngayon ang star! Bwahahaha!

Nagpabango ako. Ginamit ko ‘yung iniregalong perfume ng boyfriend ko noong fourth anniversary namin last month.

Kinikilig ako habang ini-spray ko ang perfume. Umikot-ikot pa ako sa harap nang salamin.

Aray!” Napahawak naman ako sa tuhod ko nang tumama ito sa bangko.

Tsk. Ayun na ‘yung pagmo-moment ko pero naudlot pa.

“Mira Hija! Pinapatawag ka na ng Mama mo. Nandiyan na daw ‘yung sundo mo.” Si Manang Linda. Napakagat-labi ako.

Nandiyan na Siya.

DAHAN-DAHAN akong bumaba sa hagdanan. Kumakabog man ang dibdib ko na anytime ay pwede akong mag-hyperventilate o atake sa puso, all smile pa rin ako. Feel na feel ko ‘yung moment. Ito na ‘yun eh. Ang tagal kong hinintay 'to.

Sa baba ng staircase naabutan ko si Papa at Mama, syempre pati ang boyfriend ko. Napakagat-labi na lang ako nang masilayan ko siya. Ang gwapo talaga niya. Tapos maganda ako. E'di bagay kami! Ihhhhh!

Nakasuot ito ng three-piece black and white suit na yumayakap sa toned niyang katawan. Oo! Toned ang katawan ng boyfriend ko. Hindi naman buffed na buffed pero may abs ito. Swimmer kasi siya mula high school hanggang college, even now na may work na ito. Kaya minsan hindi ko maiwasang hindi pagpantasyahan ang mga muscles niya at abs. Yummy sabi nga nila.

I mentally slapped my face. Behave Mira. Dalagang Pilipina ka ngayon.

Maroon naman ang necktie nito. Napaka-bold at sexy lang ng kulay. Hay, my boyfriend really knows how to dress well. Dagdag pogi points ito.

Hindi kailanman naging pangit ang lalaki sa paningin ko. Pawis man ito o pagod at kahit stressed pa, yummy pa rin siyang tingnan.

“Mira Anak aba’y hanggang kailan mo ba tititigan ang boyfriend mo?” Si Papa.

"Si Papa naman." Mahinhing sagot ko tsaka inabot ang kamay ko sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon