Kabanata 7

150 5 1
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na pagkidlat. Umuulan pala.

I shifted my position, trying to adjust my vision sa madilim na kwarto. Kinapa ko ang bahagi ng kama kung saan dapat si Mike natutulog. But it's empty. Wala pa siya?

Bumangon ako at binuksan ang ilaw sa kwarto. Only to find out that our bed is empty. I switched off the light at nahiga muli. Wala pa nga si Mike.

Inabot ko ang cellphone ko mula sa bedside table. It's already 3 in the morning. Madaling araw na pero wala pa rin ang asawa ko. Ni wala itong text o tawag. Hayst. Baka kung napano na 'yun.

To: Mike

Hon saan ka na? Reply ASAP.

I sent a text to him. Ilang minuto akong naghintay sa reply niya pero wala.

I sent about ten messages para alamin kung nasaan na siya pero wala pa ring reply. As far as I know, hindi niya hinihiwalay ang cellphone sa tabi niya para in case na may importanteng text o tawag sa kanya, nasasagot niya. Pero ngayon ay wala siyang ka-reply-reply.

I called him dahil sa pag-aalala ko. Nagriring lang ang number niya pero walang sumasagot. Nakailang tawag pa ako pero wala talagang sumasagot mula sa kabilang linya. Tsk. Ano ba 'yan.

Gusto ko pang matulog kaya pilit kong ipinikit ang mga mata ko, but Mike's face keeps on flashing everytime I try. Hindi naman ako mapapanatag nang wala man lang siyang kareply-reply sa mga text o tawag ko.

Bumangon ako. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Hindi na ako nag-abalang buksan ang mga ilaw. Paniguradong magigising sila Manang. Makakaistorbo pa ako.

Pumunta ako sa sala, naupo sa couch, at tumitig sa kawalan. Mag-aalas kwatro na ng madaling araw pero wala pa rin si Mike. Nasaan na kaya siya?

Napatingin akong muli sa cellphone ko pero wala pa ri siyang reply. Sh*t! Ayaw ko namang mag-panic, pero hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng masama. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Dumiretso ako sa front door namin. Dahan-dahan ko itong binuksan. Naupo ako sa baitang papasok sa bahay namin. Humilig ako sa poste.

Madilim pa rin. Huminto na ang ulan. Tanging liwanag lang ng buwan ang masisinagan. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan, pero sobrang dilim pa rin. Sabagay katatapos lang ng ulan. Pero hindi maitatanggi na magandang pagmasdan ang kalangitan.

Sandali kong nakalimutan ang pag-aalala kay Mike.

"NAKO MIRA HIJA! Anong nangyari sa'yo?" Nagising ako sa isang matinis na tinig.

Dahan-dahan namang nagmulat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko.

"Ano bang ginagawa mong bata ka!" Singhal ni Manang Linda tsaka ako tinulungang tumayo.

"Sh*t." I cursed under my breath nang maramdaman ko ang pagsakit ng likod, puwitan, at mga binti ko.

Nangawit yata ako sa pagkakatulog habang nakaupo. Tsk. Mira naman!

"Hija ayos ka lang ba? Ano bang pumasok sa isip mo at doon ka natulog?" Asik ng matanda tsaka binuksan ang pinto ng kwarto namin ni Mike.

"Si Mike po?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.

Napahilamos sa mukha ang matanda.

"Mukhang hindi yata umuwi ang asawa mo." Tugon ni Manang.

"Sige po. Magpapahinga po muna ako." Sagot ko.

Nahalata naman ni Manang na ayaw ko nang mapaistorbo kaya umalis na siya. Naiwan akong mag-isa sa kwarto namin ng asawa ko. It's supposed to be OUR room, but if feels empty ngayong wala siya. Nababagabag din ako dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon