Kabanata 13

136 4 1
                                    

Tahimik akong nakaupo at sumisimsim ng wine sa balkonahe ng bahay namin. I’m waiting for Mike. Yes, Mike, my husband.

Tinawagan ko siya kanina para sabihin na kailangan ko siyang makausap. Nahalata niya yatang seryoso ako kaya hindi siya tumanggi. Sinabi niya lang na hintayin ko siya at tatapusin niya lang ang trabaho niya. And I did.

Bumukas ang pinto ng kwarto. Tinanaw ko kung sino ang pumasok. Obviously it's my husband.

Halatang pagod ito galing sa trabaho. Suot pa nito ang reading glasses niya. Nakita kong inilapag niya ang suitcase sa couch at hinubad ang kurbata. He was undoing his dress buttons. Napaiwas naman ako ng tingin. Baka akalain niya pa na sinisilipan ko siya. Tsk.

"Nag-dinner ka na?" Kalmado kong tanong nang maupo siya sa harapan ko.

Wala na siyang suot na pantaas, tanging ang slacks lang niya. Tsk. Yabang. Porket may ipagyayabang.

"Done." Tipid na sagot niya tsaka nagsalin ng wine sa isang baso.

Nagulat pa ako nang pinuno niya ito at inisang lagok lang. Napatitig tuloy ako sa kanya. He must be under a lot of stress right now.

"Do you plan to stare at me the whole time or are you gonna talk?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya at sumimsim sa wine na hawak ko. Mike and his trashy talk. Tsk.

Kainis na 'yan.

Sumeryoso ako ng mukha at hinarap siya. Ibinaba ko ang hawak kong baso. Baka mabasag ko pa ito. Inipon ko ang natitirang lakas ng loob sa katawan ko. I swallowed the lump forming inside my throat.

"I.." My voice broke dahil sa pagkakatitig niya. Sh*t!

Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanya?

Sinalinan ko ang baso ko ng wine at katulad ng ginawa niya, inisang tungga ko ito. Nagbabakasakalin na may mahugot akong lakas ng loob dito.

"I... I want an a-annulment." I blurted it out sa harapan niya.

Pagkasabi ko nito ay parang naubusan ako ng lakas. I closed my eyes para hindi makita ang reaksyon niya. Whether he would be sad or glad sa gusto ko, I want it to remain as a question.

"W-what?" Nagmulat ako ng mata.

Mike was gawking at me na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napatungga pa ito ng wine at napahilamos sa mukha.

Nakagat ko ang labi ko.

"I want an annulment, Mike." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ko.

"Put*ngina naman Mira! Anong annulment ang sinasabi mo!?" Sigaw niya sa akin.

Napatayo na siya. Galit na galit ang mukha niya. Tumayo rin ako para hawakan ang kamay at pakalmahin niya.

"Please... Mike calm down." Natabig niya ang wine bottle at nalaglag ito't nabasag.

Tinabig niya ang kamay ko.

"T*ngina! You're really asking me to calm down!? F*cking sh*t Mira!" Sigaw niya sa akin tsaka ako tinalikuran.

Pati ang baso niya ay ibinalibag niya at nabasag ito. Sa lakas ng impact ng pagkakabato niya, tumalsik pa ang nga bubog.

I saw blood dripping from his hand. Sh*t!

Nilapitan ko siya, iniiwasan ko ang mga bubog na nagkalat sa lapag. He was facing away from me.

I never thought this would be his reaction. Akala ko ay tatanggapin niya ito nang maayos, nang pinag-uusapan namin ng maayos ang mga bagay. I thought he would be rational about it, he's always the one acting all mighty and rational about things.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon