"A little help?" Tanong ng babae.
I turned on the lights bago ko siya nilapitan at tinulungang akayin si Mike.
"Careful, Mike." Sambit ng babae nang muntikan nang makabitaw si Mike sa pagkakaakbay sa kanya habang paakyat kami sa hagdanan.
"Ohhh... Mandy... I really mi--" Mike's words were inaudible.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. But he was trying to talk to Mandy. Yeah. It's Mandy, the one who had the title of the ex and the first love.
There is a little pinch sa dibdib ko nang ang pangalan ni Mandy ang tinatawag niya imbes na ang pangalan ng asawa niya. Ay well, ex na nga rin pala ako.
Nahirapan kaming akayin paakyat sa kwarto si Mike. Parang nakahinga ako nang maluwag nang maihiga na namin ang lalaki sa kama nito. Ang sakit niya sa likod! Tsk. Mag-iinom kasi hindi naman pala kaya.
I was about to remove Mike's tie and dress shirt nang si Mandy na ang gumawa nito. Sa gulat ko, naestatwa na lamang ako.
She removed Mike's tie and dress shirt habang ang kamay ni Mike ay inaabot ang mukha niya. I can't believe I'm seeing this. Hindi ba ako dapat ang gumagawa nun? Hindi ba ako dapat ang naghuhubad sa lasing kong asawa? Ako dapat ang nag-aalaga sa kanya. But I just stood there, watching them.
Mayamaya pa, Mike pulled down Mandy and kissed her. Napatili ang babae. But it was more of an excited shriek than a frightened one.
He f*cking kissed her in front of me. It was not a soft kiss. It was a passionate kiss na naganap sa harapan ko pa mismo, before my naked eyes. Mike was even murmuring Mandy's name.
Tumalikod ako dahil hindi ko kinaya ang eksena nila. Lumabas ako sa kwarto. Napahawak kaagad ako sa dibdib ko nang makababa ako sa hagdanan. Sh*t!
Huminga ako nang malalim bago pilit na pinakalma ang sarili. I never imagined Mike kissing another woman. H*ck! I never thought he could kiss another in front of me, sa t*ngnang harapan ko pa!
Pinigilan ko ang luha na gustong kumawala. I'm getting too emotional. Probably because of the alcohol.
I banged my chest.
Hindi ka na dapat maapektohan Mira. You and Mike are over. Got it? You and him are over! Wala na kayo! Wala ka na dapat iniiyak pa diyan. Wala ka na dapat dinadamdam pa. You and Mike are long over due. Stop dramatizing Mira!
Dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng basin na may lamang tubig. I got a towel. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago magtungo sa kwarto ni Mike. Baka kung ano pa ang maabutan ko.
Nagpupuyos man ang damdamin ko, wala naman akong karapatan. Sh*t rights!
Pumasok ako sa kwarto. Naabutan kong wala nang pantaas si Mike. Tanging ang slacks na lamang ang suot niya. Nakaupo si Mandy sa kama, sa gilid ni Mike. She was caressing Mike's face.
"You're here?" Obvious na tanong nito nang makita niya ako na nakatayo sa bukana ng kwarto.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa tabi ni Mike. Ipupunas ko na sana ang bimpo sa mukha ng lalaki nang agawin ni Mandy ang bimpo. Siya na ang nagpunas kay Mike.
Nagulat na lang ako sa inasal niya. Napaamang ang bibig ko pero ginantihan lang ako ng ngiti ng babae. Huh! She was acting like she was the wife!
Lumabas na ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang beer-in-can at walang ano-ano'y tinungga ko ito.
"Huh!" I exhailed loudly. Kung hindi ko ito gagawin baka sumabog ako.
Baka masugod ko ang babae sa kwarto at walang patawad na sabunutan ito. Baka makaladkad ko siya pababa rito sa hagdan at isubsob palabas sa bahay namin!
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...