Kabanata 12

141 5 0
                                    

"Hija, uminom ka muna ng tubig." Inabutan ako ni Manang ng isang basong tubig.

Kaagad ko itong ininom. Sh*t! Muntikan pa akong mabulunan sa ginagawa ko.

"Hija, sobra naman yata ang kain mo ngayon." Bahagyang natawa si Manang sa inakto ko.

"Gutom lang po." Sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nag-search ako kanina kung paano gumawa ng bibimbap at kimbap. Nakita ko kasi itong kino-commercial sa T.V. kaya bigla akong nag-crave.

Well, palusot ko lang talaga ang cravings na 'yun. Nag-stress eating lang talaga ako. The past week had been so stressful for me. Hindi ako makakain nang maayos o makapagtrabaho nang tama. Iniisip ko pa rin 'yung mga sinabi ni Mike.

He's still mourning for our unborn child. And he keeps grudges pala sa akin. It hurts tho. Hindi lang din naman siya ang nawalan. Hayst.

Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Ang init bigla. Napapainit talaga ni Mike ang ulo ko. Tsk. Tsk.

"Dahan-dahan lang ang kain Hija. Wala namang aagaw niyan." Paalala ni Manang Linda tsaka ako patuloy na pinanuod sa pagkain ko.

Manghang-mangha si Manang sa inaakto ko. Ngayon niya lang yata ako nakitang kumain nang ganito karami at kabibo.

"Manang, juice please."

Ikinuha naman ako ng paborito kong orange juice ni Manang.

"Oh. Magdahan-dahan ka." Paalala ulit nito.

Magana akong kumain. Naubos ko 'yung dalawang bowl ng bibimbap na ginawa ko at isang rolyo ng kimbap. Sh*t! Ang sarap pala.

"Hija, nagriring ang phone mo." Inabot ni Manang sa akin ang phone ko.

Ang Mama Celia ko pala ang tumatawag.

"Hello po Ma." Sagot ko tsaka nilagok ang natitirang orange juice sa baso ko.

"Mira! Sabi ko sa'yo pumunta kayo ni Mike noong Sabado dito sa bahay!" Galit na bungad ni Mama sa akin.

Tumayo ako at umakyat papunta sa kwarto ko para hindi marinig ni Manang na pinapagalitan ako ni Mama.

"Eh Ma, busy nga po kami ni Mike." Pagpapalusot ko.

Actually busy talaga ako. Ewan ko lang kay Mike. Well, wala naman akong pakialam sa pinagkakaabalahan niya. Ayaw ko na ring malaman pa kung busy siya o hindi. Simula nang mag-away kami ay hindi na siya ulit natulog dito sa bahay.

"Malungkot ang Papa mo Mira. Alam mo naman na gustong-gusto ng Papa mo Mike. Ikaw naman hindi mo makumbinsi ang asawa mo na dalawin kami rito." May himig ng pagtatampo sa boses ni Mama.

"Yes Ma. I'm sorry okay? Promise kapag nagka-oras na kami ni Mike ay dadalaw kami diyan." Narinig ko ang masayang pagtawa ni Mama.

"Buti naman Mira! Oh siya, basta kung may oras kayo, dumalaw kayo." Si Mama.

"Yes Ma. Bye po. Love lots." Sagot ko bago mawala ang linya.

Napahilamos ako sa mukha ko.

Si Mama’t Papa talaga masyadong fond kay Mike. Kung alam lang nila na inaaway pala ako ng paborito nilang manugang. Hayst. Mas lalo tuloy akong nainis. Sinuntok-suntok ko ang unan sa tabi ko. Tsk. Tsk.

I took a shower. Balak ko sanang mag-grocery ngayon para may stock kami at kung gusto kong mag-bake, para ma-destress naman ako at para hindi ko na rin masyadong isipin ‘yung away naming ni Mike.

Nagpahatid ako sa supermarket kay Mang Cardo. Tulak-tulak ko ang isang push cart habang nagtitingin ng mga essentials. Ipinalista ko na kay Manang Linda ‘yung mga kailangan naming sa bahay para ako na ang bibili.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon