"Wait here. I'll order." Turan ni Mike.
Naupo kami sa couch ng fastfood. Katabi ko si Sere na nilalaro si Sunshine. Buhat-buhat ko ang baby. Si Ven naman ay naupo katapat namin. He just watched Sere and Sun playing.
"Tita do you want a baby?" Tanong ni Sere sa akin. Titig na titig ito sa akin.
Hindi ko naman alam ang isasagot. Nginitian ko siya.
"Of course." Tipid na sagot ko.
Of course I wanted to have a baby. With Mike syempre. That was the original plan. But of course marami na ang nagbago at nangyari. So my plan, I don't think it will happen. Hayst.
"A girl or a boy?" Segundang tanong ng bata.
Napaisip naman ako. Dati I prefer to have a daughter with Mike para maayusan ko't mabibihisan like a doll. But I just realized na kahit anong gender okay lang sa akin as long as the baby is safe and healthy.
"Hmm.. kahit ano." Sagot ko.
"Wow! Then have a baby girl and a baby boy!" Sere squealed.
I patted her head lightly. Kung sana ganoon lang kadali ang lahat. Hayst.
In the eyes of a child, lahat possible, lahat paniniwalaan. But of course things change when we grow old. We realized na hindi naman natin kontrolado ang mga bagay-bagay. We learned that not all things are possible so we compromise.
"Kids, here." Dumating si Mike bitbit ang isang tray. May kasunod itong isang crew na may dala ring isa pang tray.
Mike ordered the kids 2-piece chicken and rice. May binili rin itong kiddie meal kaya ang daming pagkain sa harapan namin. Baka dahil sa toys kaya may pa-kiddie meal pa siya. He ordered me burger steak with egg and fries. Ganoon din ang meal niya. May fries, coke float, at pies din itong kasama. Hayst. Para namang mauubos namin ito.
"Yey! Chicken!" Masayang sabi ni Sere tsaka inumpisahan na ang pagkain.
Buhat ko si Sunshine, tahimik lang ito kaya nakakakain ako nang maayos gamit ang isang kamay ko. Behave na behave ang baby. Minsan pasulyap-sulyap ito sa akin, pinapanuod kung ano ang ginagawa ko. Sometimes Sun would smile and giggle out of nowhere.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Mike. Siguro napansin nitong hindi ako nagsasalita.
"Oo." Tipid na sagot ko tsaka sumipsip sa float.
"I can babysit Sun so you can eat well." Pag-ooffer niya sa akin.
"It's fine. Nakakakain naman ako nang maayos." Sagot ko.
"Okay. Tell me kapag nahihirapan ka." Tugon niya.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Sometimes, sinusubuan ko si Sere dahil nalilibang ito sa paglalaro kay Sun.
"Sere say ah." Turan ko tsaka itinapat ang kutsarang may laman na chicken at rice sa bibig niya.
"Tita look oh, Sunshine smiled." Turo nito sa kapatid.
"Okay nakita ko na Sere. Come'on say ah." Panghihikayat ko sa bata.
Ngumanga naman ito pero nakatingin pa rin sa bunsong kapatid. Nagkalaglagan tuloy ang ibang kanin sa damit ko. Tsk. Sere is just so fond of her baby sister kaya hindi ko na inintindi ang mga nalaglag na kanin.
"Serenity, eat first before you play." Si Mike. Seryoso itong nakatingin kay Sere.
Napalabi ang bata tsaka nag-angat ng tingin sa akin na para bang nanghihingi ng tulong. Tinanguan ko siya.
"Tita, Tito Mike is mad at me. Look, he looks so serious." Bulong nito, kumapit ang maliliit niya kamay sa dulo ng damit ko.
Napatawa naman ako. I used my free hand para haplusin ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...