"Ano ba!" Singhal ni Mira sa lalaking sunod ng sunod sa kaniya.
"Sandro, isa. Tigilan mo na ko!" Iritang-irita na si Mira sa kakasunod ni Sandro sa kaniya.
Yes, si Sandro. Simula noong yayain siya nito sa isang coffee shop, dumalas na ang pagbisita nito sa shop niya. Hindi lang para bumisita, kung hindi para inisin rin siya. Ewan ba ni Mira kung anong tumatakbo sa isip ng lalaki kaya siya nito binubulabog parati.
"Why? I'm not doing anything." Maang-maangang sagot ni Sandro.
Napairap si Mira at napabuga ng hangin.
"See that?" Tinuro ni Mira ang pinto na may nakapaskil na 'Employees Only'
"Yes. Clearly." Sarkastikong sagot ni Sandro kay Mira.
Napairap naman si Mira sa binata.
"Nakikita mo naman pala. Bakit nandito ka pa?" Singhal niya rito.
Simula nang magbukas ang shop ni Mira ay nakaabang na kaagad si Sandro. Kaya kaninang umaga pa siya nito iniinis. Ewan ba niya at kung todo magpapansin sa kaniya si Sandro.
Hanggang ngayong nasa loob siya ng baking area nila, sinusundan siya ng binata.
"I'm volunteering to be your employee." Napaamang si Mira sa lalaki.
Hinuli niya ang mga mata nito. Hindi niya alam kung kung nagbibiro ba ito o seryoso si Sandro sa sinabi.
"Wala ka bang trabaho?" Si Mira.
"Yep." Walang alangan na sagot ni Sandro sa babae.
Napabuga na lang si Mira ng hangin.
"Then better hunt a job. Akala ko ba piloto ka." Si Mira.
Sandro smiled inwardly.
"So you're taking a note 'bout me." Si Sandro.
"Anong sinasabi mo?" Takang tanong ni Mira habang nagmamasa siya ng dough.
"You remembered what I said... That I am a pilot."
Umingos naman si Mira.
"Of course. First time kong makakilala ng piloto na kasing kulit mo." Sagot naman ni Mira.
"At least you remembered." Tudyong sagot naman ni Sandro.
Dumukwang ang lalaki kay Mira para magkatapat ang mga mukha nila. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng babae.
"Ano ba Sandro..." Napatigil si Mira nang mag-angat siya ng tingin dahil ilang pulgada lang ang pagitan ng mukha nila ni Sandro. She can even feel his minty breath on her cheeks.
Ilang segundong napatitig si Mira sa mga mata ng lalaki. She could not read his eyes. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito, o kung ano ang mga emosyong naglalaro sa mga mata nito. Pero kaagad ding nag-iwas ng tingin si Mira dito.
"I told you not to touch my hair." Asik ni Mira saka inirapan ang lalaki.
"Well, I'm flirting with you so I'm allowed." Nabigla man sa sinabi ni Sandro, pinilit ni Mira na pakalmahin ang sarili.
"News flash Mr. Ortega, I'm not flirting back kaya 'wag mong galawin ang buhok ko." Mataray na sagot ni Mira.
She really tried her best to control her voice. Ayaw naman niyang magmukhang batang kinikilig dahil sa sinabi ng lalaki. But she admits, nakakatunaw ang mga tingin ni Sandro. And if Mira's haven't been in a failed marriage, she might like Sandro, romantically.
"It's okay." Ani ng lalaki. "I just have to pursue you more aggressively now." Dagdag nito bago umalis sa harap ni Mira.
Kumindat pa si Sandro bago mawala sa paningin ni Mira.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...