Kabanata 16

139 6 0
                                    

Maaga akong gumising para maglinis ng bahay. It's Sunday today so wala akong pasok sa shop. Minabuti ko na lang na maglinis ng bahay para hindi naman nakakahiya kay Mike na nakikitira ako sa bahay niya.

Ipinusod ko ang buhok ko para walang sagabal habang naglilinis ako. I started cleaning the kitchen. Pinunasan ko ang kitchen counter. Inayos ko rin ang pantry. Nang matapos ako, I started vacuuming the floor para mamaya magma-mop ako.

Kumakanta-kanta pa ako habang naglilinis. Wala rin namang makakarinig sa akin dahil mag-isa lang ako rito sa bahay. Hindi umuwi kagabi si Mike. Baka nasa bahay ng babae niya. Well, why do I sound bitter? Tsk.

Pinupunasan ko ang coffee table nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Oh, there he is. Inumaga na siya ng uwi. Hindi naman na ako ang asawa niya para mag-alala pa sa kanya.

Yes, nag-aalala ako pero sa akin na lang iyon. I'll be crossing my boundary kapag ipinahayag ko ang pag-aalala ko sa kanya. Tsk.

Bumukas ang front door. Hindi naman ako nabigo nang si Mike ang pumasok doon. Nakita niya akong nagva-vacuum. Nagulat yata siya dahil nakatitig pa rin siya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin ng sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Uh..." Napatingin ako sa kanya, he was frozen na para bang may gustong sabihin.

"Hmm?" Himig na tanong ko.

Yeah. Walang buong salita na lumalabas sa bibig namin. Tsk. Ano kami mag-ex na naging pipi na after break up? Tsk. Ang gulo.

"You went to the mall with Mom and Ate Amanda?" Obvious na tanong niya.

"Yeah. Sinundo nila ako sa shop. Hindi na ako nakatanggi pa." Sagot ko.

Hayan, at least may buong salita na kaming nabigkas. Hayst. Hindi naman pala kami napipi sa isa't isa.

"I saw your pictures." Turan niya.

"Ah, si Ate Amanda kasi. She insisted on taking pictures daw para may memories." Sagot ko.

Baka nakita niya 'yung picture namin nila Ate Amanda at Mama Jennifer habang nagla-lunch. The waiter took that picture for us.

"You look good." Pahayag ng lalaki.

Hindi ko naman alam ang isasagot. Napakagat-labi ako. Hayst.

"Uh... Thanks." Tipid kong sagot.

"With Sunshine." Parang wala sa sarili nitong sagot.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah! I mean you look good when you're holding Sunshine." Mabilis na sagot ni Mike bago nagmamadaling umakyat sa second floor.

Hindi ko naman siya maintindihan pati ang inakto niya. Kinuha ko ang phone ko tsaka binisita ang instagram profile ni Ate Amanda. Binalikan ko ang nga posts niya. Nakita kong naka-post ako roon.

It's a candid picture of me while holding Sunshine. 'Yung picture na nakababa ako ng tingin sa baby at 'yung baby naman nakaangat ng tingin sa akin. Ate Amanda captioned it, 'Loving mother in the making.'

Medyo nahiya naman ko. Marami kasing nag-comment doon at tinatanong kung sino raw ako. Ate Amanda is a socialite at sikat itong modelo bago pa man napangasawa si Kuya Terence kaya hindi nakakapagtaka na maraming nakakakilala rito.

Ah, kaya naman pala. Baka nakita rin ito ni Mike kaya niya nasabing I look good daw. Tsk. No need to mention. Maganda naman talaga ako. Hindi lang niya naappreciate. Saka baka mas nagagandahan niya si  Mandy. Tsk. Ang bitter ko naman.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ng bahay. Nang matapos ako, humiga muna ako sa couch. Kakapagod. Bakit kasi ang laki ng bahay tapos dalawa lang naman kaming nakatira.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon