Kabanata 30

168 4 2
                                    

"Here is your change Ma'am." Inabot ng cashier ang sukli ni Mira pati ang resibo.

Nasa mall kasi siya ngayon para bumili ng ingredients ng lulutuin niyang lasagna. Balak niyang bumisita sa bahay ng mga magulang niya.

Isang buwan din na hindi pinansin si Mira ng kaniyang ina simula noong nalaman niya na hiwalay na siya at si Mike. Syempre hindi naman siya tumigil na suyuin ang kaniyang ina pati ang ama. She did what she ought to do.

Hindi madali para sa kaniya lalo na sa mga magulang niya. They were disappointed dahil hindi sila napagkatiwalaan ni Mira sa situwasyon nila ni Mike. They were questioning kung bakit hindi sila humingi ng payo para sana naayos pa ang relasyon nila.

But Mira knows that they were at the point in their lives na kailangan na nilang maghiwalay ni Mike, so they could move on. It's not that they really fell out of love. But they just got too tired trying to pretend na masaya pa sila sa kung anong mayroon sila. They kept many things bottled up.

Mira's parents also knew about the miscarriage, that she lost the baby and Mike can't forget about it. Naintindihan naman nila, so instead na magalit pa kay Mira, they forgave her.

Noong nalaman nila, they cried. Bakit hindi nasabi ni Mira na ganoon na pala ang pinagdadaanan nila ni Mike? But they really got hung up on that and never moved on.

Finally naintindihan rin naman ng mga magulang ni Mira. So from time to time Mira visits them. But she did not move back to her parents. Nanatili na lamang siya sa shop niya. At least doon ay nagiging abala siya, she fell she has a purpose.

"Mira." Napahinto si Mira sa paglalakad, nakagat pa niya ang ibabang labi.

Shoot! Why of all people!? Hayst.

Dahan-dahan na pumihit si Mira para harapin ang may-ari ng boses na tumawag sa kaniya.

"Ma..." Mahinang usal ni Mira na kaagad nagpa-arko sa kilay ng ginang na kaharap niya. "I mean... Tita Jennifer."

Bumuga ng hangin ang ina ni Mike bago nag-krus ang braso nito.

"Good that you still know me Mira." Hindi alam ni Mira kung saan nanggaling ang nanunuyang tono ng ginang.

"Kamusta po?" Pinilit ni Mira na ngumiti sa ginang, pinilit niyang maging magalang pa rin dito kahit na hindi maganda ang naging karanasan niya sa ina ng dating asawa.

"Oh! I'm living a very good life!" Tumawa pa ang ginang na pakiramdam ni Mira ay uminsulto sa kaniya. But she maintained a smiling face.

Hoo Mira! Kaya mo 'yan. Respeto pa rin okay Mira? Ex-Mother-in-law mo pa rin 'yan. Paulit-ulit na paalala ni Mira sa sarili para pigilan na masagot niya ang ginang.

"And Mike's living a happy life too." Mapang-insulto na ngumiti ang ginang. "Actually I'm expecting Mandy will move in to his place. Alam mo naman, maganda ang takbo ng relasyon nila."

Nag-isang linya ang bibig ni Mira, pinipigilan ang sarili.

"Good. Good." Iyon na lamang ang naisagot ni Mira.

"It's really good!" Pumalakpak ang ginang. "I hope you're happy too Mira. Syempre ayaw ko naman na si Mike lang ang maging masaya simula nang maghiwalay kayo." Dagdag pa nito.

Nag-init na ang mukha ni Mira. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa inis anytime. She knew na hindi maganda ang relasyon niya at ni Jennifer, but she was hoping na kahit papaano ay may simpatya ang dating in-law niya. Pero sa ipinapakita nito, parang masayang-masaya pa ito sa paghihiwalay nila ni Mike. And Mira felt insulted.

"Huwag po kayong mag-alala. Masayang-masaya din po ako." Sarkastikong ngumiti si Mira si ginang.

"Ma, what are you doing here?"

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon