"Sere baby come'on eat breakfast. You have to go to school today." Turan ko.
Binuhat ko si Sere at inupo sa upuan. Nakahanda na sa harap niya ang paborito niyang pancakes na may chocolate syrup sa ibabaw. Katabi niya sa Ven na kumakain na.
I handed Mike a cup of coffee. Kinuha naman niya ito. Nakabihis na ito at ready na ring pumasok sa firm. Buhat nito si Sunshine na kaagad ko namang kinuha sa kanya. Baka malukot ang damit niya.
"Sere eat fast." Narinig kong bulong ni Steven sa kapatid.
Tumango-tango naman ang batang babae. Kumuha na rin ako ng pancake para saluhan sila sa pagkain. Papasok din kasi ako sa shop ngayon kasama of course si Sunshine.
Nang matapos silang kumain, ibinaba ko sa Sunshine sa stroller para hugasan ang mga pinagkainan nila. Sere and Steven went upstairs para maligo at gumayak na.
"Mike check on Sunshine." Utos ko kay Mike.
Inabala ko na siya kahit na kita kong nagbabasa ito. Umiyak kasi si Sunshine habang sinasabon ko ang mga plato. Alangan namang ako pa ang umasikaso sa bata.
Binilisan ko ang paghuhugas ng plato para hindi na maabala pa si Mike. Kaagad kong kinuha sa kanya si Sunshine.
"Hon, please check on Sere and Ven. Anong oras na male-late kayo." Wala sa sarili kong pakiusap kay Mike.
Ilang segundo ang lumipas pero nakatitig pa rin sa akin si Mike, na para bang may nagawa akong kakaiba.
Natauhan na lang ako nang hindi pa rin mawala ang titig niya sa akin. Oh sh*t! Ano ba naman 'yan Mira! Ang gag* mo!
"Uh... I mean Mike. Not Hon." Pagkaklaro ko. Napakagat-labi ako sa sinabi ko. Wait, parang mas lumala pa yata.
May naglarong ngiti sa mga labi ni Mike bago ito umalis para sundan ang dalawang bata.
Sh*t! Mahinang mura ko. Ano ba 'yan Mira! Think first bago ka magsalita! Hayan at pinagtatawanan ka tuloy ng ex mo. Feeling ka kai. Kung maka-Hon ka akala mo kayo pa. Tsk. Eh may iba na nga siyang 'honey.'
"OH BAKIT nandiyan ka?" Tanong ni Mike nang maabutan niya ako na nakasakay sa backseat ng kotse niya.
Kagabi kasi ay napag-usapan na namin na sa kotse niya na lang kami sasakay. I can't drive of course dahil nandito si Sunshine. Ihahatid din namin ang mga bata bago niya ako ihatid at dumiretso sa office niya.
Dahil sa kahihiyan na nagawa ko kanina, I decided to sit here at the back. Duh. Ayaw ko naman na makatabi siya sa harap. That would be freakin' crazy!
Hindi ko siya pinansin.
Mayamaya bumukas ang pinto sa gilid ko. Si Mike ang nagbukas nito. Marahan niya akong hinila palabas sa kotse dahil na rin sa kalong ko si Sunshine. Ipinaupo niya ako sa passenger seat. Well, sa tabi niya.
"Tito, Tita are you fighting?" Walang muwang na tanong ni Steven.
"No."
"Yes."
Magkasabay naming sagot ni Mike. I told the kid no and Mike told him otherwise.
"You are fighting." Deklara ni Steven saka sumandal sa upuan ng kotse.
"No baby we are not." Pasimple kong sagot. "Your Tito Mike's just overacting." Dagdag ko.
Kumunot naman ang noo ni Mike at sinamaan ako ng tingin. Inismidan ko siya. Tsk.
Tinulungan ni Mike isakay ng dalawang bata ang gamit nila sa loob ng kotse. I watched Mike as he put on a seatbelt for Ven and Sere. I bet he'll be a good father sa magiging anak niya. Too bad, I'm not the mother. Well, bakit naman may 'too bad' Mira? Napa-mental note ako.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...