"Ano!?" Sigaw ni Mama sa akin. Bakas sa boses nito ang pagkadismaya at galit.
Nakaluhod ako sa harapan ni Mama, umiiyak. Tears come running down. Hindi ko ito mapigilan.
Si Papa hawak-hawak si Mama at pinipigilan ito na may magawang masama sa akin. Pero alam kong galit din si Papa sa akin.
Si Ate Marison ay nakatingin lang sa akin. Pinapanuod ako habang nakaluhod. She looked so disappointed. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
Marie was trying to pull me up from kneeling.
"Ano!? Ulitin mo nga Mira!" Sigaw ni Mama, tumama sa braso ko ang ang hawak niyang bag nang ihampas niya ito sa akin.
Mas napaiyak ako hindi dahil sa sakit nang pagkakahampas sa akin pero dahil puno ng hinanakit ang boses ni Mama. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"I'm sorry Ma. I'm sorry." Iyak ko sa harapan niya.
"Ate, tumayo ka na." Si Marie.
She was trying to pull me up but I insisted on kneeling before them.
"A--no!? L--lakasan mo ang boses mo! Hindi ko marinig!" Sigaw ni Mama.
"Ma, I'm sorry po. Sorry, Ma." Tears won't stop rushing down.
"Bakit sorry Mira!? Anong ginawa niyo!? Bakit kayo naghiwalay!?" Um-echo ang boses ni Mama sa buong bahay.
"Celia, huminahon ka." Pagpipigil ni Papa kay Mama.
"Paano ko hihinahon Mario!? 'Yang anak mo." Napasapo si Mama sa dibdib nito.
"Ma.." Ate Marison's voice was faint.
"Celia naman, kumalma ka."
Pinilit ni Papa na maiupo si Mama sa couch. Agad na inabutan ni Ate Marison si Mama ng isang basong tubig.
Itinayo naman ako ni Marie. She wiped off my tears and sweat. Hilam man ang mata ko, naupo ako kaharap si Mama.
Galit ito sa akin. Kung nakamamatay ang titig niya, I would be dead by now. Si Papa mataman ding nakatitig sa akin.
"Mira, explain." Maawtoridad na boses ni Papa.
I fidgeted. Nalagok ko ang tubig na ibinigay ni Ate Marison sa akin.
"Pa..." My voice trailed, nabasag ito nang pigilan ko ang muling pagbagsak ng luha.
"Papa... we decided to... call off the marriage." Mabigat na sambit ko.
Blangko ang mukha ni Papa bago ito lumapit sa akin at tinulungan akong huminahon sa pag-iyak. Si Mama naman, hayun at mukang pinagsukluban ng langit at lupa.
Who wouldn't be? Her favorite son-in-law just... Well, hindi na pala son-in-law.
"Mira, alam mo ba ang pinasok mo?" Si Papa, madiin ang boses nito.
Nakita ko ang matamang titig ni Ate Marison at Marie, pati ni Mama. They were all expecting my answer.
"Pa, sigurado po ako." Ani ko.
"Hindi..." Mama's voice trailed. "Bumalik ka sa bahay niyo Mira. Balikan mo si Mike." Mabilis na tumayo si Mama saka ako hinila patayo at hinatak papalabas.
"Mama..."
"Celia naman." Awat ni Papa.
"No!" Inalis ni Mama ang braso ni Papa na nakakapit sa kaniya. "Mira, balikan mo ang asawa mo. Simpleng tampuhan lang 'yan." Nagmamakaawa ang boses ni Mama.
Nakagat ko ang labi ko. I don't know. Hindi ko na alam kung kaya ko pang makaharap si Mike. What more kung babalikan ko pa siya? That's absurd!
"Ma... wala na kami ni Mike." Pinal na pahayag ko.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...