Nagising ako nang may kumakalabit at bumubulong sa akin. May liwanag na dumadampi sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at si Mike ang naabungaran ko. Nakasandal ito sa headboard ng kama.
Ang gwapo talaga ng asawa ko kahit bagong gising ito. Magulo ang buhok nito. Ilang butones sa PJ nito ang bukas. Yummy sabi nga nila.
Nginitian ko ito.
"You need anything?" Tanong ko, half awake.
"I need to shower." Sagot naman nito tsaka itinaas ang braso niyang naka-cast.
Tumingin ako sa orasan sa bedside table. Alas otso na pala ng umaga. Ngayon ang schedule ni Mike sa hospital para tanggalin ang cast nito.
"Wait lang huh." Tugon ko.
Bumangon ako at dumiretso sa banyo. I quickly did my morning routine. Nang matapos ako, si Mike naman.
Kumuha ako ng plastic sa kusina saka binalutan ang naka-cast niyang braso at binti. Ito ang challenging kapag kailangan niyang maligo o magbihis.
Nakahawak si Mike sa braso ko habang inaalalayan ko itong maglakad papasok sa banyo.
"Iwan na kita?" Tanong ko nang matapos kong tanggaling ang pagkakabutones ng damit nito.
Tumango ang lalaki.
"Tawagin mo 'ko kapag tapos ka na." Paalala ko rito.
Lumabas ako sa banyo tsaka inumpisahan nang ihanda ang damit niya.
Habang inaayos ko ang damit niya, hindi ko maiwasan na hindi alalahanin ang situwasyon namin. Actually okay naman kami. Pero hindi pa rin naming napag-uusapan 'yung nangyaring pag-aaway namin last week. And tingin ko hindi na namin ito mapag-uusapan pa. It's just that, I don't have the courage na kausapin si Mike. I don't want spoil the truce na mayroon kami. At least kasi ngayon ay hindi na kami nag-aaway. Well, hindi kami gaanong nag-uusap pero hindi rin kami nag-aaway. So I guess it's okay?
Mang Cardo drove us to the hospital. I received an urgent call mula sa shop ko, pero hindi ko naman maiwan si Mike. But I guess he overheard my conversation with my employee kaya naman pinilit niya na bumalik na ako sa shop.
Isang linggo na kasi akong hindi pumapasok. I just gave my employees instructions sa mga gagawin. Hindi rin muna kami tumatanggap ng mga special orders na hindi magagawa ng staff ko habang wala ako.
"Ma'am Mira, nagkaroon po kasi ng problema sa supplier natin." Sagot ni Adie, isa sa mga staff ko.
"Paanong problema?" Tanong ko.
Napakamot ang dalaga sa kanyang ulo at humaba ang nguso nito na animo'y pasan ang problema ng shop.
"Eh Ma'am Mira, ayaw nilang i-deliver 'yung order nating mga harina." Napakunot ang noo ko sa sagot nito.
"Bakit daw?"
"Eh Ma'am nagkukulang daw po ang production nila kaya inuna nilang suplayan 'yung malalaking bakeshops kaysa sa atin." Sagot naman niya.
Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sintido ko.
"May stock pa ba tayo?" Tugon ko.
"Ma'am tatlong sako na lang po. Baka hanggang bukas na lang po iyon." Sagot niya.
Nag-isang linya ang labi ko. Wala naman akong magagawa kun'di ang hintayin ang isusupply nilang harina. Hindi naman ako pwedeng basta na lang mag-procure ng ingredients sa iba dahil hindi ko sigurado ang quality nito.
"Okay sige, ganito na lang. Try to contact them kung kailan nila pwedeng mai-deliver ang order natin. Kapag hindi nila kaya within the next two days, mag-procure tayo sa iba." Tugon ko.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...