Prologue

7.7K 535 144
                                    

Warning: This chapter contains violence that can triggered the readers of these story!

"Ynah!" malakas na sigaw ang bumulabog sa loob ng maliit na silong na iyon kung saan pinapalibutan ng mga trapal at sira-sirang fly wood ang maliit na kubo-kubo.

Lumabas ang isang lalaking naka-kulay asul at gula-gulanit ang damit bakas sa maduming mukha nito ang inis at labis na galit. Padabog na hinalughog ng lalaki ang loob ng kubo na parang may hinahanap.

"B-bakit ho, Itay?" Nakayukong lumapit sa ama ang walong taong gulang na si Ynah. Bakas sa inosenteng mukha nito ang pagkabahala at pagkatakot sa itsura ng ama. Takot na dati na nitong nakasanayan.

"Bakit ganito ang ulam natin bagoong na naman? Kahapon bagoong, kaninang umaga bagoong puro nalang bagoong, Pesteng buhay ito! Kailan pa ba kayo magsasawa sa pesteng ulam na ito?" Malakas na tinabig ng ama ni Ynah ang pinggan na nasa harapan kaya sumabog ang laman niyon sa sahig na kawayan.

Yakap yakap ang patpating katawan habang nakatunghay sa mala-demonyong mukha ng kanyang ama. Humihikbing tiningala ng batang babae ang ama.

"Anong iniiyak iyak mo ha! Nasaan na 'yang malandi mong nanay ha? Nakikipaglandian na naman ba kay Nestor? Wala kayong silbi! Mga walang kwenta!" bulyaw ng amain ng batang babae.. Kasing dilim ng kalangitan ang mukha ng ama ni Ynah. Para itong papatay ng tao sa oras na 'yon.

"N-nasa kanila ni Tiyang Sandy si Inang nagl-lalabada ho siya, ITay." humihikbing wika ni Ynah. Yakap yakap nito ang payat na katawan sa takot at pangamba.

"Naglalabada, pweh! Ang sabihin mo nakikipaglandian na naman kay Nestor kilala ko 'yang ina mo, Ynah. Kung hindi lang sana ako nilandi landi noon hindi sana magkakaganito ang peste kong buhay mga wala kayong kwenta! Nasaan na ang perang iniwan ng babaeng 'yon? Akin na!" mabalagsik na hinigit nito ang braso ng anak na siyang kinangiwi ng bata.

"P--pero, Itay--"

"Huwag mo 'kong ma tatay-tatay riyan ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo ako tatay iyan ang ipasok mo diyan sa maliit mong kokote. Hindi ako ang ama mo! Anak ka ng kabit ng malandi mong nanay! Akin na ang pera kung ayaw mong masaktan. Akin na!" galit na sigaw ni Randy sa anak habang pinipilit na kunin ang perang iniwan ng kanyang asawa.

Dali daling binigay ni Ynah ang pera sa kanyang ama na iniwan nang kanyang ina para sana ibili nang kanilang makakain. Pahablot na kinuha ito nang kanyang ama bago pagalit na lumabas sa kanilang maliit na kubo-kubo.

Umiiyak na napaupo ang batang babae sa sahig dahil sa nasaktang braso at masasakit na salitang iniwan ng amain. Lagi nalang ganito ang ama niya simula ng ipanganak ang kapatid niyang si Yannie. Nagiging lasinggero at magagalitin na ang ama ng bata kapag umuuwi sa tahanan nila lalo pa't kung hindi ito mabibigyan ng sariling gusto. Ang pera.

Ilang minutong lumuha ang bata dahil sa sakit na narinig mula sa sariling ama ng pumasok ang nakababata nitong kapatid na si Yannie na galing sa paaralan.

"Ate Ynah!" tawag nang bunsong kapatid ni Ynah na si Yannie sa pintuan. Mabilis namang tumayo ang bata at inayos ang sarili.

"O-ohh, kamusta naman ang klase nang B-baby Yannie ko. Aba! Ang sigla sigla ng bunso ko, ah" pilit na nginitian ni Ynah ang limang taong gulang na kapatid.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon