Malakas na tugtugin ang pumapainlang sa kabuuan ng Isla iba't ibang klaseng ilaw ang nakapalibot sa stage kung saan nakalagay ang isang napakalaking cake at naglalakihang mga regalo sa ilalim ng isang Pine tree na pinapaligiran ng sari-saring ilaw na nagkikislapan.
Mula sa kinaroroonan ko ay abala ang mga catering at iba pang kasambahay sa pag-aasikaso sa ibang bisita.
Sa tingin ko nasa 100+ na katao ang narito ngayon sa Isla. Kanina pa ako nanliliit dito dahil halos naggagandahan ang mga suot ng mga bisitang dumadalo lalo na ang mga kababaihang naroroon puro mamahaling alahas ang nasa katawan nila samanthalang ako tanging kwintas lang na regalo ni nanay noong debut ko ang tanging suot-suot kong alahas.
Its already 07:30 pm and the crowd is getting noisy. May iilang mga bisita pa ang nais libutin ang Isla bago pumasok rito sa loob ng bulwagan na kahapon pang ginagawa ng mga employee sa Isla. Nasa'n na kaya si Melanie?
Dahan dahan kong nilibot ang tingin sa paligid upang hanapin si Melanie sabi kasi nito kanina bago ako iniwan ay kukuha lang ng cellphone para tawagan ang pamilya nito sa Isabella pero hanggang ngayon wala pa rin. Napatigil ang pagmamasid ko sa paligid ng makarinig ako ng mga bulungan sa paligid kaya napatuon ang pansin ko sa entrance ng event.
Si Zev!
He look so stunning---wait, no! Breathtaking was the perfect term to describe him. Clad in a top-of-the-line matte black tuxedo, a white button down polo complemented his strong angles and defined his perfectly muscles. Nakabukas pa ang ilang butones niyon sa taas. Paired with black pants and black signiture shoes.
Godness! Zeus could be jelous if he'd see this man standing right at the Olympus door step.
Para itong naligaw na Greek god sa oras na iyon. Saglit akong napaubo sa naisip ko kung ano anong kamanyakan na naman ang naiisip ko. That was how she spelled trouble.
Tss...Kung bakit ba kasi umaariba ang Women hormones ko pag nakikita ko ang lalaking 'to.
Napaismid nalang ako ng mapansin ang kaagapay nito papasok. Walang iba kundi ang nobya nitong si Lexi na kaninang hapon lang dumating kaya pala saglit na nawala si Zev marahil ay sinundo nito si Lexi sa lungsod. Nakasuot ito ng revealing blue dress kagaya ng kulay ng tuxedo ni Zev Cross style iyon kaya kitang kita ang makinis at maputi nitong likod at ang kanan nitong binti plus those 6 inches high heels of her nagmukha itong model sa gabing iyon samathalang ako naka 4 inch sandalas lang.
Talim ang matang tiningnan ko si Lexi na parang lintang nakakapit sa braso ni Zev as if ayaw na ayaw nitong malapitan ng kung sino ang sariling nobyo.
'Stop it Ynah mukha kang selosang girlfriend sa lagay na 'yan.
Inis na inirapan niya si Zev ng dumako ang tingin nito sa gawin niya. Pilit na iniwas ko ang tumingin sa gawi nila ng umupo sila malapit sa kinaroroonan ko. Nasa unahang bahagi kami malapit sa stage at dalawang mesa lang ang layo sa kinauupuan ni Zev at Lexi.
"Ate Ynah!" mahinang sigaw ni Melanie ng makalapit ito sa kinaroroonan ko nakasuot ito ng kulay orange na dress na siyang niregalo ni Wage dito. Sumimangot lang ito sa tanong ko.
"Kanina pa kita hinahanap nakailang juice na nga ako. Saan ka ba nagpunta?" tukoy ko sa tatlong baso na nasa lamesa ng makaupo ito. Kasama nito si Wage na naka white suit and black pants.
Gaya ni Zev ay gwapo rin ito sa suot nito kaya hindi na ako magtatakang pinagtitinginan siya ng ilang babae narito sa loob.
"Hey sexy, bagay na bagay pala sayo ang ganyang suot. Remind me later, I'll buy a bunch of that clothes" nakangiting bati ni Wage bago naupo katabi ko.
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Roman d'amour{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...