Chapter 11

2.9K 271 44
                                    

Maingat na umupo ako sa Pool ng mansion at tinampisaw ang dalawa kong mga paa sa malamig na tubig habang yakap-yakap ang roba na hiniram ko sa Maidsroom kanina.

Alas-onse na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong lumabas muna at maglakad lakad. Tahimik na ang loob ng mansion alam kong tulog na rin sila ni Melanie at ang iba pang kasambahay.

"Nakalimutan ko namang dalhin ang cellphone ko. Tulog na kaya sila Yannie at nanay?" bulong ko habang nakatingin sa asul na tubig kitang kita ang reflection ng butuin at buwan sa langit.

Bilog ang buwan at maraming butuin sa langit na kumikislap sa ganda. Maingay din ang mga kulisap at kuliglig sa paligid.

"What are you doing here?" bulong ng pamilyar na tinig sa aking likuran na parang kasing-bilis ng hanging dumapyo sa tenga ko.

"Ay multo!"

Gulat na napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakita kong nakatayo si Zev sa likod ko habang nakapamulsa. He's wearing a plain white T shirt and blue pants. Napakagwapo talaga nito halos lahat ng parte nito ay napaka-attractive.

Bakat na bakat ang katawan nito sa suot na damit. He's drop dead handsome with those serious look of him. Lumakas ang tibok ng aking dibdib habang magkahinang ang aming mga mata. Something was telling her that the man front of her was feeling the same beat of their heart but that was imposible iba ang tinitibok ng puso nito and that was Lexi.

Pilit na pinapahinahon ko ang nagwawalang puso habang wala sa sariling humawak doon animo'y mayroong nagkakarerang kabayo doon. He was just....to...gorgeous

"Ano ba Ynah tumigil ka sa kahibangan mong yan" sita ko sa sarili bago binawi ang tingin kay Zev na nakakunot-noo.

Hindi siya dapat magpaapekto dito, si Zev dapat ang mainlove sa kaniya at hindi siya pero bakit iba na ang nangyayari. Siya na yata ang nahuhulog sa sarili niyang bitag. Siya na yata ang naiinlove sa binata.

"Quit staring, woman" ngumisi ito ng mapansing titig na titig siya rito. May nababanaag siyang emosyon sa mata nito na hindi niya matukoy.

"S-sorry! M-magandang gabi ho, Sir Zev"

"Anong ginagawa mo dito, Ms. Assiniero. It's already 11 in the midnight hindi ba dapat natutulog ka na?" he said before he sat beside me while still looking directly in my face.

Nahihiyang yumuko ako at tinutok ang pansin sa pool habang matiim ako nitong minamasdan sa tabi ko. Dahan dahan akong umusog ng ilang dipa dito dahil sa pagkiskis ng braso namin ng makaupo ito.

"Hindi pa ho kasi ako inaantok k-kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Kayo po bat pa kayo gising?"

"I forgot to bring my attache case naiwan ko yata sa living room. Naisipan ko ring magpahangin muna and I saw you here. Akala ko nga kanina isa kang white lady ng Isla na sinasabi nila because you wearing white dress and your long hair is to messy." nang-aasar na wika nito.

Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! napagkamalan pa akong white lady .

Well totoo naman talaga kahit sinong makakakita sa 'kin doon mapagkakamalan akong White lady dahil sa ayos ko. Nakawhite robe ako at magulo ang ayos ng buhok ko dahil sa hangin na tumatama sa katawan ko at mukha.

"White lady talaga Sir hindi ba pwedeng diwata nalang na naligaw sa pool?"

"Well that's okay, if your really are a white lady you must be one of the most pretty white lady I've ever seen." he said while smirking playfully. Ayan na naman ang lakas ng pintig ng puso ko. Ano ba Ynah joke lang 'yon masyado ka namang OA jan.

"Happy ka Sir nakakatawa yun?" inirapan ko siya ng mahina itong tumawa sa tabi ko.

"Yeah, you have a sense of humor, lady. By the way how did you met dad?" takang tanong niya sa 'kin. Nakakunot noo ito at may pagtataka ang tono ng kanyang boses.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon