Chapter 39

2.2K 57 5
                                    

Malalim na ang gabi ng makaramdam ako ng kauhawan. Kanina pa ako nilalamig sa lakas ng aircon. Paano ba naman ay hindi sanay ang anak kong walang aircon kaya nagtitiis na lamang ako kahit pa masyadong maginaw.

Bumaba ako sa kama at napasulyap sa mirror table na malapit lang sa kama ko. My son Yvan is sleeping peacefully on our bed. Yakap yakap nito ang kulay asul na unang niregalo sa kanya ni Nanay noong ika-apat na kaarawan niya.

Uminat-inat ako palabas ng silid. Mahihinang yabag ang aking ginawa upang huwag makaistorbo sa kalapit na silid ng dalawang kambal.

Katabi lang ng silid namin ng anak ko ang silid ng anak ni Wade na si Lyle at Limuel. Nababanaag ko pa ang maliit na ilaw mula sa itaas na bahagi ng pinto. Tulog na tulog na yata ang dalawang yon.

Tanging maliit na ilaw na lang sa hallway pababa sa hagdan ang siyang ilaw ko. Medyo kadiliman iyon hanggang sa living area na may maliit na ilaw na nakadikit sa dingding.

Bukas pa ang ilaw sa itaas na bahagi ng ref na siyang nagbibigay liwanag sa buong palogid. Dumiretso ako sa kusina. Pagkatapos kung kumuha ng baso ay naglakad ako palapit sa ref.

"You're still awake?"

"Ay kabuteng panget!" Napatalon ako sa gulat ng makarinig ang baritonong boses sa aking likuran.

Muntik ko ng mabitawan ang basong hawak dahil sa gulat. Mabilis na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

Nakatayo sa counter ng kusina si Zev. Nakatikwas ang mapupula nitong labi na tila kay sarap halikan.

I almost choke while looking at him nerviosly.

God! Bakit ba wala siyang suot na pang-itaas?

Kastigo ng bahagi ng isip ko ng mapansing tanging sweat pants lang ang suot nito at walang pang itaas. Kitang kita ko tuloy ang malapandesal nitong katawan na kay sarap himas himasin. How I miss touching does sexy abs of him.

Umayos ka, Ynah!

Para kang patay gutom na buwitre na handa ng manalakay.

Hinamig ko ang sarili at mahigpit na hinawakan ang baso. I fix my composure infront of him. Trying to hide my nerviousness. Para akong maiihi sa pamimilipit.

Dito nag-stay si Zev ayon kay Wade.

Sobrang lakas ng ulan sa labas mula pa kanina kaya inanyayahan ni Nanay Sesa na dito nalang muna manalagi si Zev hanggang sa tumila ang ulan. Saka ang lakas pa ng hangin sa labas at may kasamang kulog. Ayon sa balita ay Signal number 2 ang Batanes ngayon dahil sa low presure.

"I-ikaw pala, Zev. Bakit g-gising ka pa?" pinilit kong maging kaswal. I close the refrigerator after I poured the cold water on my empty glass.  Lumakad siya ng kaunti palapit sa binata.

Imbis na sagutin ang tanong ko'y bumaba ang pares na mata nito sa aking katawan.

Sinuyod ni Zev ang katawan ko na tila ini-ixamine. His upper lips twitched when his eyes stop on my boob part.

Mabilis pa sa kidlat na tinakpan ko iyon gamit ang libre kong kamay. Napamura ako ng mahina. Ngayon ko lang napagtantong nighties na kulay puti ang suot ko at walang suot suot na bra. Bakat na bakat tuloy ang tuktok ng dibdib ko.

"Nice, breast" he teased. I saw him lick his lower lip when he's still looking at my breast part.

"Ano!" Halos umusok ang ilong ko sa inis ng marinig ang sinabi nito.

"I mean is---Nice dress" sabay halakhak nito ng nakakaloko.

Inis na iniripan ko ito ng hindi ito tumigil sa pag-ngisi sa akin.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon