Chapter 6

3.9K 348 96
                                        

"Sa'n ang punta mo, Ate. Bat may mga dala kang mga bag" takang tanong ng kapatid niyang si Yannie ng pumasok ito sa kwarto niya at umupo sa kama.

Nasa isang subdivision kami ngayon kung saan kami nilipat ni Senior Yhuan dahil nga sa napagsunduan namin noong nakaraang araw. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na mayroon na kaming sariling bahay at mapapa-opera ko na si nanay pero ang lahat nang 'yon ay may kapalit na kabayaran.

At ang kabayarang iyon ay paibigin si Zev Marsielle. Tanging gwapong mukha lang niya ang natatandaan ko pa hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi siya maalis sa sistema ko. Ang weird nga eh!

"Huy Ate! natulala ka na?" Kunot noong sita ng kapatid ko.

"A-ahh magtratrabaho ako nang dalawang buwan kaya ikaw na muna ang bahala kay nanay hindi ako makakauwi sa loob ng dalawang buwan o baka higit pa. Mangungupahan na lang ako nang bahay malayo kasi ang pinagtatrabahuan ko kaya hindi ako makakauwi dito kaagad"

"Gano'n ba, Ate, ang yaman naman pala nang amo niyo, 'Te. Binilhan pa tayo nang sariling bahay at saka ipapaopera niya pa si Ina" nakangiting humiga ito sa kama habang yakap-yakap ang unan niya.

May kanya kanya silang kwarto. May apat na silid ang bahay na binigay sa kanila ni Señior. Meron ring second floor at garage sa ibaba.

"Kaya nga mawawala ako nang dalawang buwan dahil kailangan kong sipagan ang pagtrabaho para naman masuklian ko ang lahat nang ito. 'Wag kayong mag alala tatawag rin naman ako pag free time ko na basta wag mong pababayaan si nanay ha. Tumawag ka sa 'kin kapag kailangan ka lalo na't tungkol kay nanay"

"Naku Ate! May nurse naman saka guard na nakabantay sa kwarto ni nanay hindi ba. Nagulat nga ako kahapon kasi akala ko kung sino na yung nakabantay sa labas ng kwarto ni Nanay" natatawang aniya.

Tama ang sinabi ni Yannie kahapon ng bumisita ako kay nanay sa hospital ay may naabutan akong dalawang guard na nasa labas ng private room ni nanay. Maging si Tiya Conny ay nagulat din at may isang private nurse na nag-aalaga kay nanay pagwala si Tiya Conny at Yannie.

"Kahit na. Pagkagaling mo sa school sumabay ka kay Tiya Conny para masamahan mo si nanay roon. Kahit na may private nurse pa si nanay, still aalagaan mo pa rin siya. Saka wag mong gastahin sa kung ano-anong bagay ang perang iniwan ko sayo. Tipirin mo iyon para sa susunod may magagamit tayo, Yan"

"Oo na po, dont you worry, Ate" she smiled at her. There was a smile on his sister's face. Who wouldn't be happy if her mother was operated on and recovered. At may sarili na silang lupa at lote at mapapagamot niya pa ang sariling ina.

"Dont you worry ka dyan. Ohh tulungan mo na ako dito nag-aantay na yong susundo sa 'kin sa labas" Binitbit niya ang di kalakihang bag at nilapag sa sahig ang maliit na maletang binili pa niya sa Divisoria kahapon. Sumunod ito sa 'kin bitbit ang isang maliit bag na naglalaman ng mga mahahalagang kagamitan ko.

Ngayong araw na ang alis ko papunta sa islang tinutukoy ni Señior Yhuan. Isang isla na pagmamay-ari ng mga Marsielle.

"ISLA MARSIELLE" I whispered silently. Sigurado akong maganda ang Isla pagnakita ko iyon ng personal. Kahapon ay pinakita ng driver na sinakyan ko ang isang brochure na nakapaskil ang litrato ng isla.

Napaganda pala niyon at siguradong maganda pa iyon pag nakita ko ng personal. Kaya excited na akong makita ang islang pagmamay ari ng mga Marsielle. Excited na akong mamasyal-masyal roon kapag free time na.

Kahapon ko pa na ikwento kay nanay at Tiya Conny na mawawala ako ng dalawang buwan dahil nga magtratrabaho ako at uupa na lamang nang matitirhan. Nakuha kong magsinungaling sa kanila dahil ayaw kong malaman nila kung bakit ako nagkaroon ng gano'n kalaking halaga.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon