Chapter 25

2.1K 51 2
                                    

"What did you just said, Lexi?" Malamig na mga mata ang siyang sumalubong sa mata ni Ynah. Nangangantog ang tuhod niya sa tindi ng takot at nerbiyos.

Tahimik lang sa kanyang tabi ang dalawang kaibigan na panay sulyap sa kanilang tatlo. Nakakatakot ang emosyong nababasa ni Ynah sa mukha ni Zev. Kasing lamig ng yelo ang tingin nito sa kanya. Para nitong pinapatay ang puso niya sa uri ng pagsulyap ng binata.

"Ohh its you, babe! Kanina ka pa ba diyan?" Malanding kumapit si Lexi sa braso ng binata. Nakita niya ang nakangising mukha nito ng sulyapan siya. She's teasing her.

"I heard everything, Lexi. Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo?"

"Well, tutal nandito ka na rin naman sasabihin ko nalang sayo. I plan to say this news to you tonight. Pero narinig mo narin naman kaming nag uusap. I don't have a choice but to reveal her true identity" mapanuyang ngumisi sa kanya si Lexi pagkatapos ay may dinukot ito sa pouch na hawak hawak. Her cellphone.

"What is it?" Seryosong binaklas ni Zev ang braso ni Lexi na siyang nakapulupot sa baywang nito.

Naninikip ang dibdib niya sa nakita. Namamawis ang kamay niya at nanginginig ang kanyang kalamnan sa takot. Ito na yata ang isa sa nakakatakot na pangyayari sa buhay niya.

"I have a surprice for you, babe. I have something to show you and for sure magugustuhan mo ang makikita mo" nakangising hinimas ni Lexi ang matipunong dibdib ni Zev. Lexi is still giving her a teasing look.

Base sa ngisi nito ay alam na niya ang nais nitong gawin. Nahihirapang lumunok siya ng kumunot noo si Zev. May pagtataka man ang aura nito ngunit nanatili pa ring walang emosyon ang kanyang mukha.

"Tell me what is it, Lexi? Dont make me wait" banta ni Zev sa nobya nito. Bawat malalamig na salitang lumalabas sa bibig ni Zev ay tila patalim na tumutusok sa puso ko.

"Here! I want you to watch and hear this video. Kinuha ko yan kanina habang namamasyal ako sa labas."

Marahang kinuha ni Zev ang cellphone ni Lexi. Parang hinahalukay ang sikmura ko sa kaba. Kung may sakit lang yata ako sa puso baka kanina pa ako inatake. Tahimik lamang na nakamasid sila Melanie sa amin. Palipat lipat ang tingin nila sa aming tatlo.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Nakita ko kung paano dumilim ang aura ni Zev ng makita niya ang video na nais ipakita ni Lexi. He knew! He fucking knew!

Shit! Im dead...

"Nagtagumpay ho ang deal natin. Umamin na ho si Sir Zev na gusto niya ako. Nagconfess po siya ng feeling niya sa'kin and we always met each other sicretly. Tuwing hatinggabi kami nagkikita ni Zev at walang nakakaalam sa ginagawa namin. Iyon ang balitang nais kong sabihin sa inyo. Nagtagumpay po ang plano nating pa-ibigin si Zev"

"Excellent! Very excellent, Ynah. Sinasabi ko na ngabang hindi ako magkakamali sa pagpili sayo. You're a good actress."

Nahihirapang lumunok ako sa higpit ng pagkakahawak ni Zev sa cellphone. Sa paraan ng pagkakahawak nito ay parang nadudurog ang puso ko. I saw how his expression change. Samanthalang si Lexi ay may tagumpay na ngiti sa labi.

"What's the meaning of these?" Malamig na hinarap ng binata ang nobyang nasa tabi nito. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Kasing talim ng patalim ang bawat titig niya sa amin ngayon.

"Well that's it, babe! You heard it right. Niloloko ka lang ng babaeng 'yan. He used you to get some money from you. She's a freaking gold digger!" Sigaw ni Lexi ang umalingawngaw sa bawat sulok ng mansion.

Maging sila Melanie ay nagulat rin sa narinig nila. Nagsisimula ng maglandas sa aking pisngi ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nangangantog sa takot ang katawan ko.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon