Chapter 20

2.3K 59 3
                                    

WARNING!


I want you the way you want me too!

Tila sirang plangkang paulit ulit na naririnig niya ang mga salitang binitawan ng binata. Tila siya kinikiliti sa salitang narinig niya.

"Ynah sweetie, I really really want you....." Zev whispered in her ears. Nakikiliti siya sa pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang tenga.

"P-pero---"

"I want you, Ynah. Stop running away from me." may diin ang bawat salitang binibitawan nito. Natulala siya rito ng humakbang ito palapit sa kanya at tumigil sa mismong harapan niya.

Ilang pulgada nalang ang layo ng katawan nila sa isa't isa. Amoy na amoy niya ang gamit nitong pabango pati na ang after shave scent nito.

Halos lumabas na sa ribcage ang kanyang puso dahil sa lakas ng pagtambol niyon.

Tila drum na tinatambol ang puso niya habang nakatingin sa kulay iñigo na mata ni Zev. Wala sa sariling binasa niya ang kanyang labi habang kinakapa ang kanyang dibdib upang payapain ang nagwawalang alaga sa katawan.

Nakita niyang bumaba ang tingin ni Zev sa labi niya na siyang kinataas baba ng adams apple nito. Unti-unting bumaba ang mukha ng binata sa kanya. Tila siya na-estatwa sa kinatatayuan at hindi makakilos sa kanyang kinalalagyan.

Dumiin ang kamay niyang nakahawak cell phone na nasa dibdib. At naramdaman na lamang niya ang mainit na labi ni Zev kanyang mga labi. Umihip ang malakas na hangin sa paligid habang nalalasahan niya ang alak sa labi ng binata.

It taste like wine.

A sweetest wine she ever tasted.

His kiss was like tempting wine that she can't control her senses. She closed her eyes and feel his kisses. Mula sa banayad na halik nito ay naging marahas ang mga iyon. Marahas ang mga halik na ginagawad sa labi niya at lalo siyang hinapit nito palapit sa nagbabagang katawan. Napasinghap siya ng kagatin ng binata ang ibabang labi niya na tila inuudyukan siyang tugunin ang halik nito.

Mga halik na mapusok at mapag-angkin.

She felt butterfly in her stomach. She wanted to push Zev but she doesn't have a courage to do that. She like the way Zev kiss her. Sinunod niya ang dikta ng kanyang puso.

She responded to his kisses. Fast but sweet like the kisses he gives to her right now.

Ang kamay niyang may hawak na cell phone ay nasa gilid na. Sinilid niya ang cell phone sa bulsa ng robe habang tumutugon sa halik nito. Mas lalo siya nitong hinapit at siniil ng halik. Umangat ang dalawang kamay niya at pinaikot iyon sa leeg ni Zev upang doon kumuha ng suporta. Tila kasi nanlalambot ang tuhod niya sa bawat halik ni Zev.

"Damn, Ynah....." Zev groaned between their kisses.

He cupped her face and deepen the kiss. Damang dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Tila siya kakapusin ng hininga sa bawat halik. Isa lamang ang alam niya. Sigurado na siya sa kanyang damdamin. Sigurado na siya sa damdaming nararamdaman niya rito.

Nawala na lahat ng takot at pangamba sa kanyang puso. At si Zev ang dahilan ng lahat. Ginantihan niya ng kasing init ang paraan ng pag halik nito sa kanya.

Ang mga halik ni Zev ay tila isang alak na nagpapalasing sa kanya na ayaw na niyang tigilan pa. At ng putulin nito ang pagkakaugnay ng kanilang labi ay nakadama siya ng paghihinayang.

She want to kiss him more. Sigurado siyang nagniningning ang mga mata niya sa sandaling iyon habang nakatingin sa mga mata nito.

Yumuko siya habang nanatiling naka-angkla ang mga braso niya sa leeg nito. Kapwa sila habol ang hininga dahil sa natapos na mapugtong hiningang halik. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pintig ng kanyang puso.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon