Chapter 41

2.2K 48 5
                                    

Mag-aalas nueve na ng matapos akong mamili kasama si Zev na panay ang kulit sa akin kanina na kumain kasama nito.

Syempre hindi ako pumayag sa gusto niya. Hindi na ako marupok gaya ng dati. Naiirita ako sa pagmumukha niya.

Pinipigilan ko lang ang sariling huwag siyang sungitan kanina.

He insisted to pay our grocery. Mahigit limang libo din 'yon. At naisip kong limang taon rin naman pala siyang wala sa piling namin ng anak ko.

Halos ako ang nagbibigay sustento kay Yvan noon mula sa gatas nito, damit at sa pagkain.

Kaya naisipan kong damihan ang pagkuha ng strawberries at pagkain na paboritong paborito ni Yvan.

From chocolates to his toys. Isang kahon na malaki ang kabuoan ng pinamili ko para kay Yvan. Kulang pa nga iyon. Hindi ko pa nalagyan ng gatas ni Yvan. Mabuti na lang at may hiya pa ako ng konti sa kanya.

"Come on, sweetheart. Pumayag ka ng mag-date tayo. Just this once promise" pakikiusap nito gamit ang nakakawang boses. He even blink his eyes that makes him cute. I laugh in my mind while looking at his face.

Para kasi itong tutang nagmamakaawa sa amo nitong sumama at kuhang kuha iyon ni Zev ngayon.

Kung hindi lang sana ako naiirita sa kanya ay baka na pisil ko ang pisngi nito ay pinugpog ng halik.

"How many times do I have to tell you that my answer is no, Zev. Saka anong date ang pinagsasabi mo riyan. Nababaliw ka na ba ?"

Inirapan niya ito ng makapasok ito sa driver seats katabi niya. Naayos na nila sa likod ng kotse ang lahat ng pinamili nila.

"Im crazy over you, sweetie" he huskily said with a smug face.

"Tumigil ka! Kanina pa'ko naiirita sayo. Stop calling me by your cheap enderment. Hindi bagay sayo!" I mocked.

Sumimangot ito bago paandarin ang kotse. Sumandig naman ako aa pintuan ng kotse at tinutok ang pansin sa unahan.

"Final decision?"

"No!"

I heard him sigh in disbelief. Wala na yata itong maasahan pa sa akin kaya nanahimik na lang. Nagpasalamat naman ako ng palihim kanina pa sumasakit ang ulo ko sa pangungulit niya. Ang tigas ng ulo niya kaya naninibago ako sa pagiging makulit nito.

Nilisan namin ang Supermarket. Minaobra nito ang sterio ng kotse. Maya maya pa ay pumainlang ang romantic na kanta.

I felt relieve while listening at the music. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at pumikit .

Ninanamnam ang romantikong kantang nanggagaling sa sterio ng kotse. Tahimik kaming nakikinig sa kaakit akit na kanta hanggang sa matapos yon.

Ilang sandali pa matapos ang kanta ay narinig ko ang pagring ng cellphone ko sa bag.

Naalala kong hindi ko nga pala natawagan si Nanay Sesa. I immidietly answered my phone after I punch the green button. It's Agnes.

"Agnes? Bakit ka napatawag? May ipapabili ba si Nanay?" kaagad na tanong niya sa kabilang linya.

"M-ma'am Ynah! S-si Senyorito Yvan!"













"W-where is my son, Agnes?" Sinalubong kami ni Agnes sa labas ng Hospital.

Sa sobrang pagkataranta ko ay iniwan ko na si Zev sa parking lot ng Hospital sa pagmamadali.

Ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay ang anak ko. Ang kalagayan ni Yvan. Para akong mababaliw kanina sa kakaisip. Muntik ko na ngang singhalan si Zev dahil sa mabagal na pagmamaneho niya.

"P-pasensiya p-po, Maam Ynah. H-hindi ko po sinasadyang i-iwan sila. Im s-sorry...." nanginginig sa takot si Agnes ng salubungin ako nito.

"N-nasaan ang anak ko? Nasaan si Yvan?" I asked calmly. Huminga ako ng malalim kahit pa dumadagundong sa kaba ang dibdib ko. Halos bumaon ang daliri ko sa aking braso dahil sa pagpipigil.

Nauna itong lumakad sa akin upang ituro ang kinalakagyan ng anak ko. Nahihilo ako sa sari saring amoy ng gamot sa loob ng Hospital. But i have to take it as long as my son is safe. Kaya kong pigilan ang pagkahilo ko at pananakit ng ulo sa  emosyong nararamdaman ko.

Sinundan ko si Agnes ng pumasok ito sa loob ng emergency room kung saan naroon ang silid na kinahihigaan ng anak ko.

Lumabas ang isang nurse sa loob ng kwartong pinasukan ni Agnes.

"J-jusko, anak..." napahikbi ako ng tuluyan ng makita ang anak kong nakahiga sa kama.

Puno ng gasgas ang tuhod nito at braso maging ang kulay puting damit ni Yvan ay may bahid ng dugo. Napaluhod ako ng tuluyan sa gilid ng hospital bed nito.

"Y-yvan!"

Napahagulhol ako ng iyak habang hawak hawak ang kamay niya. Nababakasan ng sakit ang mukha nito. Naaawa ako sa kalagayan ng anak ko. Puno ng gasgas ang tuhod nito at braso marahil ay sa natamo nitong aksidente. Gusto kong maglampusay sa iyak at sisihin ang sarili ko sa kapabayaan ko.

Sinisi ko ang sarili sa pag-iwan kay Yvan. Hindi sana nangyari ito kung hindi ako pumayag na lumabas sila ng bahay.

Hindi sana nangyari ito king tinawagan ko kaagad si Agnes para kamustahin sila.

"I-im sorry, Maam Ynah. H-hindi ko po s-sinasadya." hikbi ni Agnes ang sumabay sa paghagulhol ko. Kagaya niya ay sising sisi rin ito sa nangyari.

"B-bakit? A-anong nangyari?" panay ang pahid niya sa luhang malayang umaagos sa kanyang pisngi. Hindi maampat ang pag agos ng luha ko sa mata. Naninikip ang dibdib ko sa aking nakikita.

"I-inutusan po kasi ako ni S-sir Lyle na bumili ng Ice Cream kaya iniwan ko sila saglit sa park. K-kasama ko si S-senyorito Limuel na bumili ng I-ice cream. N-nagtaka na lang ako ng makarinig kami ng sigawan k-kaya mabilis  naming nilapitan ang komusyon. R-rinig na rinig ko po kasi ang pagsigaw ni S-senyorito Lyle kaya kaagad akong lumapit. A-ang sabi ng babaeng nakakita ay nabangga ng humaharurot na taxi si S-sir Yvan." tuluyan ng nabatid ang pinipigilan nitong iyak.

Lumakas ang iyak ni Agnes kasabay ng panginginig ko.

Napatulala ako sa mukha nitong basang basa ng luha. Namanhid ang katawan ko. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko na parang hinahabol.

Napatigil kami sa pag-iyak ng may pumasok sa loob ng silid na iyon. Sa pag-aakalang doctor iyon ay napapahid ako ng luha. Pero ng makita kong si Zev ang pumasok ay napahagulhol ako lalo.

"Hey, what's wrong??" he run towards me with a confused tone on his voice. Puno ng pag-aalala ang boses niya ng lapitan niya ako.

"Z-zev. A-ang anak na--ko" muntik na akong madulas dahil sa mga gumugulong senaryo sa isip ko ngayon. Tila ako nakalutang sa hangin at walang ibang naiisip kundi ang anak ko.

Kinabig niya ako palapit sa dibdib nito saka ako niyakap ng mahigpit. Napahagulhol ako sa kanyang ginawa. Natitiyak kong nakatingin siya ngayon sa anak namin.

Natatakot akong sabihin sa kanya na anak niya si Yvan dahil sa nangyari ngayon. Baka magalit siya sa akin at kamuhian niya ako dahil sa nangyari sa anak namin. Baka isipin nitong naging pabaya akong ina.

"Shh, calm down. Magiging okay din ang lahat." Pag-aalo ni Zev sa akin ng patuloy akong umiyak sa dibdib niya.

"H-hindi magugustuhan ng anak mong makita kang nahihirapan dahil sa kanya. Everything will be fine."

Hindi ko siya sinagot at patuloy na tumangis. Tanging pag-iyak ko ang naririnig sa silid na iyon. He continue to rub my back just to make me calm. I cried in pain.

Iniisip ko kalagayan ng anak ko ngayon. Hindi ko alam kung kamusta na ba ito kung kamusta ba ang katawan niya at vital signs.

"Excuse me Maam, Sir?"






Ayieshadienla
I S L A  M A R S I E L L E 1:
Z E V

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon