"Nay!"
Nakangiting bati ko kay Nanay ng makapasok kami sa gate ng bahay. Kasunod ni Nanay si Yannie na may hawak na cellphone katabi si Tiya Connie. Nasa bukana naman ng pinto si Sabeth na siyang nag-iisang katulong nila inay dito sa subdivision kung saan kinuha sa kanila noon ni Señior Yhuan.
"Mabuti naman at naisipan niyong pumasyal rito, Nak" bati ni nanay sa amin. Humalik ako sa kanan niyang pisngi saka ko ito yakapin ng mahigpit. Kasunod kong nilapitan si Tiya Connie na may malawak na ngiti sa mga labi.
"Namiss ko po kasi kayo kaya naki-usap ako kay Wade na sumama rito sa lungsod." Umakbay siya sa kapatid na si Yannie. Sumimangot ito sa ginawa ko. Abala kasi ito sa pagce-cellphone.
"Lala!"
Sabay na tumuon ang pansin namin sa tumatakbong anak ko. Kaagad na yumakap ang anak ko sa binti ni Nanay. Nasa likuran naman ng anak ko ang dalawang kambal na may hawak hawak na basket ng laruan. Nakasanayan na kasi nilang magdala ng mga laruan sa tuwing bibisita kami rito sa subdivision kung saan nakatira sila ni nanay.
Mahigit anim na taon sila ni nanay na nakatira rito sa subdivision kung saan si Señior Yhuan mismo ang bumili noon.
Nailipat sa pangalan ni Yannie ang buong lote at bahay. Imbis na sa akin ipangalan ang titolo ng bahay ay kay Yannie ko iyon ibinigay. Mabuti na rin iyon kahit papaano ay may nairegalo ako kay Yannie noong makagraduate siya ng kolehiyo.
Isa ng ganap na accountant ang kapatid ko. May kataasan rin naman ang sweldong natatanggap niya kaya nakabili siya ng sarili niyang kotse. Natutuwa akong natupad ang pangarap ni Yannie na makapagtapos at makabili ng sarili niyang gamit.
May magandang naibunga ang sakripisyo ko noon. Lalong lalo na kay Nanay. Dati ang payat payat niyang tingna n noong kalalabas niya pa lang sa hospital. Pero ng lumipas ang mga buwan at taon ay napapansin ko ang pagiging malusog niya at pagkamasayahin.
Simula ng nalaman ni Nanay na buntis ako ay mas lalo niya akong minahal at pinahalagahan. Walang araw na hindi niya kinakamusta noon ang kalusugan ko noong pinagbubuntis ko pa lang si Yvan.
Noong una ay nagalit si Nanay sa ginawa ko hanggang sa unti unti niya ring natanggap ang lahat. Paminsan minsan ay binibisita ako ni nanay at Yannie sa mansion ni Wade para ipasyal ako at samahan sa pagche-check up sa OB.
Laking pasalamat ko sa naitulong ni Señior Yhuan sa buhay ko, sa buhay namin. Kahit pa masakit ang naranasan ko sa isla ay unti unti naman iyong nahilom sa bawat pagngiti ni nanay at ng kapatid ko.
Tungkol naman sa kaibigan kong sila Cristel at Helen ay may iba na silang mga buhay rito sa lungsod. Si Cristel ay isa ng ganap na modelo sa isang beauty products at nagmamay-ari ng dalawang restaurant.
Cristel is already married to a business tycon named Frodow Gael Miller. Masasabi kong masuwerte siya dahil isang Frodow Miller ang nasungkit niya. Maganda si Cristel kaya't hindi na nakakapagtaka iyon. Samanthalang si Helen naman ay may sarili na ring pamilya. Marami na ang nagbago sa nakalipas na anim na taon.
Mga pagbabagong may magandang naidulot sa kanya kanya naming buhay.
"Ang gwapo talaga ng apo ko" ani ni nanay sa anak kong si Yvan. Hindi ko namalayang nakaluhod na pala si inay sa harap ng anak ko sabay pisil sa pisngi ni Yvan.
"M-miss po kita, Lala ko" malambing na sabi ni Yvan sa lola nito na siyang kinangiti namin.
Sinenyesan ko sila Lyle at Limuel na lumapit kay Nanay. Sumunod naman silang dalawa at nagmano kay inay. Kaming apat lang ang bumisita rito. Busy kasi si Wade ngayong araw yon ang sabi ni Nanay Ada kanina ng nag-aalmusal kami.
Maaga pa raw umalis si Wade para pumasok sa trabaho. Kaya't si Manong Tonio na muna ang naghatid sa amin rito. Wala namang problema yon. Nagpaalam na kagabi si Wade sa akin na papasok siya ng trabaho. Isinama ko nalang muna ang dalawang kambal para makapasyal sila at may kalaro si Yvan.
Sigurado namang ayaw mawalay ng tatlong ito sa isa't isa. Kung nasa'n ang anak ko ay nakabuntot ang dalawang anak ni Wade na para bang binabantayan nilang mabuti si Yvan.
"Ohh! Halika na kayo sa loob, Ynah. Nagluto ang nanay mo ng bulalo saka sinigang na bangus. Hindi ba't paborito iyon ng anak mo" paanyaya ni Tiya Connie sa amin makalipas ang ilang sandali.
Nakangiting tinanguan ko siya. Inalalayan papasok ni Nanay ang anak ko. Hinawakan ko naman sa magkabila kong kamay ang anak ni Wade na si Lyle at Limuel. Kasunod ang kapatid kong si Yannie.
"Hanggang kailan mo balak na itago ang apo ko sa kanyang ama, Anak?" Basag ng kanyang ina sa katahimikang naghahari sa kanilang dalawa.
Nawala ang ngiti ko sa mga labi habang tinitingnan ang masasayang tawanan ng anak ko kasama ang pinsan nitong sila Lyle at Limuel. Kasama nilang naglalaro sa sala si Yannie na katatapos lang mag-ayos ng lamesa.
Nanonood naman ng Tv ang Mama Connie niya habang nagsasampay sa likod bahay si Sabeth.
Nagprisinta akong tulungan si Nanah sa pag-aayos ng pinaghugasang pinggan. Kaming dalawa lang ang nasa kitchen counter at tanaw na tanaw namin ang anak kong naglalaro sa sahig.
"Ilang taon na ang lumipas Ynah. Hanggang kailan mo ba maitatago si Yvan sa sarili niyang ama? Lumilipas na ang panahon at lumalaki ang apo ko. Balang araw maguguluhan siya sa sitwasyon niyo. Naguguluhan siya sa buhay niya kung bakit may kulang sa kanya. Tama na ang pagtatago, Nak. Harapin mo na ang problema mo lalo pa't maaga pa"
Malalim na bumugtong hininga si Nanay. Napayuko na lamang ako sa mga sinabi niya. Tama nga naman siya. Mahigit limang taon ko ng tinatago si Yvan kay Zev dahil sa posibilidad na ipagtabuyan niya ang anak ko kagaya ng ginawa niya noon sa akin.
Natatakot ako.
Natatakot akong masaktan si Yvan dahil sa aming dalawa ni Zev. Mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan huwag lang ang anak ko. Masyado pang bata si Yvan para sa ganitong sitwasyon. Kaya't kung maaring itago ko siya kay Zev ay gagawin ko. Alang alang sa ikabubuti ni Yvan.
Pero ang tanong hanggang kailan? Hanggang kailan ko itatago si Yvan kay Zev. Hanggang kailan ko padadaigin ang takot na narito ngayon sa dibdib ko?
"Alam kong napapansin mo rin iyon sa kanya, Ynah. Naguguluhan ang apo ko kung bakit gaya ng ibang bata ay may amang nagmamahal sa kanila."
"H-hindi ko pa alam, Nay. S-sa ngayon hindi ko pa alam a-ang gagawin ko. N-natatakot ako sa posibilities na ipagtabuyan ni Zev ang anak ko. A-ayokong masaktan ang anak ko, N-nay"
Tila nauupos na kandilang napaupo siya sa upuang naroon. Hawak hawak ang dibdib kong naninikip sa sari saring emosyong nararamdaman ko ngayon. Mahinang tapik sa balikat ko ang siyang nagpatigil sa akin. Tiningala ko si Nanay na may bahid ng pag-unawa ang kanyang mata.
"Huwag mong hayaang daigin ng takot ang puso mo, Anak. Kahit ano pang desisyong gagawin mo ay masasaktan at masasaktan mo ang anak mo. Naipit na siya sa sitwasyon niyong dalawa, Ynah. Kaya't mas mabuti pang harapin mo na ang ama ni Yvan hangga't maaga pa. Nandito lang ang Nanay para suportahan ka sa desisyon mo, Ynah. Nandito lang ang nanay"
Napaiyak na lamang ako ng tuluyan ng yakapin ako ni Nanay ng mahigpit. Mula noon hanggang ngayon mahina parin ako. Mahina ako pagdating sa pamilya ko.
Tama si Nanay. Masasaktan at masasaktan ko pa rin si Yvan dahil naipit na siya sa sitwasyon namin ni Zev. Kahit ano pang gawin ko ay masasaktan ang anak ko.
"S-sorry, Nay. Im sorry" umiiyak na sumubsob siya sa tiyan ng ina. Hinahagod naman siya nito bilang pag-aalo.
"M-matagal na akong nagpatawad sa maling desisyon mo noon, Ynah. Sa ngayon, hindi dapat ako ang hingian mo ng patawad. Kundi ang sarili mong anak. Si Yvan ang dapat na hingian mo ng tawad, anak. Harapin mo ang takot na matagal ng nakakulong sayo. Harapin mo na siya. Harapin mo na ang ama ni Yvan para sa akin, Ynah"
Ayieshadienla||Veylicious
I S L A M A R S I E L L E
S E R I E S 1: Z E V
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Storie d'amore{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...