Mag-da-dalawang buwan na mula ng huli kong makaharap si Lexi. Dalawang buwan naring naging mabuti ang pagsasama namin ni Zev.
Were officially together again. Yes again, as in magboyfriend/girlfriend na ang status namin ngayon.
Sa loob ng dalawang buwan ay mas napatunayang kong nagbago na nga nang tuluyan ang Zev na nakilala ko noon.
He became more sweeter than candy and possessive as always.
Mas malala pa ito sa babaeng nireregla kung magselos.
Ayaw na ayaw nitong makitang may kumakausap at humahawak na ibang lalaki sa akin. As usual hindi pa din ito nagbabago sa pagiging possessive niya mas lalo pa iyong nadagdagan sa bawat araw na magkasama kami.
Hindi na nakakapanibago. He's always doing that, pulling me closer to him like Im the only girl he own. Pushing and threatening some guys who approach me.
Well that's him. Yan naman talaga ang totoong Zev no'ng una palang.
Being a possessive jerk!
"Mama ko!"
Natigilan ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ang matinis na sigaw ng anak kong si Yvan. He's running hurriedly towards my direction.
May hawak hawak itong tali kung saan nakakabit ang ginawang saranggola ni Zev kahapon.
Sa tulong ni Mang Rod ay nakagawa silang dalawa ni Zev ng saranggola para kay Yvan.
Sa anak namin.
Nakakagulat kasi hindi ko inaasahang marunong pala gumawa si Zev ng gano'ng klaseng laruan. Buong akala ko pa naman ay hindi siya marunong ng gano'n dahil sa estado niya sa buhay.
Tuwang tuwa si Yvan ng matanggap ang ginawang saranggola ng ama nito.
He even gives his father a bunch of kiss and hugs that makes Zev laugh in joy.
Ang sarap nilang tingnang mag-ama. Mula noong nag-confess si Zev ng feelings niya sa akin ay mas lalo niya kaming minahal at pinahalagahan ng anak namin.
Araw-araw ay hindi kami nawawalan ng regalo at surpresa sa kanya.
Kahit na magkasintahan na kaming dalawa ay hindi ako nawawalan ng regalo tuwing umaga at bawat pag uwi niya mula sa trabaho.
He spoils me everyday, every single day. And that makes me love him more. Hindi ako nagsisising tinanggap ko ulit siya sa buhay ko.
Mula noon hanggang ngayon mahal ko parin siya. At wala ng iba pa.
"What's wrong, love?" I ask my son sweetly. He hug my legs tightly.
Hawak nito ang tali ng saranggola. Malakas ang hangin rito sa isla kaya matayog ang paglipad ng saranggola nito.
Inayos ko ang lampin sa likod ni Yvan at sinuklay ang may kahabaan nitong buhok. Noong nakaraang linggo ko pa binabalak na gupitan ang buhok niya pero ayaw ng ama nito. Hayaan nalang daw muna ang buhok nito. Mukhang gusto pa yata ni Zev pahabain ang buhok ni Yvan.
Gusto yata nitong itulad ang hairstyle ng anak namin sa pinsan nitong si Rhyken. Rhyken is my son's godfather. Pinabinyagan namin ulit si Yvan sa simbahan. Noong nakaraang buwan lang namin siya ulit pinabinyagan.
Isa si Rhyken sa naging ninong nito, bali tatlo ang ninong ng anak ko. Ang dalawang pinsan ni Zev na si Rhyken at Edmond. Dalawa naman ang naging Ninang ng anak ko. Syempre hindi mawawala ang dalawa kong bestfriend sa binyag ng anak ko.
Silang dalawa ni Cristel at Jamie ang naging Ninang ni Yvan. Isa sila sa naging malapit sa akin noon kaya hindi pwedeng hindi sila ang Ninang ni Yvan.
"Why are you here Mama? Are you watching the sunset again?" Bakas ang pagtataka sa gwapong muka ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romance{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
