Kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka kanina pa pinaglamayan itong kaharap ko ngayon. Kanina pa siya nag-palalipad hangin sa harap ko. Panay ang sulyap at kindat nito na para bang kami lang ang tao ngayon sa loob ng bahay ni Wade.
Tirik tirik ang araw sa labas. Tanda na tapos na ang ulan. Ang sabi pa nga ni Nanay Sesa ay malayo layo na ang low pressure rito sa Batanes.
Napaigtad ako sa gulat ng may tumama sa paa ko sa ilalim ng mesa. Sumulyap ako sa hapag kainan. Abala sa pagkain ang dalawang kambal at ang anak kong sinusubuan ni Nanay Sesa.
Nagprisita kasi siyang siya na muna ang magpapakain sa anak ko para makakain ako ng maayos.
Sinulyapan ko si Wade na abala sa paghigop ng bulalong niluto namin ni Nanay Sesa. Tumaas ang kaliwang kilay ko ng muling may gumitgit sa tuhod ko. Alam ko na kung sino ang salarin.
Tinapunan ko ng matalim na tingin si Zev. Hawak-hawak nito ang tinidor na may hotdog. Sigurado akong siya ang gumawa no'n. Siya lang naman ang makatingin sa akin ngayon.
Nakakairita! Bakit ba nandito pa ang lalaking 'to?
Ang lakas ng loob niyang landiin ako kagabi. May pasweetheart-sweetheart pa siya nalalaman na para bang wala itong Fiancee na iniwan sa Maynila.
Wala ba siyang balak na uwian si Lexi. For sure naman ay kayang kaya na niyang umuwi ngayong araw dahil wala ng bagyo.
Tiyak na namimiss na ito ng babae niya.
Arggg! Bakit ko ba pinoproblemahan ang love life nitong si Zev.
Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko ang paa nito sa ilalim ng mesa na nanatiling matatalim ang tingin niya sa lalaki.
"Fuck!"
Napatigil silang lahat ng basagin ni Zev ang katahimikan. Napangisi ako sa kanya ng mamula ang pisngi nito na parang nakakain ng sili.
Sa lakas ba naman ng pagkaapak ko sa paa nito ay tiyak na mamimilipit siya sa sakit.
Hah! Buti nga sa kanya. Nakakasura ang mukha niya.
Ang panget!
"Are you okay, Tito Uncle?" Concern na tanong ni Lyle sa Uncle Zev nito. Kinalabit pa nito ang kakambal na busangot ang mukha.
Nginisihan ko si Zev ng tingnan ako nito ng matalim. Nakakatuwa kasi hindi na ako natatakot sa dilim na mukha nito ngayon. Imbes ay natuwa pa ako.
Pasimple kong tiningnan si Wade na nakataas ang kilay. Kaagad na nawala ang ngisi sa aking labi ng mahuli ko itong nakatingin pala sakin.
Shit! Huli!
"I-im fine, young man. I j-just bite my tounge."
Paliwanag nito sa bata. Kumibit-balikat si Lyle sa Tito nito pagkatapos ay hinarap ang pagkain. Hindi gaya ni Limuel na tahimik lang sa hapag-kainan. Napapansin kong sobrang tahimik nito mula ng dumating si Zev kahapon.
Nahuhuli ko ang matatalim nitong tingin kay Zev sa bawat paghaharap nila.
'Yon ang napapansin ko at pinagtataka ko. Bakit naman gano'n ang impresyon ni Limuel kay Zev? May nagawa ba si Zev sa pamangkin nito. Pero nakakapagtaka naman at kahapon palang sila nagkita.
Ano nga bang nagyayari kay Limuel?
BITBIT ang basket at eco bag ay lumabas ako ng bahay. Nagpaalam muna ako sa anak ko at sa kanila ni Nanay Sesa. Nagprisinta kasi ako na ako na lang ang mamamalengke at bibili ng gorcery that is good for one month.
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romance{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
