Chapter 24

2K 41 8
                                    

Ilang ring ang narinig ni Ynah bago sumagot ang kabilang linya. She's calling Señior Yhuan that is particularly in his resthouse in Batangas according to Melanie. Tinanong niya kanina kay Melanie kung ano ang landline number ng resthouse ni Señior Yhuan.

Ngayong araw niya ibabalita sa matanda ang nangyari dalawang linggo na ang nakakalipas. Mga pangyayaring kasama niya si Zev.

Nasa labas siya malapit sa hardin ng mansion kung saan walang katao tao.
Napag-alaman niyang nasa dalampasigan ang lahat ng kasambahay maging ang mga guards ay naroon sa baybayin.

Habang nasa kanya kanya namang silid nila si Wage at Wade. Hinatiran pa niya kanina ng almusal ang dalawang kambal na tulog pa rin hanggang ngayon. Hindi niya akalaing tulog mantika din pala ang dalawang gwapong 'yon.

"Hello, this is Marsielle's resthouse. Can I help you?" Babaeng boses ang sumagot sa kabilang linya. Napatikhim si Ynah upang hamigin ang sarili.

"Can I talk to, Señior Marsielle?" She gladly asked the lady. Malamang ay isa ito sa katulong sa resthouse ni Señior Yhuan o di kaya ay tagalinis.

"Saglit lang ho, Ma'am. Ililipat ko ho ang linya sa basement. Naroon si Señior. His talking to Architect Camero" ani ng babae. Hinintay niya ang ginawa ng babae. She heard a beep sound na siyang hudyat niya.

"Señior Yhuan?" Tikhim niya. She could hear voices in the other line. Baka may kausap ang Señior sa kabilang linya.

"Yes its me, hija. What can I do for you? I didn't expect na ikaw ang tatawag rito" boses ng Señior ang siyang sumagot sa kabilang linya ng mawala ang ilang boses.

Kinakabahang napaupo si Ynah sa bench na naroon. Sapo sapo niya ang dibdib na pilit na pinapaagaan ang kabang lumukob sa kanya. She didn't know how she felt like this. Para siyang maiihi na hindi mawari.

"Ynah, are you still there?" pukaw sa kanya ng matanda ng hindi siya makaimik. Kumurap kurap siya upang hamigin ang sarili.

"A-ahh oho, narito pa ho ako. May sasabihin lang ho sana ako sayo kaya ako napatawag, Señior"

"Is it all about you and my son Zev?" Magiliw na ani nito sa kanya. Sa boses ng matanda ay tila nae-excite ito sa sasabihin niya. Habang siya naman ay dinadaga sa nerbiyos.

"O--opo, Señior."

"Then tell me, Hija. Magandang balita ba ang nais mong sabihin sa akin? Kinakabahan ako sa mga susunod mo pang sasabihin, Ynah."

Pumikit muna siya at palihim na nagdasal. Ilang segundo pa ay minulat niya ang mata ng makarinig ng kaunting kaluskos sa paligid. Dali dali niyang tiningnan kung ano iyon. Baka kasi may makakita sa kanya.

Siya lang ang taong nasa labas ngayon kaya kinakabahan siya lalo pa't kausap niya sa kabilang linya si Señior Yhuan.

"Senyo?" tawag ni Ynah sa matanda ng hindi niya ito narinig na umimik. Matapos niya siyasatin ang paligid ay wala siyang nakitang kahit ano. Baka sanga lang ng kahoy na nalaglag o di kaya'y bunga.

"Im listening, Ynah. Now talk" seryoso na ang boses ng matanda. Huminga siya ulit ng malalim bago iyon binuga.

"Nagtagumpay ho ang deal natin. Umamin na ho si Zev na gusto niya ako. Nagconfess po siya ng feeling niya sa'kin and we always met each other secretly. Tuwing hatinggabi kami nagkikita ni Zev at walang nakakaalam sa ginagawa namin. Iyon ang balitang nais kong sabihin sa inyo. Nagtagumpay po ang plano nating paibigin si Zev"

Atlast she said those words again. Paulit ulit niyang kinabisado ang linyang 'yon kagabi habang natutulog ang binata katabi niya. Inantay niyang humimbing ang tulog ni Zev bago siya umalis sa tabi nito at nagbanyo upang kausapin ang sarili sa salamin. Napagdesisyunan na niya kagabing aminin ang planong napagtagumpayan niya. Tutal tatlong linggo na niyang kasama si Zev kahit na patago.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon