Chapter 15

2.7K 214 40
                                    

Kasalukuyan akong nagpapahangin sa ilalim ng puno kung saan ilang kilometro lang ang layo sa mansion. Malamig ang hanging tumatama sa katawan ko kaya mahigpit akong napayakap sa sarili habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

Mag-aalas onse na nang gabi pero hindi pa rin ako inaantok kaya naisipan ko namang magpahangin sa labas. May iilang ilaw ring nang gagaling sa resort na di kalayuan sa kinaroroonan ko mukhang may bonfire pa  ro'n.

Nagkakasiyahan siguro ang mga tao do'n kanina niyaya ako nila ni Melanie at ni Manang Marvy na pumunta sa dalampasigan pero hindi ako sumama. Nagdahilan akong masama ang pakiramdam ko kahit nasa totoo ayokong magkita kami ni Zev dahil sa huling engkwentro namin kanina.

Hanggang ngayon nagtataka  ako sa kinikilos niya pero binalewala ko nalang iyon nabigla lang siguro siya kaya ganoon ang inasal niya.

"A penny of your thoughts?"

Napapiksi ako ng makita si Sir Wade na nakatayo sa kanang bahagi ng kinaroroonan ko. Wade is wearing black and white long sleeves with color red scarf wrapped around his neck he's also wearing a khaki jeans and black sleepers.

Mukhang nalalamigan din ito gaya niya. Umusog siya ng kaunti ng tahimik na tumabi ito sa kinauupuan ko. Mataman ko itong minasdan, light brown ang kulay ng clean-cut na buhok nito.

Halata ang makakapal na kilay niya gaya ni Wage. Matangos ang ilong nito kahit na nakaside view mukhang lahi yata nila ang matatangos.

Infernes matangos naman ang ilong ni Señior Yhuan kaya siguro nakuha lahat nga anak niya ang kagwapuhang taglay ng Senyor.

"M-magandang gabi ho, Sir Wade" nauutal na bati ko bago binawi ang tingin sa kanya.

Lumingon siya sa akin hindi na ako nagulat sa seryosong mukha niya dahil mukhang routine na nito ang maging seryoso gaya ni Zev.

Paano niya ako nakilala?

Siguro pinakilala na ako ng kanilang ama. Tumikhim ako para pawiin ang kabang nararamdaman.

"G-gabing-gabi na ho ba't pa kayo nasa labas, Sir Wade?" lakas loob na tanong ko sa kaniya.

"Im here to have some fresh air, Ynah and please drop the formality. Im not your boss, stop calling me Sir. Call me by my name."

"P-pero anak ho kayo ng Señior kaya tatawagin ko ho kayong Sir gaya ng rules bilang kasambahay sa isla. Iyon po ang bahagi ng rules naming mga katulong dito."

"Kahit na, don't call me that way and stop that 'po and 'opo thing of yours" pakiusap nito habang nakatingala sa langit.

Tumango ako bilang
pagsang -ayon ilang minuto din kami sa ganoong ayos ng bigla niyang basagin ang katahimikan ng gabi.

"I know who you are, Ynah Assiniero. Alam ko kung bakit ka napadpad sa islang ito at kung sino ang misyon mo rito. Hindi ko alam kung bakit nagawa ni dad na panghimasukan ang buhay ni Kuya." Halos matigalgal ako sa salitang binitawan ni Wade.

Para akong tinuklaw ng ahas sa sinabi niya.

He knew! He fucking knew me. Alam niya kung sino ako at kung ano ang plano ko dito sa Isla.

Paano!

How!

Why?

"H-ha?" kinakabahang nilingon ko ito nakatingin din pala sa'kin.

Nalunok ko ang sarili kong laway dahil sa tiim ng titig niya sa akin. Paano niya nalaman? Paano niya ako nakilala sinabi ba ni Señior Yhuan sa kanya. But that's impossible. Napagkasunduan namin ng Señior na walang sinomang makakaalam sa plano namin kundi kaming dalawa lang.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon