Umakyat ako saglit sa itaas para maligo. Mukhang matatagalan sa labas si Wade. Kanina pa kasi itong hindi pumapasok ng makalabas ito.
Hindi ko inalam kung sino 'yong nasa labas. Baka isa sa mga empleyado o kaya ay tauhan niya sa TWEC.
Sumulyap ako sa glass window na nakasara. Umaambon sa labas at tumatama ang talsik ng ulan sa bintana. Kitang kita ang itim na kalangitan sa labas. Nakakapagtaka dahil ayos na ayos naman ang klima kanina ng dumating si Wage.
Nag-ayos ako ng sarili pagkatapos kong maligo. I also prepaired my son's bathtub and his clothes to wear.
Nakatanggap pa ako ng text mula kay Yannie na magbobonding daw silang magkakaibigan sa baguio. Mukhang pinayagan na naman ni Nanay ang kapatid ko. Wala naman akong choice kasi may sarili na rin naman siyang pera mula sa sweldo niya.
I texted her back.
"Love! Love?" Mahinang katok sa pinto ang pumukaw sa akin. Napasulyap ako sa pinto gamit ang salamin.
Namali yata ako ng rinig dahil "Love" ang tamang narinig ko sa labas imbes na "Yan yan" o "Ynah". Alam kong si Wade ang nasa labas.
Ano na naman kaya ang trip ng lalaking ito?
"Love! Are you done? Can i come in?"
Binagsak ko ang hair comb sa mesa upang tumayo.
Ako nga yata ang pinariringgan ni Wade. Muli kong sinuyod ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin. Nang makitang ayos na ang mukha ko ay pinagbuksan ko ng pinto ang magaling na lalaki.
Ini-expect ko na ang makahulugang ngisi ni Wade ng pagbuksan ko ito ng pintuan. Maawtoridad ang tindig nito na tila hindi mabali bali na siyang kinataka ko.
"Ako ba ang tinatawag mo? Kailan mo pa ako naging love ha! Baliw ka ba?" Mataray na sita ko sa kanya.
Pinagtaasan niya pa ito ng kilay ng suyurin ng mga mata nito ang kanyang katawan.
"Lower your voice, Ynah. Siguradong magsisisi ka kapag hindi kita binalaan."
"At bakit naman aber?"
Pinamaywangan ko siya. Nanatili lang na nakasilip si Wade sa labas. Bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto at nasa gilid ko lang ang pinto. Kunot noong pinasadahan ko nito ng tingin.
"May problema ka ba? Bakit kasing dilim na naman ng kalangitan iyang mukha mo?"
Sinara ko ang pintuan. Mas lalo lang akong naguluhan ng dumikit pa lalo siya sa akin. Muntik ko na nga siyang bigwasan sa kinikilos niya. Para itong namagnet sa kakalapit sa akin.
Nabuwang ba siya?
"He's here, Yanyan. We should act like a real couple" he whispered in to my ears.
Kinurot ko siya sa braso ng hipan niya ang tenga ko.
"Sino bang tinutukoy mo, ha? Akala ko ba umuwi na ang kakambal mo? Kanina pa ako nalilito sayo. Umayos ka nga! Saka 'wag kang dikit ng dikit sa'kin" sunod-sunod na sabi niya sa binata.
Hinayaan niyang nakaakbay sa kanya si Wade ng lakarin nila ang pasilyo patungo sa hagdan.
"Im talking about Zev, Ynah"
Mabilis na lumingon ang ulo ko sa kanya pagkabanggit ng pangalan ni Zev. "Ano!"
"Zev is here--- Ouch!" Sapol ang nasaktang paa ni Wade ng sipain ko ito. Matalim nginusuhan niya ako.
"Bakit hindi mo agad sinabi!"
"Fuck! Im talking to him, love. I tried to call Nanay Sesa but she didn't heard me."
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romance{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
