"Yannie, ikaw na muna ang bahala kay nanay maya-maya darating na rin si Tiya Conny huwag mong pababayaan si nanay." bilin ko kay Yannie habang inaayos ang laman ng aking bag.
"Oo Ate dont worry, Hindi ko naman iiwan si nanay no. Basta 'yong sabi ko sayo, Ate 'wag mong kakalimutan, kailangan ko 'yon sa thesis namin sa monday." Kinuha nito ang isang teddy bear na nasa kama niya at niyakap iyon.
"Oo na! Text mo nalang ako mamaya para hindi ko makalimutan basta huwag mong pabayaan si nanay. Lagot ka talaga sa 'kin kapag iniwan mo siyang mag-isa diyan!"
"Sus! Si Ate naman walang trust sa 'kin sige na baka malate ka pa sa trabaho mo sumbong kita kay nanay e"
"Ohh sige-sige mauna na 'ko" pairap na nilagpasan niya ang kapatid bago ito hinalikan sa noo at nilapitan si nanay na nakamasid lamang sa asaran namin ni Yannie.
"Nay, pasok na po ako tatawag din ako mamayang lunch baka malate po kasi ako sa first day ko sa mall. Magpahinga ka nalang dito 'Nay"
"M-mag-ingat ka rin, Ynah. Mabuti nalang a-at tinanggap ka nila roon. Huwag mong papagurin ang sarili mo, anak. Ingatan mo ang sarili mo palagi"
"Oo nga po Inay nagpapasalamat nalang ako dahil natanggap ako do'n nilang saleslady kahit p-paano mataas ang sahod ko doon. D-dont worry, Nay. Kaya ko na po ang sarili ko. Aalis na po ako, I love you." Hinalikan niya ang ina sa noo nito.
Nang makalabas ako sa kwartong 'yon ay dali-dali akong bumaba dahil alas otso ang pasok ko 6:40 am palang naman kaya may ilang oras pa 'ko. Mabuti nalang at pumayag si Tita Shay na gabi ang duty ko sa Resto kahit papaano na sasabay ko ang mga trabaho ko.
Hinanap ko muna ang cellphone ko habang naglalakad sa gitna nang daan walang masyadong tao na naglalakad dahil maaga pa. Tatawagan ko muna si Jamie.
"Asan kaya 'yon?" Hinalungkat ko ang laman ng aking bag para hanapin ang phone ko.
Napalingon ako sa gilid ko ng may humintong puting van na muntik na akong masagasaan. Halos gahagip nalang at masasagasaan na ako no'n. Mumurahin ko na sana ang mga ito nang bumaba ang dalawang lalaking naka itim na bonet with black shirt and pants. Mukha silang mga goons sa ayos na iyon. Mga goons sa action movies. May shooting ba ngayon?
Takot na napaatras ako ng naglakad sila papunta sa kinakatayuan ko. Ako ba ang sadya nila?
"S-sino kayo?" takot kong wika sa dalawang lalaki. Nilapitan naman ako nang isa sa kanila kaya napaatras ako sa takot.
"You are Ynah Assiniero, right?" tanong nang lalaking lumapit sa'kin.
Aba! Englishero pala ang mamang kidnaper na ito.
"O-oo, bakit anong kailangan niyo sa 'kin?" tiningnan lamang niya ako mula ulo hanggang paa. Samanthalang ang isang kasama nito ay may hawak-hawak na itim na tila sako.
"Sumama ka sa 'min!"
"Hi-hindi ayoko lumayo kayo sa 'kin kung a-ayaw niyong masaktan!" Pinulot ko ang kapirasong kahoy na nasa lapag para sana ipalo sa mga ito. Tila kikidnapin nga talaga siya ng mga ito. Wala naman akong natatandaang pagkakautang!
Tatakbo na sana siya nang hablutin siya nang lalaking pandak kaya pumiglas ako. Pinagsusuntok ko ito at sinabunutan ng lumapit naman ang isang lalaki sa 'kin malakas ko itong sinipa sa gitnang bahagi nang katawan nito kaya napahiyaw siya sa sakit. Buti nga sayong bwisit ka!
"F-fvck!" nakangiwing nakahawak ito sa gitnang bahagi ng katawan kung saan niya sinipa.
"Ano ba bitawan mo 'ko tulong tulungan niyo ako! Help!" malakas kong sigaw para humingi ng tulong. Mas nagtaka ako kung bakit wala man lang dumaang tao ni sasakyan sa gawi nula. Nagulat nalang ako nang buhatin ako nang isang lalaki at pilit na sinakay sa puting van.
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romance{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
