Chapter 9

2.8K 286 54
                                    

"Can you make it faster! Ang bagal bagal mo kanina pa kita tinatawag. Where the hell have you been!" malakas na sigaw ni Lexi ang umalingawngaw sa malawak na espasyo kung nasaan naroroon ang hugis bilog na pool.

Prente itong nakaupo sa isang kulay puting upuan na nakasuot ng itim na swimsuit na kasing kulay ng budhi nito. Kitang kita niya ang makikinis at mahaba nitong binti na kumikininang pagtinamaan ng sikat ng araw nakasuot din ang babae ng itim na sunglasses bilang proteksiyon sa araw.

Kasama nitong naliligo sa pool ang Nanny kuno nito. Kanina pa siya naiirita sa sunod sunod na utos ni Lexi tanging siya lang ang inuutusan nito samanthalang marami namang katulong na naroon sa mansion.

Narinig niyang nasa dalampasigan si Zev ngayon kasama ang ama nito upang asikasuhin ang mga bisita at naiwan rito ang bratinelang jowa ni Zev.

Pinagday-off nito ang sariling yaya para ako ang utusan. Hindi ko naman ito matanggihan dahil baka mahalata ako ng mga kasambahay isa pa ito naman talaga ang trabahong pinapagawa ni Senior Yhuan ang maging utusan pero grabe na talaga ang babaeng to hindi ko pa nga natatapos ang pinapagawa may ipapagawa na namang bago at kung hindi ko agad magawa ang pinapagawa nito ay saka ako mumurahin at papagalitan.

I know that she's getting her revenge by doing this kind of treatment. Nakakairita na ang mga sigaw ni Lexi halos murahin na ako at saktan sa ginagawa nito sa 'kin.

"Hindi pa kasi tapos ang sandwich Ma'am Lexi kaya natagalan ako isa pa tinapos ko pa ang pinapagawa ng Mayordoma kaya ako natagalan" magalang na sagot ko sa kanya.

Nilapag ko sa lamesa ang tray nama'y lamang almusal ng babae bago nilagay sa lamesa ang isang towel at bathrobe at pinakuha nito sa kaniya.

"I dont fvking care! Diba sinabi ko sayo unahin mo ang pinauutos ko sa'yo. Your so irresponsible bitch. Where's my lemon juice diba sabi ko lemon juice hindi pineapple juice. Bobo ka ba?" Hinubad ni Lexi ang sunglasses na suot at tiningnan siya ng masama. Matatalim ang mga tingin ng babae sa kaniya.

"Naubusan na ng lemon juice kaya pineapple nalang ang hinanda ko, Ma'am" diretsa ko itong tiningnan sa mata nakita kong naiinis na ito sakin at parang bubuga na nang apoy sa sobrang galit.

"I dont care! Lemon juice ang gusto ko hindi pineapple. Kung walang lemon juice maghanap ka. Use your god damn brain rats!"

"Saan naman ho ako hahanap eh walang tindahan sa Isla Ma'am! Hindi naman pwedeng languyin ko ang dagat papuntang kabilang isla para makabili lang ng LEMON juice na gusto mo. Kung ayaw mo ng pineapple juice edi wag tutal hindi lang naman para sa'yo ko ginawa 'yan. It's for Sir Zev and Senior Yhuan." I smirked while looking straightly to her dark eyes.

Galit itong tumayo kaya magkapantay na kami nakita kong nakatingin sa 'min si Melanie at iba pang kasambahay na tila kanina pa nakatayo sa bungad ng pinto.

"How dare you! Kasambahay kalang for short utusan kaya wala kang karapatang sagutin o sumbatan ako. Im Zev's girlfriend at isa rin ako sa magiging amo mo because you were just a piece of trash na tinatapaktapakan ko lang kaya 'wag mo 'kong insultuhin ng ganyan kung ayaw mong matanggalan ng trabaho at ipatapon sa dagat!"

"Pasensiya na Ma'am Lexi ha hindi ko lang kasi ma-take ang ugali mo. Im being nice here sinusunod ko lang kung ano ang utos niyo. Your right isa lamang akong utusan pero sana wag mo akong tratuhing parang basura dahil may pinag aralan ako. Hindi ako gaya mo na mayaman. Kung gaano ka ganda yang mukha mo kasing pangit at itim naman yang kalooban mo!"

Tinaasan ko ito ng noo at nilabanan ang nanlilisik na nga mata ni Lexi. Akala niya siguro ay kayang kaya niya akong insultuhin pwes nagkakamali siya.

Narinig kong nagbubulong-bulungan ang ibang kasambahay kasama na doon si Melanie at ang Yaya ni Lexi na nakaahon na pala mula sa tubig at narinig ang pag aaway namin ng masungit na amo niya.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon