Chapter 3

4.2K 448 112
                                        

"What the Hell!"

Malakas na mura ang siyang pumutol sa pagmamasid ko sa gwapong nilalang na nasa aking harapan. Napabaling ang tingin naming dalawa sa babaeng kasama namin ni Jamie kanina sa CR. Basang basa ang bahagi ng dibdib nito dahil sa natapong tubig.

Habang katabi ng babaeng sumigaw ay si Jamie na tila namutla sa nangyari. Halos madistract ako sa klase ng suot ng babae. Masyadong revealing ang suot nito at halos lumuwa na ang dapat lumuwa sa suot na damit.

Mapagkakamalan itong pokpok at callgirl sa ayos nito ngayon. No wonder na halos lahat ng manyak na mga mata ngayon at nakatutok sa kanya. Katabi ng babae ay si Jamie na hindi alam ang gagawin kung tutulungan ba ito o hindi. Her face was bit pale and full of fears.

"P-pasensya na ho! Ayos ka lang ba? H--hindi ko sinasadya hindi kasi kita nakita pasensya na ho talaga, M-ma'am" paghihingi nang paumanhin ni Jamie habang pinupunasan nito ang basang damit nang babae pero malakas lang itong tinulak ng babae kaya napaupo ito sa basang sahig.

Bakas sa mukha ng kanyang kaibigan ang sakit habang nakasalampak sa sahig.  Samanthalang ang babae namang natapunan nito ay galit na galit na pinupunasan ang sarili.

"Sorry! My dress is fvcking wet tapos sasabihin mo sorry." galit na sigaw nang babae kay Jamie.

Nilapitan ko si Jamie para patayuin, ang lalaking katabi ng table namin ay lumapit sa babae saka ito hinawakan sa braso na tila pinipigilan.

Nakatuon sa 'min ang atensiyon nang lahat pati na rin ang ilang tao sa labas ng Mall ay tumigil para maki-asosyo.

"P-pasensiya na ho. H-hindi ko ho sinasadya hindi---"

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.  Do I look okay? Ikaw kaya mabasa nang malamig hah! Subukan ko rin kaya sayo para ma feel mo ang feeling ng mapahiya at matapunan. Careless rat!"

Pumiglas ito sa hawak nang lalaki bago nito pinulot ang may laman pang drinks na dala ng waiter at sinaboy sa amin na kinagulat ko na lamang.

"There! para malaman mo kung okay lang ba ang mabasa. Poor rat! "

"Lexi! That's enough your making a scene."

"No! Dont make me stop this, babe. They need to pay for this mess! Look at my poor dress! Kasalanan ng hampas lupang iyan kung bakit nagkaganito ang damit ko" Marahas na binaklas ng babae ang pagkakahawak ng lalaking nsa likuran nito at gigil na gigil kaming binalingan.

"You have to pay this rat, kulang pa 'yang sorry mo. This is my first ever gift from my boyfriend tapos babasain mo lang. Your fvcking bitch! Palibhasa kasi ta-tanga tanga ka sa dinadaanan mo. Hindi ka naman siguro bulag para hindi ako mapansin, Lampa!" mura pa niya kay Jamie na mangiyak-ngiyak na dahil sa kahihiyan kaya pumagitna na 'ko para protektahan si Jamie na nanginginig na sa takot.

"Excuse men  Miss. Humingi na nga nang sorry ang kaibigan ko diba hindi mo narinig? Bingi ka ba para hindi marinig 'yon? Saka mukhang hindi naman niya sinasadyang matapunan ka."

"And who the hell are you to say that! Pwede ba huwag kang makisali rito kung ayaw mong masaktan. Huwag kang makialam dahil pagbabayaran ng babaeng iyan ang ginawa niya. " mariin niyang sabi sa 'kin na tinaasan ko lang nang kilay.

"Kaibigan lang naman ako ng minumura mo at bakit kailangan mo pa siyang sabuyan. Humingi na nga siya nang patawad sa'yo hindi ba? Ilang sorry pa ba ang kailangan para mapatawad mo siya? Masyado ka naman yatang over acting, Miss"

"I dont care! hindi ko kailangan ng sorry niya, so back off! How dare you to insult me. Huwag kang makisawsaw dito, pulubi. Kung ayaw mong pati ikaw masabunutan ko ngayon! Stoo defending your fellow rats!"

"Makikisali ako dahil kaibigan ko yang pinapahiya mo nag-sorry na nga ang tao tapos aawayin mo pa at sasabihan ng masasamang salita!. Magkano ba 'yang damit mong kulang sa tela ha? Parang ukay-ukay lang nga 'yan tapos ganiyan ka magtaray dahil sa konting tapon ng tubig lang sa damit mo"

"This is very special dress of mine regalo 'to nang boyfriend ko kaya-"

"Wala akong pake kung regalo man 'yan nang jowa mo o kung sinong kutong lupa. Ang sa 'kin lang naman 'wag kang mag over react dyan na parang nawalan ka nang pirasong bahagi nang katawan mo. Tingnan mo nga iyang damit mo damit pa ba 'yang matatawag eh halos kita na kaluluwa mo diyan! Nagsorry na nga ang kaibigan ko tapos pinapahiya mo pa. Ganyan ba talaga kayong mayayaman. Hindi ako nainform na ganyan pala ang tingin niyo sa mahihirap."

"How dare you! You bitch!"

"No your are the bitch here! Mukha kang labanos! Halika na Jamie baka ano pang masabi ko pagtumagal pa tayo dito" yakag ko kay Jamie na tila hindi makapaniwala sa inasal ko.

"Where do you think your going, rats! Come back here!" iritadong sigaw nang babae na hindi ko pinansin. Pumapasag pasag pa ito sa pagkakahawak ng lalaking kasama niya.

Binalingan ko si Jamie na nakayuko lamang sa 'king likuran. Hinila ko na ito palabas nang Shakey's nang mabangga ko ang isang matandang lalaki na may kasamang tatlong body guard na nasa likuran nito.

"Pasensya na ho..." masinsinang panghingi ko nang paumanhin sa matanda at muling hinila palabas si Jamie na nanginginig.









"H-HINDI mo nalang sana pinatulan ang babaeng 'yon, bess ikaw patuloy ang inaaway niya. A-aray naman dahan-dahan lang, bess. Hindi ako kalaban!" napangiwi nalang ito nang bahiran ko nang alcohol ang sugat sa braso nito dahil sa lakas nang tulak nang masungit na babae sa mall.

"S-sorry, Paano ba naman ginagano'n ka na tapos hindi ko pa tutulungan ayoko sa lahat 'yong inaapi diba sinabi ko na sayo 'yon. Sumosobra na siya humingi na nga nang sorry ang tao tapos mumurahin ka pa ng sobra. Ang sama din nang ugali ng babaitang iyon."

"Kahit na dapat hi-hinayaan mo nalang saka kasalanan ko din naman kung bakit siya nagalit."

"OA lang talaga ang babaeng 'yon! Konting tapon lang naman overreact agad sarap sabunutan eh. Pwedeng pwede na siyang maging artista sa ka-dramahan niya" nang-gigil kong sabi bago inaayos ang first aid kita na ginamit namin.

Kaming dalawa ni Jamie muna ang nagbabantay kay nanay dahil wala si Yannie may pasok pa ito at kakauwi lang din ni Tiya Conny para kumuha nang damit ni nanay kaya kami muna ang nagbabantay day off namin ngayon sa resto.

"Hayaan mo na nga lang 'yon makakarma din ang babaeng 'yon. Parang dragon yung mukha niya na parang bubuga na ng lava yong bibig."

"Ohh sige, lalabas muna ako bibili lang ako ng sabon at tissue babalik din agad ako." Tumayo na ito mula sa pagkaupo.

"Sige pakibilhan mo nalang din nang alcohol dito mauubos na 'yong binili ni Tiya Conny"

"Sige bess saglit lang ako" sabi nito bago lumabas sa kwartong tinutuluyan namin. Pumasok naman ako sa Cr para kumuha nang bimpo na ipupunas kay nanay.

Mabuti nalang talaga at natanggap ako sa mall na 'yon kahit papaano mataas din ang sahod ko doon kesa sa resto. Hanggang ngayon wala pa din kaming nahahanap na donor para kay nanay konti lang ang naipon kong pera sa bangko diko alam kung saan ako kukuha nang perang gagastusin sa susunod pang mga araw.

Halos dalawang buwan ko na ring hindi nababayaran ang upa nang bahay at baka palayasin na kami ng may-ari pag hindi ko pa nabayaran 'yon sa linggo.

Paano na kaya ito?













Ayieshadienla||Veylicious
I S L A  M A R S I E L L E 
S E R I E S 1: Z  E  V

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon