Katatapos lang mabayaran ni Wade ang kinain namin ng magpaalam akong magbanyo. Kanina pa ako naiihi kaya pinatapos ko muna si Wade magbayad saka ako magpasyang magbabanyo.
"Do you want to acompany you?" He asked when I stood up on my seat.
Umiling ako sa kanya. "Hindi na kaya ko na, Wade. Saka saglit lang naman ako. Babalik rin ako agad"
Mukhang hindi na ito nagpumilit pa at inalalayan na lang ako. Tinuro nito ang kanang bahagi ng restaurant kung saan naroroon ang restroom. Dumiretso ako roon para pumasok. Nasa dulo pala ng pasilyo ang restroom katabi ng kitchen area at bodega.
May dalawang babaeng nag-kwekwentuhan sa loob habang nakatutok ang mga ito sa salamin. Nakita ko pa ang pagsulyap ng isang babae sa akin bago bumaba ang mata nito sa aking tiyan. May bahid ng panghuhusga ang tingin nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay na muli itong tumingin sa mata ko.
What now biatch?
Agad na napaiwas ng tingin ang babae ng mapansin nito ang nakatikwas kong kilay. Mukhang nabasa niya yata ang pinapahiwatig ko ng bigla nalang nitong hilahin ang babaeng katabi nito at agad na lumabas. Mga toxic talagang tao.
Umiling na lamang ako bago pumasok sa cubicle para umihi. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Yannie. Kaya naisipan kong manatili muna roon ng ilang minuto para sagutin ang tawag ng kapatid ko
Laking tuwa ko ng malamang napasama si Yannie sa with high honors sa kanilang paaralan. Gusto ko tuloy maiyak habang pinapahayag nito sa akin ang mga achivement nito. Maging si Nanay ay naiyak rin ng makausap ko ito kanina. Tila ako nabunutan ng tinik ng malaman ang balitang iyon. Nagbunga na rin sa wakas ang paghihirap ko para makapagtapos si Yannie sa kolehiyo.
Nang matapos ang mala-dramang kwentuhan namin sa telepono ay lumabas na ako sa comfort room. Tiyak na nag-aantay na si Wade sa labas. Iniwasan ko kaninang huwag kabahan ng makausap ko sila ni Nanay at Yannie. Mas lalong ayokong makita nilang lumalaki na ang tiyan ko.
"S-siguradong matutuwa ka k-kapag nakita mo na ang Lolamama mo, anak. Huwag kang mag-alala. D-darating rin ang araw na masasabi ko sa kanila na meron ng isang anghel sa sinapupunan ko at ikaw 'yon anak." Matamis akong ngumiti habang hinihimas ang aking puson.
Ramdam na ramdam ko ang pagpintig at pagkislot ng aking puson. Marahil ay narinig iyon ng little angel na nasa aking tiyan.
Akmang mag-aangat na ako ng tingin ng bigla na lamang akong napaatras. Hindi ko namalayang bumangga na pala ako sa taong nakasalubong ko.
"A-aray!" Daing ko ng mapasandal ko sa cementadong pader.
"O my god! A-are you alright?" Agad na lumapit ang taong iyon sa akin.
Bahagya akong lumayo sa pader at agad na napahimas sa aking tiyan. Mukhang maayos naman ang pakiramdam ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mukha ng babae ng sipatin siya nito mula ulo hanggang paa.
"A-ayos lang ako" Lumayo ako ng bahagya sa pader habang nasa puson ko ang aking kamay. Bumaba ang mata ng babae roon ng mapansin ang ginawa ko. Mas lalo itong nag-alala ng makita ang aking tiyan.
"I-im so sorry. Nagmamadali kasi ako that's why I didn't notice you"
"Ako ang dapat na magsorry, Miss. H-hindi rin ako nakatingin sa dinadaanan ko." Nginitian niya ang babae bilang sagot. Natama ang aming paningin. Agad na napalitan ng pagkagulat ang kaninang nag-aalala nitong mukha.
Maganda ang babaeng kaharap ko ngayon. Nakakasilaw sa kaputian ang kutis nito tuwing sisikatan ng ilaw o araw. Lalo na ngayon. Gusto ko tuloy tanungin kung anong gamit nitong sabon. Mahahaba ang kanyang pilik mata at kulay abo ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romance{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
