Chapter 5

4.1K 380 74
                                        

Dinala ni Senior Yhuan si Ynah sa likod ng mansion kung saan nakatirik ang isang glass wall garden. Namamanghang minasdan ni Ynah ang paligid. Napakaganda at napakalinis ng hardin na iyon.

Punong puno ng ibat ibang klaseng bulaklak gaya ng orkidyas, pulang rosas at puting rosas, yellow bell, gumamela at iba pang mamahaling bulaklak na nakadisplay sa kada hagdang hagdang kinalalagyan.

Meron rin roong isang estatwa ng palaka na may lumalabas na tubig sa bunganga nito at bumabagsak papunta sa may hindi kalakihang pond. Sobrang na amaze siya sa mga bagay bagay na nakikita niya na bahagi ng Mansion.

Iginaya siya ng dalawang body guard sa isang upuan sa gitna ng hardin. Sumunod naman si Ynah roon at kiming nginitian ang guard bilang pasasalamat.

Umupo ito sa upuang hinila ng BG para sa dalaga kaharap ng Senior.

Umupo sa harap nito at sinalinan ang isang baso gamit ang isang puting teapot. Sinalinan naman ng isang katulong ang may kahabaang basong dala dala nito na nakasunod pala sa kanila. It was a orange juice.

"Are you ready to listen now, Ynah?"

"Ano po ba ang pag-uusapin natin, Señior?" wika niya habang sumisimsim ng juice na nilapag ng isang katulong.

"Well Ms. Assiniero-"

"Ynah nalang ho" putol ni Ynah sa kasunod pang sasabihin ng Señior.

"Okay Ynah, I already know your backround. Isa kang bread winner ng inyong pamilya. Your biological father left you when you were 8 years old. Am I right? Pumasok ka sa iba't ibang trabaho just to save your family and your fathers debt"

Ynah was stunned by what he said and for a moment anger and hatred passed through her face.

"Excuse lang po Mr. Marsielle ayoko na po sanang pag usapan pa ang nakaraan na. Lalong lalo na ho ang salitang AMA" Nilapag ni Ynah ang hawak hawak na baso sa mesa na bahagya pang diniiinan ang huling salitang binitawan. May nababanaag na galit sa mga mata ng dalaga. Galit para sa sarili nitong ama.

"Alright. I'll stop mentioning your father's name. Im sorry for tgat"

"Sabihin niyo nalang ho kung ano ang gusto niyong mangyari at kung bakit ako narito ngayon."

"Well Ynah, I want you to pretend to be a maid and seduce my oldest son Zev. I know you know him already aren't you?" seryosong minasdan ni Senior Yhuan at hinintay ang magiging reaksiyon ng dalaga.

Ilang minutong natulala si Ynah sa matanda bago nanlaki ang mga matang nakatitig kay Señior Yhuan. Nakaawang ang mga labi niya at nanlalaki ang mga mata.

"A-ano ho!" gulat na napatayo mula sa kinauupuan ang babae at nanlalaki ang mga mata.

She seems shock. Well yan naman talaga ang plano ng Señior, find a better woman for his own son and He think that this girl is the right person for his oldest son.

Unang kita palang ng Senior rito na nakikipag away kay Lexi ay nakita niya ng ito ang babaeng hinahanap niya para sa kanyang anak. Ang ugaling mayroon si Ynah ay kagaya ng ugaling mayroon ang yumaong asawa ni Señior Yhuan at iyon ang pagbabasihan niya para sa ka niyang sariling anak. Si Ynah ang nararapat na babae para sa kanyang anak. Plus those simple looks of her and she's kind hearted woman.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon