Chapter 43

2.7K 66 6
                                        

Alas-sais nang hapon ng maisipan kong bumaba sa First floor ng hospital kung saan naroon ang Canteen. Mula pa kaninang tanghalian ay hindi pa ako kumakain.

Hinatiran lang ako ni Agnes ng kape at Siopao sa loob ng room na nilipatan ang anak ko.

Katatapos lang masalinan ng anak ko ng dugo mula sa ama nito kay Zev. Naging mabilis ang lahat dahil sa tulong niya at ni Doctor Presseo.

Isang oras ang tinagal ng operation sa loob ng operation room.

Hindi pa nagigising si Yvan ang sabi sa akin ng doctor ay baka bukas ng umaga magising ang anak ko. Hindi ako makapag-antay na magising si Yvan.

Atat na atat na akong masilayan ang pagbukas ng mata niya at pagtawag sa akin ng mama.

Malapit na ako sa silid kung nasa'n ang anak ko. Nilipat siya ng silid dito sa ikalawang palapag ng Hospital. Kanina ko pa pinauwi si Agnes. Naaawa ako sa kanya. Hindi niya kasalanan ang lahat kaya't kinausap ko ito kanina ng mahinahon.

Paulit-ulit ang paghingi niya sa akin ng tawad. Wala naman akong sama ng loob sa kanya kaya sinabihan ko itong ayos na ang lahat dahil nasalinan na ng dugo si Yvan at baka bukas ay magigising na ito.

Pinayuhan niyang umuwi na ito sa Mansion ni Wade para may kasama roon si Nanay Sesa na mag-alaga sa kambal.

Speaking of Wade, I already called him a while ago. Natiyempuhan kong katatapos lang nito sa isang conference meeting ayon kay Jelian na siyang sekretarya nito.

He cancel his appointment this afternoon to check us.

To check my son.

Tuluyan kong narating ang hospitalroom ng anak ko bitbit ang plastic na may lamang tissue at pagkain. Pinihit ko ang seradura ng pinto, marahan ko iyong itinulak.

Hindi ko pa nabubuksan ng maayos ang pinto ng marinig ang galit na boses ni Zev. May kausap yata ito sa loob.

"I'll sue you for hiding my son away from me, Wade! All this time na sayo sila. You kept them away from me for what? For your god damn reason" tila kulog na ang boses ni Zev. Rinig na rinig iyon sa labas ng kwarto dahil sa ginawa kong pagbukas.

"Tss!"

"Dont tss me, asshole! Why did you hide my son? Im your fucking brother" he said with full of madness in his voice.

Kasing dilim ng kalangitan ang mukha nito na para bang ilang segundo na lang ay bubuga na ito ng apoy sa galit.

Tinambol ng kaba ang dibdib ko ng tuluyan kong mabuksan ang pinto. I gasp in fear when there eyes darted on me. Magkaibang-magkaiba ang emosyong nababasa ko sa kanila.

Kung si Wade ay mahinahon ang aura nito na parang walang pakealam sa sa galit na nilabas ng kapatid nito. Iba naman kay Zev.

Nakakapaso ang galit sa mga mata niya.

"W-wade." I swallowed hard. Kipkip ang plastic na dala ko'y lumakad ako palapit sa kanila.

Wade is sitting on the couch comfortably and also Zev on the other side of the couch.

"Love?" Tawag pansin ni Wade sa akin.

Napaunat pa siya sa pag-upo ng couch ng makita ako.

Sasagot pa sana ako ng bigla nalang kay bumato ng nilamukos ng papel sa mukha ni Wade. Sapol ang noo nito. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Zev na busangot ang mukha. Mukha itong nakakain ng maasim na pagkain.

"What the fuck is wrong with you?" Wade asked in his cold husky voice.

"Leave!" Utos ni Zev sa kapatid nitong nakasimangot. Buti nalang at walang malay ang anak ko kung hindi ay baka na ingayan na ito sa bangayan ng ama nito at Tiyuhin.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon