Chapter 19

2.7K 74 12
                                        

"Naku ang gwapo talaga ng mga pinsan ni Kuya Wage, Ate! Lalo na si Kuya Estein ang gwapo gwapo niya pala sa personal" kinikilig na tumili si Melanie sa tabi ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na niyang sinabi kung gaano kagwapo si Estein.

Kaninang umaga pa ito tili ng tili habang nasa kusina kami at hanggang ngayon gano'n parin ang sistema niya. Halos marindi na ako sa kakatili niya at yugyog sa'king balikat.

"Saka alam mo ba, Ate mukhang type niya si Manang Dadang. Sayang crush ko pa naman si Estein pero okay lang bagay na bagay naman silang dalawa" malakas na niyugyog siya nito sa braso.

Si Dalia Demetrio o mas kilala bilang 'Dadang rito sa Isla ay siyang tinutukoy ni Melanie. Kasing edad ko lang siya at kasing tangkad. Hindi naman masama kung magkakagusto ang pinsan ni Zev na si Estein kay Dalia dahil maganda si Dalia.

Kahit na kayumanggi ang kanyang balat ay bagay na bagay pa nga iyon sa kanya. Mahaba ang buhok niya, matangos ang ilong kulay iñigo ang bilugang mga mata na gaya ni Zev.

Pwedeng pwede siyang ihilera sa mga pang beauty queen contest. Sa pagkakaalam ko apat na taon na siyang naninilbihan dito sa Isla gaya ng sinabi ni Melanie. Pero sigurado akong walang gusto si Dalia kay Estein dahil pihikan si Dalia sa mga lalaki. Maraming nagpapalipad hangin kay Dalia dito sa Isla kabilang na ang mga body guard at mga empleyado sa resto pero tanging dedma o kaya basted ang natatanggap nila. Wala sa sariling napailing nalamang ako at nanatili paring tahimik katabi niya habang tinutupi ang mga bedsheet sa maids room.

Nandito kami ngayong dalawa sa Maidsroom dahil inutusan kami ni Manang Mildred na ayusin ang nga kutson at punda ng kada silid sa Mansion. Tahimik lang ako mula pa kaninang umaga ni hindi ko man lang nga pinansin si Zev ng pasimple ako nitong kausapin.

Im trying to avoid him dahil nandyan si Lexi at ayokong may makapansin sa amin.

Nahihiya ako kagabi sa nagawa namin ni Zev hanggang ngayon naapektuhan pa rin ako sa nangyari. Simula ng iwan ko si Zev kagabi ay dumiretso na ako rito sa Mansion para magkulong sa sarili kong silid.

Ilang oras din akong umiyak at sinisi ang sarili ko dahil sa ginawa namin. Naguguluhan na ako sa nangyayari lalo pa at kaninang umaga pinipilit akong kausapin ni Zev at nahuli kami ni Lexi na nag-uusap sa kusina. I admit na inlove na nga ako kay Zev pero nasasaktan akong umasa nama'y katugon ang damdamin ko sa kanya. Na alam kong hindi magkakagusto si Zev sa'kin.

Alam kong pareho kaming nakainom kagabi kaya nangyari 'yon.

"Huy, Ate Ynah!" mahinang tinapik ni Melanie ang pisngi niya kaya napalingon siya dito. Nagtataka ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"B-bakit?"

"Ano ba yan Ate kanina pa ako nagsasalita dito pero kanina ka pa pala tulaley" nakangusong nilapag ni Melanie ang hawak na punda. Kumurap kurap siya para pawiin ang pagkatulala.

"Sorry may naiisip lang ako"

"Ano ba kasing iniisip mo. Kaninang umaga ko pa napapansin na wala ka sa sarili, 'Te?" nagtataka siya nitong tinapunan ng tingin. Napabugtong hininga nalang ako bago pinagpag ang kutson sa katre.

Nahihiyang hinimas ko ang batok ko para pawiin ang kabang nararamdaman. "W-wala inaalala ko lang ang nangyari kagabi"

"Ano ba kasing nangyari kagabi, Ate? Sabi mo lalabas kalang saglit pero hindi ka na bumalik hinanap ka tuloy nila Kuya Wage at Kuya Wade. Pati narin si Sir Zev nawala nalang bigla bigla." may bahid na pagtataka ang tinig nito habang nakatingin sa kanya.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon