"S-sir eto na po yong coffee niyo" nanginginig na nilapag ko sa lamesa ang isang tasang kape na inutos ni Zev kay Melanie pero ako nalang ang nagdala sa study room kung nasaan naroon si Zev.
Hinarangan ko ito kanina para ako na lang ako magkusang maghatid sa study room na kinaroroonan niya.
He's sitting there with blank expression ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin seryoso lang ang mga mata niyang nakatutok sa mga papeles na nakakalat sa lamesa.
"M-may i-uutos pa ba kayo Sir? Baka gusto niyong dalhan ko kayo ng miryenda niyo" pangungulit ko dito habang patingin tingin sa ginagawa niya. Ni hindi man lang ako nito tiningnan pwes kukulitin ko nalang siya para kausapin ako. Eto na yata ang pag uumpisa ng pagseseduce ko.
"Sir?" Nilandian niya ang boses para mapunta sa kanya ang atensyon ni Zev na abala parin sa pagpipirma.
"No need! Just leave my room right now and stop that flirty tone of yours." he said before he turn his gaze on me. Shit! He knew.
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa kabang naramdaman kaya umubo ubo ako. Sa wakas kinausap din niya ako pero sinungitan naman. Suplado talaga ang isang to bagay nga talaga sila ni Lexi. Napansin niya siguro ang takot at kaba sa mukha ko kaya pinagtaasan nito ako ng kilay. He seems woried with that look.
"Are you okay?"
"A-ahh oho Sir okay lang mabulunan lang ho ako hehe. Sige ho alis na ako. Tawagin niyo na lang ako pag may ipapautos kayo. Adios papi!" Malandi ko siya kinindatan. Pinilit kong hindi ngumiwi habang nakatingin sa walang ekspresyon na aura ni Zev.
"Fine, you may go." pagtataboy ng lalaki sa kaniya at muling binalik ang pansin sa ginagawa.
Dali-dali akong lumabas sa Study room para tunguhin ang kwarto ko. Jusko! Ano ba itong nararamdaman ko parang sasabog ang puso ko pagnasamalapit lang siya.
Behind those serious face of him he's still the hottest and serious man alive. Napapikit nalang ako ng biglang pumasok sa isipan ko ang kung ano nga ba ang magiging itsura nito pag walang suot na damit!
"Arghhh! ano ba yang iniisip mo Ynah! ang bastos mo." angil ko sa sarili.
Inis na napasabunot ako at pilit na winawaski ang masasamang pangitain na nasa isipan ko. Bakit ko ba ito iniisip goshhang bastos mo selp! Ilang minuto akong nanatili sa aking silid bago lumabas papuntang kusina.
Nakita ko doon ang ilang kasambahay na busy sa paghahanda ng pananghalian kasama si Melanie na naghahanda ng panahog sa lutuin.
"Anong tinutunganga mo riyan kanina pa kita hinahanap " sita ni Manang Mildred sa 'kin na nakatayo na pala sa kaniyang harapan. Nakatikwas ang mga kilay habang taas babang pinapasadahan ako ng tingin.
"M-may tinawagan po kasi ako kaya ako natagalan pasensiya na." nakayuko kong wika habang tumutulong kay Melanie sa paghihiwa.
Inis na umalis ito papuntang living room kaya napabugtong hininga na lang ako. Minsan may pagkamoody naman itong si Manang Mildred minsan mabait minsan masungit.
"Ang sungit sungit talaga ni Tiya Mildred palibhasa walang fafa " pabulong na wika ni Mel ng bahagya itong tumabi sa 'kin. Abala ang ibang kasambahay sa pagluluto ang iba naman ay nasa labas na naglilinis at naglau-laundry
"Buanganga mo, baka may makarinig sayo lagot ka talaga " sita ko kay Melanie habang tumatawa tawang nakasunod ang tingin sa Mayordoma. Umiling na lamang ako at binalik ang tingin sa kanya.
"Naku! eh totoo naman simula noong pumasok ako dito bilang katulong sa Isla ganoon na talaga ang ugali ni Tiya Mildred palaging mainitin ang ulo. Ayaw na ayaw na marumihan ang buong mansion kaya palagi kaming naglilinis dito. Pero syempre mayordoma siya rito kaya may karapatan siyang utusan kaming lahat."
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romance{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
