Chapter 34

1.9K 49 9
                                    

Dumiretso papasok si Ynah sa loob ng TWEC o mas kilala bilang Timothy Wade Enterprising Company na pagmamay-ari ni Wade. Mas kilala bilang TWEC ang kumpanya sa publiko lalong lalo nasa ibang bansa.

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kumpanya ni Wade halos karamihan sa investors niya ay matatas at mamayamang tao sa bansa hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang karatig na bansa ng Asia. Mas lalo lang sumikat ang TWEC dahil sa mismong CEO na sobrang gwapo kuno at bahagi ng Bachelors ng Pilipinas.

Walang iba kundi si Wade, his self.

Kaya lumalaki ang ulo ng lalaking iyon dahil sa mga papuri sa kanya.

"Good Morning, Ma'am" bati ng ilang empleyado na madadaanan niya sa hallway.

Matamis na nginitian niya ang mga ito at bahagyang yumuko. Iilan sa empleyado ng TWEC ay kilala na siya. Paminsan minsan kasi ay bumibisita siya roon kasama si Wade. Saka sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya. Siya ang Ninang ng dalawang kambal slash bestfriend ng may-ari nitong TWEC.

Nginitian niya ang bell boy ng makapasok sa loob ng elevator. Kasabayan niya sa loob ang ilang empleyadang babae na nakangiti sa kanya kasama na roon ang sekretarya ni Wade na si Jelian.

Jelian Stroam is Wade's Secretary for almost 3 long years. Siya lang yata ang qualified na pinakamatagal na sekretarya ng binata. Dati kasi ay grabe kung pumalit ng secretary si Wade na para bang playboy sa kanto na paiba-iba ng babae. Sino ba naman ang hindi masisindak sa kalamigan nitong pangalawang Marsielle.

Ang sabi sa akin ng isang empleyado ay masyadong mainitin ang ulo nito pagdating sa trabaho. Kung business ang pag-uusapan ay hindi ito papahuli sa ibang batang CEO ng bansa. He's ruthless in comes on business. Kagaya rin siya ni----

"Six floor, Ma'am Ynah?" the bellboy asked. Tumango ako sa kanya bilang sagot. I lifted my head on Wade's secretary when she called my name. Nginitian ko ito bilang pagbati.

"Bibisitahin mo po ba si Sir Wade, Ma'am Ynah?" tanong nito sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. Lumilitaw ang biloy nito sa mukha na siyang kinangiti ko.

"Oo, naisipan kong puntahan siya para yayaing mananghalian. For sure hindi naman 'yon bababa para mag-lunch. Kilala mo naman iyang boss mo sobrang workaholic" bahagya pa akong napa irap. Napahagikhik naman si Jelian sa reaksyon ko.

"Tama ka, Ma'am Ynah! Mabuti nga po at naisipan kong puntahan siya rito. Puro kape na lang kasi ang inuutos ni Boss sa akin simula kaninang umaga. Hindi nga po siya nagmiryenda" ani ni Jelian na kinasimangot ko.

Gano'n naman talaga si Wade. Ang sabi ni Mama Ada ay hindi talaga sanay si Wade na kumain ng agahan.

Nagsimula daw iyon ng mawala ang asawa niya.
Nakakalungkot dahil ang dating Wade na palangiti at may pagka-socialite ay nagbago simula ng mamatay ang asawa nitong si Athea. Si Athea ang yumaong asawa ni Wade.

Ang sabi sa akin ni Mama Ada ay sobrang bait daw at sobrang mahinhin ni Athea. Palagi nitong inaalagaan at pini-prepara ang bawat agahan, tanghalian at hapunan ni Wade. At eto namang si Wade ay laging sumusunod sa asawa nito.

I already saw Athea's picture. Nakita ko iyon noong minsang pumasok ako sa silid ni Wade. Puno ng iba't ibang litrato ng asawa nito ang silid ni Timothy. Napagandang babae ng asawa ni Wade. Kung pagbabasihan ay pwedeng pwede itong tanghaling pinakamagandang babae sa pilipinas dahil sa kakinisan nito at kaganda ng kurba ng mukha at katawan.

Naaawa ako sa kalagayan niya dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na wala na si Athea. Mahigit sampung taon na mula ng mawala ang asawa niya pero nandyan parin ang sakit at hinagpis na mababasa ko sa kanyang mukha.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon