"Hey"
Kinalabit siya ng binata ng mahalata nito ang kanyang pagkatulala sa harap ng hapag-kainan. Nabaling ang pansin niya sa binatang nakakunot-noo.
Puno ng pagtataka ang mukha ni Wade na nakamasid sa akin. Kumurap kurap ako ng ilang beses.
Tatlong araw na mula ng huli naming paghaharap ni Zev at Lexi. Tatlong araw na rin akong wala sa sarili. Hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari 3 days ago. Tila nakaukit iyon sa kasulok sulukan ng isipan ko na hindi matanggal tanggal. Napapansin iyon ni Wade sa akin lalo na ngayon na nasa hapag-kainan kami.
"You're spacing out, Ynah."
Bumuga ito ng hangin ng matapos nitong ligpitin ang pinagkainan ng mga bata.
Nasa labas ang anak ko kasama ang dalawa nitong pinsan. Tiyak na nasa parking lot area sila naglalaro. Kasama naman nila si Nanay Sesa kaya hindi na ako nag-alala pa.
Walang ganang binitawan ko ang tinidor sa pinggan. Tumunog iyon ng malakas sa ibabaw ng mesa.
"Tell me what's on your mind?" he asked using his serious baritone voice.
Inabot nito sa isang katulong ang pinggang pinag-kainan. Nang makaalis ng katulong papasok sa kusina ay naiwan kaming dalawa ni Wade sa mesa. Tumayo ito mula aa pagkakaupo saka pumwesto sa katabi kong upuan. Napaharap ako sa kanya ng hawakan nito ang aking magkabilang balikat.
"Kanina ka pa nakatulala. Pati pagsubo kay Yvan ay hindi mo na magawa. May problema ba? Something, someone's bothering you? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Sinalat pa ng binata ang kanyang noo at leeg upang tingnan kung may lagnat siya. Nang masigurong wala siyang sakit at napahinga ito ng malalim.
"You're thinking about him again, are you?" There gaze met that makes me stilled for a while. There's something on Wade's eyes. Galit at inis ang nakikita ko sa kanyang mukha.
"H-hindi--"
"You're not good in denying, Yan yan. I can see it in your eyes. Tell me who's bothering you" Inis na binitawan nito ang aking balikat.
Kagat-labing yumuko ako ng sabunutan ni Wade ang buhok nito na tila inis na inis. Gano'n rin naman ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil mahigit limang taon na ang lumipas pero hindi parin mawala sa sistema ko ang bawat ditalyeng kasama ko si Zev.
Lalo na ang maiinit na sandaling kasama ko siya. Napapanaginipan ko ang bawat halik niya at haplos sa akin.
Nagsimula lang 'yon ng makita ko siya 3 days ago. It all started in that day. Para bang bumalik lahat lahat ng nangyari 5 years ago sa pagitan naming dalawa. Binibisita ako ng mga alaalang kasama ko siya.
Kahit anong gawin ko ay hindi 'yon maalis alis sa sistema ko. Lalo na kapag kaharap ko si Zev sa mukha ng anak kong si Yvan. Nakikinita ko sa kanya si Zev. Kuhang kuha ni Yvan ang ama niya kaya't hindi ko maiwasang masaktan.
"You have to stop thinking about him, Ynah. Stop stressing your self. Alalahanin mong may nagmamay-ari na sa kapatid ko. And it's not you"
Nadurog na naman ako. Nadurog na naman ako sa mga salitang 'yon. He's right. Mula noon hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Umaasa parin akong maangkin ang taong mahal ko na may mahal ng iba. Na pagmamay-ari na ng iba.
"S-sorry, Wade. Nag-aalala lang ako sa anak ko." Mabigat na huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Ngayong nagkita na kami ni Zev at kasama pa kita siguradong palagi ko na siyang makikita. Limang taon na kaming nagtatago sa kanya. Limang taon ko ng tinatago ang anak niya rito sa Batanes kasama ka"
Malungkot na sinulyapan ko ang entrada ng kusina. Rinig na rinig mula rito ang hagikhikan at tawanan ng anak ko at ng dalawang kambal.
"Nasisiguro kong makikita niya si Yvan, Wade. At 'yon ang kinakatakutan kong mangyari. H-hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at gagawin ko sa oras na magkita kami ulit lalo na kapag nakita niya si Yvan. Natatakot ako sa posibilidad na---"
"Shh, leave it to me, Yan yan." Pinigilan ako ni Wade sa nais ko pang pagsasalita ng hawakan niya ang kamay ko.
"Pero W-wade"
"Leave to me. Ako ng bahalang gumawa ng paraan ro'n. Besides kung wala man ako sa tabi mo kapag nakaharap mo na siya, I am sure that you'll face him confidently. You're strong and smart woman, Ynah. Huwag mong hayaang daigin ng takot ang puso mo"
Napayuko na lamang siya sa hiya. Napakaseryoso ng mukha ni Wade. Tila siya nito ginigisa sa oras na iyon.
Hanggang kailan ka nga ba magtatago sa sarili mong kadiliman, Ynah?
Hanggang kailan mo nga ba maitatago ang katotohanan sa kanya?
Hanggang kailan mo pahihirapan ng ganito ang anak mo?
Inis na napasabunot siya sa sarili. Ang dami daming katanungan na narito sa isip ko ngayon na walang mahahanap na kasagutan. Kulang pa ba ang limang taon na pag-iisip ko? Kulang pa ba ang limang taon sa paghahanap ng tamang sagot?
"Stop stressing your self. Matalino kang kaibigan at alam kong makakaya mong harapin lahat. Trust me" he said while pressing my hand. He's comforting me again. Ngumiti na lamang siya ng pilit kay Wade pagkatapos tumango.
"Mama! Dada!"
Sabay kaming napalingon ni Wade sa entrada ng Dining room ng marinig ang matinis na sigaw ni Limuel. Hawak hawak ang kulay berdeng water gun at isang karton na hiningi pa nito kay Nanay Sesa.
Natawa ako kanina ng tanungin ko ito kung aanhin nito ang karton. Yon pala ay gagawin nitong shield para maiwasan ang mabasa.
Napahalakhak na lamang ako sa kacute-an ni Limuel maging ang kakambal nitong si Lyle at ang anak ko ay nakisali narin sa kalokohan ng pinsan nito. Walang nagawa si Nanay Sesa kundi pagbigyan ang tatlong cute na bata.
"Why are you shouting young man?" Takang tanong ng ama nito. Hinagod ni Wade ang basang buhok ni Limuel at pinunasan ang basang noo ng anak.
Ke' aga aga e pinagpapawisan na agad sila. Sanay na sanay kasi ang tatlong 'yon sa malamig na lugar at hindi sila makakatulog ng mahimbing kapag hindi nakaaircon ang paligid. Jusko! Napakasosyal ng mag-pipinsan. Kung hindi lang sana ako nasa sitwasyong ito baka kung sumakit na ang ulo ko sa kakaisip.
"Someone's outside, Dada"
Kunot noong sumulyap kami sa tinuro ni Limuel. Mag-kaakbay na pumasok sa Dining area ang anak ko at si Lyle na may kanya kanya ring hawak na water gun. Gaya ng pinsan nitong si Limuel ay basang basa ng pawis ang noo at leeg ng mga ito na siyang kinangiwi ko.
"Yvan!" Napasimangot na lang ako ng makalapit ang anak ko sa akin. Hinagod ng kamay ko ang kanyang buhok bago pinunasan ang pawis sa kanyang katawan.
"Come here, Van. I'll put some towel on your back" Sinenyasan ni Wade ang anak ko na lumapit.
Mabilis naman itong yumakap sa baywang ni Wade. I face my son's cousin Lyle. Nilagyan ko ito ng pulbo sa katawan pagkatapos punasan ang basang basa nitong likod. Nangangamoy araw na silang tatlo. Alas singko palang ng umaga ng magising ang tatlong bubwit at nagsimula ng maglaro hanggang ngayong katatapos lang naming mag-aagahan.
"Sinong someone ang tinutukoy mo, baby?" Malambing na tanong ko kay Limuel. Nakaupo ito sa kanang hita ni Wade na abala sa pagpulbo kay Yvan.
"I dont know, Mama. I saw him outside. He said that he want to talked to Daddy and I let him enter" kibit-balikat na sagot niya.
Magsasalita pa sana siya ng makarinig ng pagtikhim sa entrada ng Dining room. Napatda ang bawat himaymay ng aking katawan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang taong nakatayo roon. Halos kumapos ang aking hininga ng magtama ang aming mata.
A playful smirked plastred in his lips that makes my heartbeat fast. Hiniling ko na sana bumuka ang lupa at lamunin ako sa oras na iyon.
Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makapagsalita ng maayos. Para akong tinuklaw ng ahas sa sobrang gulat.
"That's him, Mama. That's is someone I'm talking about" Limuel pointed the guy.
"Are you not happy to see me, Ynah?"
Ohh crap! Anong ginagawa niya rito?
Ayieshadienla||Veylicious
I S L A M A R S I E L L E
S E R I E S 1: Z E V
BINABASA MO ANG
Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓
Romantik{Warning: R-18 //Read at your Own Risk} ▪Erotic Romance ▪Seduce and Chasing ▪Billionaire's Love 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘢𝘮 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐𝘮 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶. ...
