Chapter 28

2.4K 54 11
                                        

"Congratulation, Ms. Assiniero. You're 4 weeks pregnant!"

Yan ang mgaa salitang nagpatigil sa pagtibok ng puso ko kasabay ng pagpigil ko ng aking hininga. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung makakaya ko ba ang buhay na malayo sa pamilya ko at malayo sa lalaking mahal ko. Pero may mas importante pa palang bagay na nais kong itanong sa sarili ko.

Kung makakaya ko kayang maging isang ina. Kung kakayanin ko kayang buhayin ang isang anghel sa sinapupunan ko. Kung kakayanin ko bang panghawakan ang pagiging ina sa anak ko.

Tatlong araw kong napapansin ang sintomas na ito. Mula sa pagsusuka ko sa umaga at pagkawala ng gana ko sa pagkain. I also notice about my cravings for food. Gaya ng ice cream na may galunggong at prutas na walang buto. Tuwing may hihilingin akong pagkain ay si Wade palagi ang pinupuntahan ko.

Minsan iniisip ko kung hanggang kailan ba ako ta-tratuhin ni Wade ng ganito. Hindi kaya mapagod siya pag-aalaga sa akin at sa magiging anak ko?

Siya nalang palagi ang takbuhan ko kapag may kailangan ako lalo na ngayong buntis ako. Dalawang linggo na'ko sa poder ni Wade ng makaramdam ako ng pagsusuka. Naging daan iyon ni Wade upang tawagan si Dr. Sandejas na siyang private doctor ng kambal.

"Yan yan?"

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses ni Wade. Hindi ko alam kung bakit 'Yan yan ang tawag niya sa'kin pero pinasawalang bahala ko nalang.

He is standing at my back. Nakasuot ito ng sweat pants at kulay asul na polo. Bakat na bakat ang namumutok nitong katawan sa suot na polo shirt.

"Are you thinking about your pregnancy thing again?" Kaswal na tanong ng binata sa kanya. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng sweat pants na para bang pini-flex nito harap ko ang matigas at maugat nitong braso.

Marahan akong tumango bago itinutok ang tingin sa dagat. Nakatayo siya sa veranda ng bahay ng binata na kaharap lang mismo ng malawak na dagat. She can also see the white sands and huge coconut tree down there. Gaya ng dalampasigan sa Isla Marsielle. She loves beach. Nagiging payapa ang pakiramdam niya kapag nakatingin sa banayad na dagat.

"I already told you, Yan Yan. Don't stress your self. Bawal sa kalusugan mo ang pag-iisip ng bagay bagay. I already talk to Dr. Sandejas and she gave me those vitamins for your pregnancy. You should take your meds everyday it's very important"

Inakbayan siya ni Wade sa likuran. Nakamasid ito sa dagat gaya niya. Mukhang nanggaling ito sa silid ng kambal. I smiled secretly when I remember the unique name of Wade's twin.  Lyle Ather and Limuel Atthan. What a nice name for Wade's twin. Iniisip ko din kung anong nababagay na pangalan para sa anak ko.

Should I call him Zevi or maybe Yvan. Paano kapag babae? Maybe I will named her Zenyah. Para malapit sa pangalan ng kanyang ama.

"Why are you smiling like that?" May bahid ng pagtataka ang boses ni Wade ng lingunin siya nito. Tiningala ko siya nakakunot noo ito habang nakatingin sa akin

"W-wala, wala naman" Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Come on, Yanyan. Alam kong may iniisip ka. Spill it out"

Huminga ako ng malalim. I walked towards the chair behinds us.

Tinulungan akong makaupo ni Wade doon. Sumasakit pa naman ang likod ko at balakang sa paglalakad kanina sa labas. Nakahiligan ko na kasi ang paglalakad bilang exercise sa umaga kaya ako napagod.

"Im thinking about my baby's name, Wade. A-ano kaya ang nababagay na pangalan para sa kanya?"

He let a deep sigh before answering her question."Kahit ano pang pangalan ang ibigay mo, Yan Yan. Your son will love it. Nandito lang ako para supportahan ka. We're blood related. Anak ni Zev ang nasa sinapupunan mo at bahagi na siya ng pamilya."

"Excited lang ako, Wade. Kahit apat nalinggo ko palang siyang dinadala. He/she will be my little angel" Marahan kong hinaplos ay di kalakihan kong puson.

Sa apat na linggong pagbubuntis ko ay napapansin ko paiba ibang mood wings ko. Maging ang balakang ko at katawan ay unti unting lumalaki. Sa tingin ko nga ang pangit pangit ko na. Puro lang kain ang inaatupag ko wala na akong ibang ginawa rito kundi kumain at matulog.

Natigilan ako sa paghaplos sa aking puson ng muling magsalita si Wade.

"Wala ka bang balak na ipaalam kay Zev ang pagbubuntis mo?"

Bumugtong hininga siya. "H-hindi ko pa alam, Wade. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin kay Zev ang pagbubuntis ko. Ang alam ko ngayon ay galit parin siya sa ginawa ko. Paniguradong masasaktan lang ako kapag sinabi ko pa ang pagdadalang tao ko."

Tumango si Wade at hindi na muli pang nagtanong. Yumuko ako para muling haplusin ang puson ko. Ang anak ko lang ang meron ako. Siya lang ang meron ako ngayon. At gagawin ko ang lahat upang hindi mahirapan ang anak ko.

"They got enggage last night"

Napawi ang ngiti sa mga labi ko ng marinig ang balitang iyon.

Ang sakit! Ptang ina ang sakit sakit pala. Akala ko unti unti ng nawawala ang sakit. Hindi pa pala. Nandito pa pala hanggang ngayon. Nakasiksik sa pinakasulok na bahagi ng dibdib ko.

"G-gan'on ba. A-ang saya siguro nila. Bagay naman talaga sila. Hindi gaya ko na m-manloloko at tanging pera lang ang i-importante para sa'kin. Alam kong sila ang nararapat para sa isa't isa, Wade at ako. Hindi ako nararapat sa kapatid mo" Mapait akong ngumiti sa kanya.

I heard him sigh, he pulled me close to him. Naramdaman ko nalang ang mainit na katawan ni Wade ng yakapin niya ako.

"Dont talk like that, Ynah. Hindi ka gano'n. Im willing to accept you. Huwa mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Nang dahil doon ay gumaling ang Nanay mo at nasa mabuti na siyang kalagayan. Don't ever say that. Do you understand?"

Hinaplos ng binata ang buhok niya para aluhin siya. Tumango ako ng maramdaman ang paglandas ng butil ng luha sa 'king pisngi. Hindi ko alam kung para saan ang luhang iyon. Kung para ba sa sarili ko o para sa anak kong maiipit sa komplikadong sitwasyon ko.

Mukhang ito na yata ang araw na sisimulan kong kalimutan si Zev. Kakalimutan ko siya kahit na tutol na tutol ang puso ko. This is for the better. Para sa anak ko. Para sa anghel na nasa sinapupunan ko.

Pipilitin kong kalimutan siya. Kalimutan si Zev Marsielle. Ang unang lalaking minahal ko ng sobra.

I'm starting to forget the memories we shared together. Kahit na masakit at tatanggapin ko. Para sa ikakasaya niya at sa magiging anak naming dalawa. At ito ang tamang oras at araw para kalimutan ko siya.




Mahal na mahal kita, Zev.












Ayieshadienla||Veylicious
I S L A  M A R S I E L L E 
S E R I E S 1: Z  E  V

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon