Chapter 32

2.1K 52 5
                                    

Napaunat ako ng katawan ng makababa sa kama. Sumusungaw ang sikat ng araw sa kurtinang nakahawi sa bintana.

Tanaw na tanaw ko sa labas ang asul na kalangitan. Siguradong alas-otso na ng umaga. Napasulyap ako sa katabing higaan ng mapansing lukot lukot iyon.

Siguradong nasa baba na siya.

Napangiti ako saka inayos ang pinaghigaan. Nang natapos kong mag-ayos sa kwarto ay nag-ayos narin ako ng sarili saka bumaba. Rinig na rinig rito sa ikalawang palapag ang ingay sa ibaba. Kusot kusot ko ang mata ng makasalubong ko si Wade na may hawak hawak na water gun.

Nakangisi pa ang loko sa akin ng tingnan ako nito. Kaagad akong napasimangot ng ituon nito sa akin ang dulo ng water gun.

"Sige, subukan mo! Sasapukin talaga kita" banta ko rito.

Hindi yata ito natakot sa sinabi ko ng bigla nalang akong mabasa ng tubig na nagmumula sa water gun.

Bwisit! Nagawa pa niya akong ngisihan at tawanan matapos ng ginawa niya.

"Hoy ano ba!" Sigaw ko kay Wade ng hindi ito tumigil sa pamamaril ng water gun sa mukha ko.

"Tss! You look stupid" ngumisi lang sa kanya ang binata.

Mabilis ko siyang tinalon para kunin ang hawak nitong water gun. Dahil sa laking lalaki nito ay hindi ko maabot sa kanya ang water gun. Panay lang ang iwas niya ng akma ko iyong kukunin.

"Siraulo ka talaga, Wade!"

"You look so ugly in that face of yours, Yan yan. Para kang ginahasa ng sampung katao" Mapang-asar na wika ng binata na siyang kinasimangot ko.

Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya sa braso. Maya maya pa ay sabay kaming nakarinig ng mga yabag at tiliin na nagmumula sa labas kaya napatuon ang pansin ko doon.

"Come on, chase me, little bro!"

Sigaw ni Limuel ang umalingawngaw ng makapasok ito sa loob. Sumunod na narinig ko ang sigaw ng isa pang kambal ni Wade na si Lyle na siyang may hawak ng bow at arrow. Tatawa tawa pa itong lumilingon sa likod niya. Kaagad akong napangiti ng pumasok ang ina-antay ko.

"Shot! S-shot you, Kuya Lim" sigaw ng anak ko. Hawak hawak nito ang kulay asul na water gun na may malawak na ngiti sa labi.

My little Yvan.

"M-mama? Daddy?"

Sabay kaming napalingon ni Wade ng tawagin kaming pareho ni Limuel. Puno ng pagtataka ang mukha nito na nakatingin sa amin ng ama niya. Pati na ang isa pang kambal na si Lyle ay nakatanga sa amin na para bang naguguluhan sa ginawa namin ng ama niya.

Napakalas tuloy ako ng tuluyan kay Wade ng wala sa oras. Shit! Na huli pa kaming dalawa. Sinulyapan ko ang anak ko ng pumila ito sa gilid ni Lyle. Muntik ko ng panggigilan ang matambok na pisngi ng anak kong si Yvan ng kumislap ang mata nitong nakatingin sa amin ni Wade.

"Y-yes, buddy. What is it?" Nahihiyang tanong ko kay Limuel. Lumuhod ako sa harap nilang tatlo. Sumunod na lumuhod si Wade sa gilid ko.

"What are you doing with my daddy, Mama?" Little Limuel asked on his curious tone. Nakakunot noo ang bata na bahagyang nakaawang ang pulang labi nito.

"Nothing, baby. Naglalaro lang kami ng Daddy mo." Paliwanag niya rito pagkatapos haplusin ang makintab na buhok ng bata.

Sinulyapan ko ang anak kong si Yvan, sinenyasan ko itong lumapit. Nangislap ang dalawang mata nito ng ibuka ko ang dalawang braso. Mabilis na tumakbo ang anak ko at yumakap ng mahigpit.

"M-mama!" Pumalupot ang maliit na braso ni Yvan sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng mayakap siya.

Rinig ko ang pagsinghot ng anak ko. He' smelling me again. Nakagawian na kasi ng anak kong amoyin ako tuwing yayakap ito sa akin.

"Do you have fun, baby?" malambing na tanong ko sa anak. Hinalikan ko ito sa gilid ng pisngi na kinahagikhik nito ng mahina. That's his soft spot.

"Opo, Mama. Play kami ni Kuya L saka Kuya LM" humiwalay ito sa pagkakayap sa akin. Nangingislap ang bilugang mata nito. Hindi ko tuloy maiwasang kurutin ang pisngi niya.

Nginitian ko ang kambal ni Wade na nakadungaw sa akin. Nakaabang ang nga ito sa akin. I signal them to come closer. Their eyes twinkled in excitement before they throw there self on me.

"Mama!" Sabay na sigaw nila at patakbong lumapit sa akin. Muntik na akong matumba ng sumunggab sila pareho ng yakap. Napatawa nalamang ako sa gesture ng dalawang kambal. I saw there father's face soften when he look at us. Alam ko kung anong iniisip niya ngayon.

Naghahanap ng presensiya ng ina ang dalawang kambal. Kaya wala akong magagawa kung ako ang napilian nilang tawaging ina. Simula ng makapagsalita ng maayos sila Lyle at Limuel ay ako tinatawag nilang Mama kahit pa hindi ako ang tunay nilang ina.

Nakakalungkot lang dahil masyado pa silang bata ng mawalan ng ina. Kaya tuloy nangangapa sila ng pagngangalaga at pagmamahal ng isang ina. Wala akong masasabi roon. Mabait ang kambal at mahal na mahal nila si Yvan. Tinuring nila itong nakababatang kapatid.

And it makes me happy everytime I saw the three of them, mukha silang magkapatid kung magkasama silang tatlo.

"Mama ko! Mama ko ito, Kuya L"

Humiwalay ako sa kanila ng umungot ang anak ko. Naipit pala ito sa gitna ng dalawang kuya nito. Nakabusangot ang mukha ng anak kong si Yvan. Hinahampas nito ang braso nila Lyle at Limuel na nakapulupot sa aking leeg.

"This is also my Mama, little Yvan. Mama Ynah is ours, ey" segunda ni Lyle sa anak ko. Gaya ng anak kong si Yvan ay nakasimangot ang mukha nito. Kuhang kuha ang mukha ng sariling ama tuwing nakasimangot lalong lalo na itong isang anak ni Wade na si Limuel.

Gayang gaya talaga nilang dalawa ang ugali at facial expression ni Wade. Mula sa pagiging seryoso hanggang sa pagkakasimangot. Napailing na lamang ako sa kanila. Sinulyapan ko naman ang magaling na lalaking nakaluhod katabi ko.

Nakangisi ito na para bang tuwang tuwa sa nakikita niya. Mukhang napansin yata ni Wade ang paninitig ko ng lingunin siya ng binata. Tumaas ang kilay ko sa kanya ng tumawa ito ng malakas.

Isa pa ito sa napapansin ko sa nakalipas na mga taon. Hindi na gaya ng dati si Wade. Kung dati, once in a blue moon lang kung masilayan ang ngiti niya. Kung ngi-ngiti naman ito noon ay sobrang creepy. Pero mula ng unti unting lumaki at nakapagsalita ang kambal ay nagbago siya.

Pareho nga kaming namangha ni Nanay Ada noong marinig namin ang masayang tawa ni Wade ng marinig nito ang unang salitang lumabas sa labi ni Lyle. 'Papa is Lyle's first word that makes his father laugh in joy.

Mula noon ay araw araw na nilang nasisilayan ang ngiti at naririnig ang tawa ng isang Tristan Wade Marsielle.

"That's enough, children. Let's go upstairs. Wag niyo masyadong stress-in ang Mama Ynah niyo at baka mas lalong pumangit" tukso nito ng tuluyan itong makatayo

Inalalayan siya nitong tumayo. Pinandilatan niya ang nakangising mukha ni Wade bago nito inakay ang tatlong bata pa-akyat. Para tuloy silang mag-amang tingnan.





Ayieshadienla||Veylicious
I S L A  M A R S I E L L E 
S E R I E S 1:Z  E  V

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon