Chapter 29

2K 48 3
                                    

"Hey are you ready?"

Bungad ni Wade sa akin ng mapansin ako nito sa gitna ng hagdan. Im wearing a floral dress, white doll shoes and white sling bag na ka bibili palang mismo ni Wade no'ng nakaraang araw. Hindi ko naman kasi inaasahang bibilhan niya ako ng ganoong klaseng bag na sobrang mahal ng presyo.

According to him, binili niya mismo ang bag na iyon sa mall na siyang nadaan niya from negotiating w/ one of his company member. Nagustuhan nito ang design kaya nito binili para sa'kin na nagustuhan ko naman.

Unang tingin ko palang sa bag ay alam ko ng mahal ito. Nainis pa nga ako no'n sa kanya dahil hindi naman dapat niya iyon ginawa. Ayoko lang kasing binibilhan niya ko ng kung ano ano, alam kong ako mismo ang may utang sa kanya at hindi siya pero siya itong panay ang bigay ng kung ano ano.

I dont have a choice but to accept the bag. Pinilit ba naman niya ako roon kaya ayun tinanggap ko nalang dahil for sure hindi ako titigilan ng lalaking to.

Hindi man nakangiti si Wade ngayon ay alam kong masaya siya. Araw ngayon ng pamamasyal namin sa bayan. Dalawang beses sa isang linggo akong pinapasyal ni Wade roon kahit na dito palang sa labas ng mansion niya ay nakakagala ako at nakakamasyal sa tabing dagat.

Iba parin naman kapag may nakakasalamuha kang maraming tao. And besides gusto ko ring mag-shopping sa mall at manood ng sine. The last time I check. Sinama ako ni Wade sa pamamasyal sa water park. Sobrang saya ko that time kasi first time ko palang na makapasok sa water park.

And I am sure na tuwang tuwa ang little angel na nasa tummy ko dahil napapakislot panga ito habang naroon kami.

"Pasensiya na kung natagalan ako" Paghingi ko ng paumanhin kay Wade. Inalalayan ako nitong makababa ng hagdan.

Magda-dalawang buwan narin akong narito sa Batanes. Pansin ko narin ang maliit na umbok ng aking tiyan.I cannot wait to see my little angel.

Excited na akong marinig ang unang iyak niya ang unang ngiti nga anak ko. Pero alam kong ilang buwan pa bago ko siya masisilayan. And I will treasure this moment of my life kahit pa wala pang alam si Nanay at Yannie sa nangyayari.

Ayokong malaman pa nila ang bubuntis ko. Saka na siguro. Saka na kapag may lakas na ako ng loob na harapin at sabihin sa kanila ang lahat. Sa ngayon iisipin ko muna ang kalusugan ko at ng anak ko. Ang pag-aalalaga sa sarili ko para sa anak ko.

Siya lang muna bago ang iba pang problema sa buhay ko.

"It's alright, Yan Yan. Ohh wait, Where do you want to go first?" Usisa ng binata sa kanya ng makababa na sila ng hagdan. Napansin ko pa ang kotse sa bungad ng pinto.

"A-ahm, ikaw sa'n mo ba gustong pumunta?" Balik tanong niya sa binata.

"Well, mas mabuti pa sigurong mamili muna tayo before we go shopping, Yan yan"

"Sige game ako!"

Nakasalubong namin si Nanay Sesa at ang dalawa pang katulong na dala dala ang dalawang kambal na anak ni Wade. Mukhang pinapa arawan nila ang anak ni Wade sa garden ng mansion. Ginantihan ko ng ngiti si Nanay Sesa ng ngitian ako nito. Lumapit kami ng bahagya sa kanila.

Inabot ni Wade ang kalong kalong ni Nanay Sesa na si Lyle. Napahikab pa ito ng kargahin ng kanyang ama habang ang isang anak ni Wade na si Limuel ay tulog na tulog. Ang cute talaga ng kambal. Ang sarap kagatin ng matambok na pisngi nila.

"Mamamasyal na naman ba kayong dalawa?" Nakangiting tanong ni Nanay Sesa sa kanila. Lumapit ako ng bahagya sa isang anak ni Wade na siyang karga karga ng isang kasambahay.

Nakangisi kong dinutdot ang matambok na pisngi ng natutulog na si Limuel.

Wahhh! Ba't ba kasi ang cute cute ng anak ni Wade. Naiinggit tuloy ako sa genes niya. Sana ganyan din ka cute ang anak ko para naman hindi ko na panggigilan 'tong anak niyang si Limuel.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon