Epilogue

3.4K 83 25
                                    

Napangiti ako ng tuluyan akong makaupo sa upuang kawayan kaharap ng malawak na karagatan. Sumasayad sa buhangin ang paa ko kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin sa aking mukha at katawan.

Ilang taon na nga ba ang lumipas?

Sampung taon?

Dalawampung taon?

Nakakamiss pagmasdan ang ganitong tanawin.

Nakakamiss amuyin ang sariwang hangin rito sa Isla Marsielle. Ang isla kung saan ko nakilala ang lalaking minahal ko noon at mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Sa isla kung saan ako nangakong magiging masaya kasama niya.

Si Zev.

Kaagad akong napangiti ng dumaan sa aking gawi ang ilang empleyado ng isla. Sabay sabay nila akong binati at kinawayan bilang paggalang. May ngiti sa labi na binati ko sila pabalik.

Tanaw ang malawak na karagatan ay muling nanumbalik sa isipan ko ang alaala ng nakaraan. Alaala ng nakaraan kung saan napadpad ako dito sa isla at nakilala si Zev. Ang asawa ko, ang lalaking minamahal ko.

It's been what? 4 years since we got married. 4 long years since I finally admit to my self that Im finally his. Im his wife and he owns me. I'm already Zev's wife.

Ang sayang isipin na ang lalaking pinapantasya ko lang noon, ang lalaking binalak kong pa-ibigin dahil sa isang kasunduan ay asawa ko na ngayon. Apat na taon na kaming kasal ni Zev, and we're celebrating our 4 years wedding anniversary here in Isla Marsielle.

Dito sa isla kung saan mraming alaala ang nabuo sa pagitan naming dalawa. Sa isla kung saan nahulog ang loob namin sa isa't isa. Sa isla kung saan naging saksi ng pag-iibigan naming dalawa ni Zev.

Marami ang nagbago. At mas lalo pa kaming pinatatag ng panahon. Lexi, his ex-fianće is already married to someone.

Sikat na sikat ang kasal nilang dalawa ng asawa nitong isang director. Sa pagkakaalam ko ay Caspian Eldrod ang buong pangalan ng asawa niya. He's a Holywood Director at isa namang sikat na modelo si Lexi kaya hindi nakakapagtakang umani ng ilang million na views ang video sa kasal ng mga ito sa youtube.

Im happy for them. Lalo na kay Lexi. She became more formal and sophisticated. Lalo na't buntis ito ngayon ng Limang buwan. 2 years ago ay nakatanggap ako ng tawag mula sa manager nito. Nais pala niya akong kausapin.

Nagkausap kami ng mahigit isang oras. Humingi siya ng paumanhin sa lahat ng kasalanang ginawa niya. And I accepted it happily. Spoiled brat pa siya ng mga panahong yon.

Gusto ko rin namang magka ayos na kaming dalawa.

Lalo na't may kanya kanya na kaming buhay. She's having her own family and I'm have mine.

"Sweetheart?"

Kagyat na napahinto ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ang malambing na boses niya mula sa aking likuran. I swift my attention to him. He's looking at me lovingly. Nababakasan sa kislap ng mga mata niya ang pagmamahal habang nakatingin sa akin.

Ginantihan ko siya ng matamis na ngiti. "Z-zev"

He walk towards me. Bawat hakbang niya palapit ay mas lalong dumagdag sa pag-tibok ng puso ko ng napakalakas. Gosh! Yan ang epekto niya sa akin. Kahit kailan napakalakas ng epekto ni Zev sa akin. He had those looks again. Gaya ng dati ay walang pinagkaiba ang tingin ng asawa ko sa akin.

He's looking at me like Im the most beautiful woman in his eyes.

Bawat ngiti niya, haplos, tingin ay mas lalong nagpapabaliw sa akin. Mas lalo ko siyang minahal dahil roon.

"What are you doing here, sweetheart?" He kissed my forehead before he hug me. Nasa likuran ko siya at yakap yakap niya ako.

We're watching the beautiful view in front of us. Nagsisimula ng lumubog ang araw sa silangan. Kumikinang ang kulay kahel na araw sa asul na karagatan. Kasabay ng paglipad ng nga ibon sa asul na kalangitan at pag ihip ng may kalamigang hangin.

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon