Chapter 26

2K 40 0
                                    

Awang ang nga labing sinuyod ko ng tingin ang buong paligid. Sobrang ganda ng bahay ni Wade o bahay nga bang maitatatawa iyon dahil sa laki nito. Kasing laki at kasing lawak nito ang mansion sa isla.

Sa tingin niya ay mas malaki nga yata ang mansion sa isla dahil tatlong palapag iyon samanthalang dalawang palapag lang ang mansiong ito.

Magda-dalawang linggo na mula ng lisanin niya ang isla kasama ang binata. Dalawang araw na siyang malayo kay Zev. Naalala pa niya kung paano siya nito pinasakay sa nag-aantay nitong yate di kalayuan sa pwestong unupuan nila noon. Isinama siya ni Wade sa Batanes kung saan naroroon ang mansion nito at kung saan naro'n ang dalawang kambal. Ang kambal na anak ng binata.

"Nanay Sesa!" Sigaw ni Wade sa likuran ko.

Mula sa kung saan ay lumabas ang isang matandang babae na sa tingin ko'y nasa sisenta't kalahati ang edad. Humahangos itong lumalapit sa aming pwesto. Mukhang nasa sisenta anyos na ang gulang nito base sa kanyang mukha at galaw.

"Senyorito! Kayo ho pala." bati ng matandang babae sa kanila ng makaharap sila nito. Bakas sa mukha ng matandang babae ang pagkagulat ng makita sila lalo na siya.

Nasa harap ko ngayon si Wade para kausapin ang babae. Dala dala pa ng binata ang bagahe niyang ito pa mismo ang kumuha sa mismong silid niya sa isla. Ayon kay Wade ay inutusan nito si Melanie para kunin ang lahat ng gamit niya.

"Hindi ko inaasahan ang pag-uwi mo, Senyorito. Buong akala ko ay sa susunod pang mga linggo ang balik mo rito sa mansion" wika ng magandang babae na nasa kanya nakatutok ang nagtataka nitong mukha.

Matamis siya nitong nginitian kaya sinuklian niya iyon ng pilit na ngiti. Mukhang mabait naman ito.

"Im sorry for not informing you, Nay."

"Ano ka ba, iho. Ayos lang iyon. Inaalala ko lang ang mga anak mo."

"Kamusta sila? Ang kambal?" Nilapag ni Wade sa sahig ang maleta niya na siyang kinuha ng isa pang katulong na nasa likuran ni Nanay Sesa.

"Maayos ang kalagayan nila, Senyorito. Malusog na malusog ang pangangatawan nila. Kaso ngalang pagsapit ng alas kwatro ng umaga ay siyang pag-iyak nila ng sabay. Alam kong naghahanap sila ng kalinga ng isang ina, Senyorito" malungkot ang boses ng matandang babae.

Rinig ko ang  pagbugtong-hininga ni Wade sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa kamao niyang nakakuyom. For sure pinipigilan na naman ni Wade ang emosyon niya. Hindi ko mapigilang hawakan ang kamay niyang iyon.

Lumingon siya sa'kin. Nakita ko kung pa'no siya kumalma sa ginawa ko.

"Bibisitahin ko sila mamaya sa itaas, Nay. By the way, this is Ynah Assiniero. She's my friend" pakilala ng binata sa kanya.

"Naku! Kinagagalak kong makilala ka, hija. Ako nga pala si Sesa. Nanay Sesa nalang ang itawag mo sa'kin" tuwang tuwa na nakipagkamay sa kanya ang matanda na siya ring tinanggap niya.

"A-ako rin po. Masaya po akong makilala kayo, Nanay Sesa" malugod natinggap ang pakikipagkamay nito.

Mula sa kung saan ay lumabas pa ang ilang kasambahay. Nasa limang kasambahay sila kasama na ang kasambahay na kumuha ng bagahe niya.

"This is Ynah Assiniero everyone. Simula ngayon ay dito na siya titira kaya inaasahan kong patutunguhan niyo siya ng maayos" seryosong hinarap ni Wade ang lahat ng kasambahay nito.

Yumuko ako sa kanila bilang pagbati. Ilang sandali pa ay nagsibalikan na sila sa kani-kanila nilang trabaho.

"Ihahanda ko lang ang pananghalian niyo, Senyorito. Paniguradong napagod kayo sa mahabang biyahe. Lalo ka na hija. Napapansin kong pagod ka at nangingitim ang ibaba ng iyong mata. "

"H-hindi naman po. Salamat po sa pag-aalala"

"Ohh siya at ako'y aalis na." Magalang na yumuko si Nanay Sesa bago ito umalis. Mukhang sa Kitchen area ang punta nito.

"Come with me, Ynah. Nanay Sesa is right. You need to take some rest"

Nauna ng naglakad paakyat sa ikalawang palapag ang binata. Sumunod ako kay Wade. Pinilit kong pagtuonan ng pansin ang paligid. Kahanga-hanga  ang ganda ng disenyo ng bahay ni Wade. Siguradong siya ang nagdisenyo nito. Magaling siya sa arkitektura lalo nasa sining.

Nang makarating kami sa itaas ay dumiretso si Wade sa dulong bahagi kung saan naroon ang kulay asul na pintuan. May apat na silid ang ikalawang palapag. Siguradong silid iyon ng kambal. Pinihit ni Wade ang seradura ng pinto.

Bumulaga sa aking pagpasok ang kabuoan ng silid. Kulay asul ang pinta ng dingding maging ang tiles ay kulay asul din. Meron ring kulay puting mga bagay at laruan na naroon.

Ngunit ang naka agaw ng pansin sa akin ang malaking kama. Naunang siyang lumapit sa kama ng kambal. Sinundan ko siya at doon ko nakita ang payapang pagtulog ng dalawang sanggol na lalaki. This must be his twins.

Payapang payapa ang tulog ng dalawa. Para itong mga anghel sa sobrang payapa ng mukha. Kuhang kuha talaga ang lahat kay Wade. Mula sa pilik mata, sa ilong, sa labi hanggang sa kulay ng balat. Ang ganda talaga ng lahi nila kaya hindi ako magtataka pa kung ganito kacute at kagwapo ang apo ni Senior Yhuan.

"Ang cute nila!" hindi ko maiwasang magkomento. Totoo naman talaga nasa tatlong taong gulang palang ang anak ni Wade pero sobrang lusog na nila.

Napangiti ako ng mapansin ang isang anak ni Wade. Para itong nakangiti, nasa bibig ang isang daliri habang ang isa naman ay tila nakasimangot ang mukha habang natutulog. No wonder kung paglaki nito ay gayang gaya nito si Wade na sobrang seryoso.

"They are the most precious gift I receive from god, Ynah" mahinang ani ni Wade sa kanya. Titig na titig ito sa dalawang kambal.

I saw how his lips turn into a smile while looking at his two sons. Ang ngiti nito ay gaya ng mga ngiti nito noon kung saan nito sinabi ang lahat sa kanya. Iyon ang nakikita niya ngayon. Wade kissed the twins forehead.  Maya maya ay umaayos ito ng pagkakatayo.

"Come, Ynah. You need to rest." Hinila ako ni Wade palabas ng silid.

Nagpaubaya ako. Until we reach in the middle. Kinapa nito ang bulsa nito at nilabas ang susi.

"From now on this will be your room, Ynah. You'll stay here until you moved on. Zev is not worth it for your love, Ynah. Hindi mo kasalanan kung hindi siya nakinig sayo sa paliwanag mo. From now on, ako na ang mag-aalaga sayo. Hanggang sa nais mo ng bumalik sa pamilya mo" sinserong hinarap siya ni Wade.

Hinila niya ang kamay kong nakapirmi saka nito nilapag sa aking palad ang isang susi.

"S-salamat, Wade. Maraming salamat sa pagtulong mo sa'kin kahit na niloko k-ko ang kapatid mo. Maraming salamat"

Gusto ko na namang umiyak. Hindi dahil sa lungkot na nararamdaman ko ngayon kundi sa pasasalamat ko kay Wade. Ang laki ng naitulong niya sa akin. Kung hindi dahil  sa kanya ay hindi ako nakaalis sa isla. Hindi ko alam ang gagawin kung sakali man.

"Take some rest, Ynah. Ipapatawag kita mamaya para kumain." 

Ginulo ni Wade ang buhok ko saka ngumisi. Nginitian ko siya pabalik saka tumango bilang pagsang ayon. Pumasok ako sa loob ng silid buhat buhat ang gamit ko para magpahinga.




Ayieshadienla||Veylicious
I S L A  M A R S I E L L E
S E R I E S 1: Z E V

Isla Marsielle Series 1: ZEV | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon