Suho's POV
Habang nagsasalita si Sir sa unahan, pasimple kong tinitignan si Suzy tuwing napapatingin naman sya sa akin ay iniiwas ko ang tingin ko
Tinignan ko naman yung mga ibang kalaban ko
Yung isa, si Park Chanyeol ay hindi nakikinig sa sinasabi ni Sir, patago syang naglalaro sa Cellphone nya
Si Bang Minah naman, napapansin kong medyo napapapikit na, antok na antok na sya
Seryoso ba talaga ang mga ito na tatakbo sila bilang student council president?
Napatingin ulit ako kay Suzy at may katext na sya, dahil na rin malinaw ang mga mata ko ay nakita ko kung sino ang katext nya
Si Sehun..
"Hoy! Nakikinig ba kayo sa mga sinasabi ko?!" biglang sigaw ni Sir, napatingin ako bigla sa mga reaksyon nung iba
Si Park Chanyeol ay nagulat kaya nailaglag nya yung Cellphone nya sa sahig, ang masaklap pa nito ay nakataob ito
"F*ck!" sigaw nya nung nalaglag ito
"Anong sabi mo?! Nagmumura ka ba? Ang isang candidate para sa Student Council President ay hindi dapat nagmumura"
"Hi-hindi po, ang sasabihin ko sana Sir ay, ay Fuckcute pa kayo, Hue-hue-hue"
Si Bang Minah naman ay biglang nagising, mukhang hindi nya na kaya ang antok at tuluyan ng nakatulog habang nagsasalita si Sir kanina
Si Suzy naman ayun parang walang narinig at nakikipagtext pa rin
"Ms. Bae akin na yang Cellphone mo! Text ka ng text dyan!" nagulat naman si Suzy nung biglang lumapit sa kanya si Sir at kinukuha ang Cellphone nya
"Kunin mo na lang sa akin to pagkatapos ng meeting natin! Hmmph!"
Napairap na lang sya at sumandal na ulit sa upuan nya
Naomi's POV
"10"
"9"
"8"
Andito parin ako sa room, napatingin ako kay May na parang tanga na nagcocountdown mag-isa
"Huy! Bakit ka ba nagcocountdown?" tinignan nya lang ako at nagpatuloy sa pagcocountdown
"7"
"6"
"5"
kinuha ko ang notebook ko at binato ko sya kaya napahinto sya sa ginagawa nya
"Bakit ka ba nagcocountdown?"
"Ok, class dismiss" bigla namang nagsalita si Ma'am na ikinatuwa ng lahat, lumapit sa akin si May at sinabing
"Gets mo na kung bakit ako nagcocountdown?" may tama talaga ang babaeng ito, pati sa uwian nagcocountdown
"Hayszxt, ewan ko sayo" sabi ko sabay labas ng room, gusto kong puntahan si Suho!
Habang papunta palang ako sa Student Council Room ay natatanaw ko na agad si Suho
Kinawayan ko sya pero hindi nya ako nakita
Nakita ko naman na may lumabas na impakta mula sa Student Council Room
Anong ginagawa dun ni Suzy?!
Sunod namang lumabas yung dalawa pang makakalaban nila
"Suho!" tawag ko sa kanya nung papalapit na ako, pero hindi nya ako narinig, ngayon ko lang napansin na may kausap pala sya sa cellphone, agad akong nagtago sa may garden malapit sa Student Council Room
Buti na lang at malakas ang pandinig ko kaya naririnig ko ang mga sinasabi nya
"Pupunta ka dito?"
"Great! Tapos na rin naman ang meeting namin kaya pwede ka ng pumunta dito"
Sino kayang kausap nya?
"Ok, sige bye na muna Babe"
Bye na muna Babe
Bye na muna
Bye na
Bye
Medyo kumirot ang puso sa mga narinig ko
Kelan pa sya nagkagirlfriend?!
Dahil na rin sa mga narinig ko ay umalis na agad ako sa garden at napagdesisyunan nang umuwi na lang...
Suho's POV
Sa wakas natapos na rin ang meeting namin, nung nakalabas na si Sir ng room ay lumabas na din agad ako dahil tumatawag si Hyeri
"Hello? Bakit ka napatawag Hyeri?"
"Balita ko, makakalaban mo daw si Suzy sa Positon para sa Student Council President? Totoo ba?" ang bilis talaga ng mga balita ngayon, umabot na agad kay Hyeri
"Oo, bakit?" bigla namang lumabas si Suzy ng room
May naisip akong plano!
"Pupunta ka dito?"
"Huh? Hindi no! Marami pa akong gagawin ngayon!" napansin kong napatingin sa akin si Suzy
"Great! Tapos na rin naman ang meeting kaya pwede na ng pumunta dito"
"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo?!"
"Ok, sige bye na muna Babe"
Pasimple kong tinignan si Suzy at nakasimangot na sya, konti na lang, mapapaghiwalay na namin sila ni Sehun
Lumayo ako sa lugar na yun at nagpunta sa CR, kinausap ko ulit si Hyeri
"Hello? Andyan ka pa Hyeri?"
"NAKADRUGS KA BA?! ANO BANG PINAGSASABI MO KANINA?!"
"Sorry na, lumabas na kasi ng room si Suzy kaya naisip kong gawin yun"
"HAHAHAHAHAHAHA, kaya pala, osige bye na marami pa akong gagawin" pinatay na nya agad yung call pagkatapos nun
Naomi's POV
Pag-uwi ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni mama, pinagbuksan pa nya ako ng gate at ngiting ngiti sya ngayon
"Ang saya mo yata ngayon ma?"
"May bisita tayo anak!"
"Sino naman yun ma? Boyfriend mo?!" pabiro kong tanong sa kanya kaya hinampas nya ako bigla
"Aray!"
"Boyfriend ka dyan! Mahal na mahal ko parin ang tatay mo kahit patay na sya no!"
"Kung ganun sino ang bisita natin?"
"Chorong! Halika nga dito, ipapakilala kita kay Naomi" lumabas naman ng bahay namin ang isang babaeng nakabangs
"Sino sya ma?"
"Magpinsan kayo Naomi, anak sya ng Tita Grace mo, kapatid ng tatay mo!"
"I'm Chorong, nice to meet you Naomi!" inabot nya sa akin ang kamay nya
"I'm Naomi, nice to meet you too" kinuha ko ito at nakipagshakehands
-------
VOTE & COMMENT Please :)
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...