IKADALAWAMPU'T LIMANG KABANATA

353 13 2
                                    

"Uhh, ok lang?" sagot ko sa kanya, ano kaya ang nakain nito at kinausap na ako ngayon? Haiszxt ang awkward ng nararamdaman ko ngayon

"Pwede ba tayong mag-usap?" nagnod ako pagkatapos ay hinawakan nya ang braso ko at hinila nya ako papunta sa may cottage sa tabi ng pool

"Umm, ano bang gusto mong pag-usapan?" sabi ko habang nakayuko, hindi ako komportable na mag-uusap na kami ulit

"Ahh"

"Ahh?" napakamot sya sa ulo nya bago nagsalita ulit

"Hindi ko alam eh" pinakita ko sa kanya ang aking poker face bago ako nagwalk-out

"Uy teka lang naman!" sinundan nya ako at hinila pabalik sa cottage

"Bakit ka pa kasi makikipag-usap sa akin kung hindi mo alam yung pag-uusapan? Ano to? Lokohan? Yung totoo? Nakadrugs ka ba?" pasigaw kong tanong sa kanya pero natawa lang sya

"Anong nakakatawa?" tanong ko ulit

"Hindi ka pa talaga nagbabago Naomi! Una sa lahat, hindi ako nakadrugs at hindi rin ako nakikipaglokohan! Ang totoo ay.." Wow, kung makipag-usap sya sa akin ngayon parang walang nangyari sa amin 1 month ago, hindi man lang sya naa-awkward

"Ang totoo ay?" bumuntong hininga muna sya bago sya nagsalita

"Ang totoo ay pinilit lang ako ni Krystal na kausapin ka, totoo ba na alam mo na?" Haiszt, si Krystal talaga oh, number 1 fan ng OTP namin

"Anong alam ko na?"

"Totoo ba na alam mo na yung pagpapanggap namin ni Hyeri?" Oh! Yun pala ang tinutukoy nya

"Uhh, yun pala ang tinutukoy mo, oo alam ko na"

"Kelan pa? Pasensya na kung hindi namin sinabi sayo ni Hyeri ha?" Tumungo sya saglit pagkatapos ay tinignan nya ako ng diretso sa mata, napatingin tuloy ako sa labi nya pababa sa leeg nya at dibdib

"Huy! Ok ka lang? Baka naman matunaw na ako sa titig mo sa akin ah! Pinagnanasahan mo na naman ako!" sabi nya sabay tawa, hindi ba talaga sya naawkward? At nakakapagbiro pa sya sa akin?

"Hoy! Hindi ah! Ano nga bang sinabi mo kanina?" sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso nya, napakamot naman sya sa ulo nya

"Ang sabi ko, Sorry kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa amin ni Hyeri!" napatingin naman kami sa mga naglalakad malapit sa cottage, rinig na rinig namin dito ang pinag-uusapan nila

"Ang gwapo talaga ni Ser Suho no? Hihi" sabi nung isang babae

"Oo nga! Gurl kilig much! Pero teka sino yung babaeng yun? Don't tell me girlfriend nya yun?" sabi naman nung isang bakla, nagtatrabaho sila siguro dun sa restaurant nina Suho

"Hindi naman siguro! Baka bagong katulong lang nila yun!" Aba! Ako? Katulong? Mukha ba akong katulong? Grabe naman

"Haiszxt, wag mo na lang pansinin ang mga yun! Ganun talaga sina Tala at Andi" Wow! Ganda ng name nila, pag pinagsama mo ang mga pangalan nila, TalAndi ang kalalabasan

Bigla naman nagring yung cellphone ni Suho na nasa bulsa nya, waterproof ba ang cellphone nya? Galing na sya kanina sa beach ah? Bago pa nya nasagot yung tumatawag ay naputol na ito

"Sino yung tumawag? Si Krystal ba?"

"Hindi ehh, hindi nakasave sa akin yung number nung caller"

"Ah ok" Ilang minuto ang lumipas na purong katahimikan lamang, naawkward na rin suguro sya

"Ah uwi na ako ha? Marami pa kasi akong gagawin!" Haiszxt, kahit wag ka nang bumalik forever! Ok lang, XD

Sehun's POV

"Love! Pakikuha naman ng cellphone ko sa kwarto please!" utos sa akin ni Suzy habang nanonood ng TV, haiszxt kelan kaya matatapos ang kakautos nya sa akin? Parang hindi na yata ako boyfriend, katulong na yata

"Opo madam utosera" pang-aasar ko sa kanya

"Anong sabi mo?" tanong nya habang nakafocus parin sya sa pinapanood nyang Spongebob Squarepants

"Wala, ang sabi ko po kukunin na" sabi ko sabay pagkatapos ay umakyat na ako ng hagdan at punasok sa loob ng kwarto nya at nakita ko ang cellphone nya na nasa kama nya

Binuksan ko ito, naisipan kong tignan kung anong laman ng gallery nya, pagbukas ko ng gallery nya nakita ko ang napakarami nyang selfie, merong wacky, look-up at merong pa stolen shot pa, may nakita din akong picture ko na natutulog kaya napangiti ako

Sunod kong pinuntahan ang Logs nya at nagulat ako sa mga nakita ko kaya agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan

"Ano to?!" tanong ko sa kanya habang nakafocus parin sya sa pinapanood nya

"Cellphone! Common sense naman Sehun"

"P*tcha naman! Tumingin ka kase!" sigaw ko sa kanya kaya napatingin sya sa cellphone nya at nanlaki ang mga mata nya

"Le-let me explain!"

"Bakit mo sya tinatawagan?!" tanong ko sa kanya, tumayo sya at akmang lalapit sa akin

"Wag kang lalapit sa akin hangga't hindi mo pa nasasagot ang tanong ko" sabi ko sabay atras sa kanya papalayo

"Sabihin mo ang totoo? Mahal mo pa ba sya?! Minahal mo ba talaga ko?" tanong ko sa kanya pero nakatungo lang sya at umiiyak

"Sumagot ka!"

"Oo na! Mahal ko parin sya! Masaya ka na?!"

****

VOTE & COMMENT Please :)

-UaenaXOXO

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon