"Maganda ka Naomi, sa tingin ko bagay kayo ng kapatid ko"
Dug dug
Ano daw? Bagay daw kami ni Suho? Tama ba yung narinig ko?
"Ano pong sabi nyo?" sabi ko kay Kuya Siwon habang kinakamot ko yung leeg ko
"Ang sabi ko"
"Bagay kayo ng kapatid ko" tumingin ako kay Suho at tumingin rin sya sa akin at kinindatan ako, agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya
"A-ah ok, ipagtitimpla ko lang po muna kayo ng juice he-he dyan lang kayo" sabi ko kay Kuya Siwon pagkatapos ay pumunta na agad ako sa kusina
Pagkatapos kong magtimpla ng juice ay bumalik na agad ako sa living room kung saan nandun si Suho kasama ang Kuya nya
"Oh, thank you" sabi sa akin ni Kuya Siwon nung inabutan ko sya ng juice
"Nasaan ang mama mo saka si Chorong?" Tanong sa akin ni Suho
"Namamalengke sila, hindi na ako sumama dahil mabobored lang ako saka baka magulo pa yung budget pa pag sumama ako, alam mo naman na magastos ako haha"
"Ah ok"
"Alam mo ba Naomi na lagi kang nakukuwento sa akin ni Suho? Akala ko nga nung una magkarelasyon na kayo" Tumingin sa akin si Suho at nginitian ako pagkatapos ay nagpeace sign
Shit. Bumibilis ang tibok ng puso ko
"Lahat yata ng nakwento nya sa akin ay tungkol sa'yo, ikaw pa lang ang babaeng naikwento at napakilala nya sa akin" Tama na. Kinikilig na 'ko
Tumingin naman ako kay Suho na pasimpleng tumatawa. Humanda ka talaga sa gagawin ko
"Hindi po ba nakwento ni Suho sa inyo si Suzy?" biglang tumingin sa akin si Suho at pinanlakihan ako ng mata
"Who's that?" tanong sa akin ni Kuya Siwon
"Ah-eh, kaibigan ko lang yun kuy--"
"Ssh! Hindi ikaw ang tinatanong ko" natawa ako ng mahina nung biglang hindi natuloy yung sinasabi ni Suho dahil tinakluban ng kuya nya yung bibig nya
"Sige Naomi, sabihin mo sa akin kung sino si Suzy" Tumingin muna ako kay Suho bago ako magsalita, umiiling-iling lang sya sa akin
"Ahh yun po yung first girlfriend ni Suho, matagal na po silang hiwalay"
"Walang nakukuwento sa akin si Suho tungkol dyan, palibhasa kasi ikaw lagi ang kinukwento nya" Shet. Sabi ng tama na eh
"Ah he-he ok po, alam nyo rin po ba na nagmumura na rin si Suho?" Tumingin ako kay Suho na nakapoker face na
"What?! Suho kailan ka pa natutong magsalita ng bad words?" Nagulat ako ng biglang tumaas ang boses ng kuya nya
"Hindi ko a-alam kuya! Matanda na ako, hindi na ako bata kaya normal lang na matuto ako ng bad words" kabadong sagot ni Suho sa kuya nya
"Kahit na! Magkwento ka pa nga ng mga kalokohan nitong kapatid ko Naomi" Hahaha. Kalokohan ni Suho? Sige marami akong alam pag dating dyan
Bigla namang may kumatok sa pinto
"Naomi! Buksan mo yung pinto, Si Chorong 'to" sigaw ni Chorong mula sa labas ng pinto
Tumayo ako at agad silang pinagbuksan ng pinto, nakita ko si Chorong at si mama na maraming dalang pinamili, kinuha ko yung ibang plastic bag at dinala ito sa kusina pagkatapos ay bumalik ako sa living room
"Oh, may bisita ka pala Naomi. Sino yang kasama mo Suho?" tanong ni mama kay Suho
"Ah, kuya ko po kakauwi lang nya galing sa New york kahapon" sabi ni Suho kay mama
"Eh anong ginagawa nyo rito ng ganito kaaga? Namamanhikan ka na ba Suho?" nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni mama, tumingin ako kay Suho at tumingin rin sya sa akin. Shit, nag-iinit na yung pisngi ko
"Mama naman eh!"
"Joke lang naman! Ajujuju, kinilig ka naman agad?" Hys.
Narinig ko namang tumawa si Kuya Siwon at Chorong sa reaction naming dalawa ni Suho
★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆
"Ahh uuwi na kami Naomi ha? Marami pa kasi kaming pupuntahan ni Kuya" mabilis lumipas ang oras, yung dalawang oras na nandito sila ay parang minutes lang
"Salamat nga po pala Tita sa pagkain, aalis na po kami" sa loob ng dalawang oras na yun ay marami kaming napagkwentuhan, sumama na rin si Mama at Chorong sa kwentuhan namin
"Sus, basta para sa'yo na future asawa ng anak ko" biro ni mama kay Suho
"Ma naman eh!" sabi ko kay mama sabay hampas sa braso nya, nagbablush na naman ako
"Sus, joke lang eto naman oh" sabi ni mama sa akin pagkatapos ay nagpunta na sya sa kusina, narinig ko namang tumawa si Chorong ng mahina
"Ano bang kinain ni mama kaninang almusal at ganito na lang nya ako pagtripan?" tanong ko kay Chorong, ngunit hindi nya ito narinig dahil sinusundan nya ng tingin sina Suho habang papalabas ng gate
"Uy! Crush mo yung kuya ni Suho no?" tanong ko kay Chorong
"Huh? Ako? May crush sa kuya ni Suho? Haha, hindi no" pagtanggi ni Chorong sa akin pagkatapos ay tumayo sya at nagpunta sa kwarto nya
Tsk, napaka-defensive talaga nya kaya lalong nahahalata eh
3rd person's POV
"Kamusta na yung pinapagawa ko sa'yo kuya?" tanong ni Suzy sa kuya nya
"Ilang beses ko nang tinakot si Naomi pero mukhang wala talaga syang balak layuan si Suho, kung ako sa'yo maghanap ka na lang kasi ng iba dya--" naputol ang sinasabi nya ng bigla syang sampalin ni Suzy
"No! Ayoko, si Suho lang ang gusto ko!" nakahawak parin sya sa pisngi nya habang nagsasalita si Suzy
"Tama na Suzy! Hindi ka nya mahal" diniinan nya talaga ang pagkakasabi nya dun para naman matauhan si Suzy pero lalo lang itong nagalit
Sunod-sunod na hampas sa dibdib ang natanggap nya mula kay Suzy
"I hate you! I hate you Kuya!" hinawakan si Suzy ng kuya nya sa braso para patigilin ito
"Gusto kong paghiwalayin mo silang dalawa as soon as possible or else sasabihin ko kay Mama ang mga pinaggagagawa mong kalokohan dito" nagulat ito sa mga sinabi ni Suzy
"Anong pinagsasasabi mo?" tanong nya kay Suzy
"Oh come on, wag ka ng magmaang-maangan pa, alam kong kasali ka sa isang fraternity at palagi ka pang umaabsent" nanlaki ang mata nito sa mga narinig nya
"Oh sige, anong plano mo para paghiwalayin sila?" tanong nya kay Suzy, nagsmirk naman si Suzy nung napapayag na nya ang Kuya nya
★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★*゚*☆
Hello! Kamusta naman yung chapter ngayon? (≧◡≦)
Vote & Comment Please (︶▽︶)
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...