Suho's POV
"Kanina ka pa dito?"
"Oo, tara na?" andito ako ngayon sa isang bubble tea shop, kasama ko si Hyeri
"Salamat ha? At pumayag ka" ngumiti sya sa akin
"Ok lang yun, teka saan ba tayo pupunta?"
"Basta"
------
Nandito kami ngayon sa Dai5y Restaurant, ito daw ang paboritong restaurant nila ni Sehun, inaasahan namin na makikita namin sila dito
"Sigurado ka ba dito? Baka mamaya sarado na itong restaurant wala pa sila?"
"Trust me, hindi kompleto ang araw nun pag hindi sya nakakain dito" kilalang kilala nya talaga si Sehun no?
"Sige"
After 30 minutes
"Hyeri, wala parin sila! Umalis na kaya tayo" tumingin si Hyeri sa wristwatch nya
"Tsk, kainis naman tara na nga" tumayo na kami at papalabas na
Naomi's POV
Nasa mall ako ngayon kasama si June, nasa isang rubber shoes store kami
"June yun oh! Ang ganda ng rubber shoes color yellow & black" papunta na sana dun si June ng biglang may nag-agawan sa rubber shoes na yun na isang babaeng nakacap at jacket saka isang lalaking matangkad at medyo tan
Bagay sila, ayieeh
"Ayy, naunahan ako" panghihinayang nya
"Marami pa namang iba dyan, tumingin na lang tayo ng iba"
"Sige na nga"
------
"Gutom na ko, hindi pa ba tayo kakain?"
"Saglit na lang, promise" sabi ko habang tumitingin ng mga magazine sa bookstore
"Ano ba kasing hinahanap mong magazine?" hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap
"Nakita ko rin!" sabi ko nung nakita ko yung magazine na hinahanap ko
"K-zone? Pambata naman yan ehh" binatukan ko sya
"Ano bang pakialam mo?"
"Wala naman, dapat kasi yung angkop sa edad mo yung binibili mo"
"Wow naman, kung makapagsalita ka dyan, ehh ikaw nga dyan sumasakay ka pa sa carousel"
lumaki bigla mata nya sa sinabi ko kaya nagmukha syang kwago, ehuehue
"Kailangang ibroadcast?" bulong nya sa akin kaya natawa ako
"Tara na nga, babayaran ko na to para makakain na tayo, saan mo ba gustong kumain?"
"Dun ohh" tinuro nya yung Dai5y Restaurant
"Sige"
Pagdating namin dun sa tapat ng restaurant, nakita namin si Suho at Hyeri na magkasama, bakit sila magkasama?
"Sa iba na lang kaya tayo kumain, sa KFC na lang"
"Wag na! Dito na lang puhlease" nagpuppy eyes pa sya, mukha tuloy syang askal
"Ok fine"
Suho's POV
Papalabas na sana kami ng Restaurant ni Hyeri nang makita namin si Naomi at yung kaibigan nyang mukhang askal
Dug dug
Dug dug
Nagpapalpitate yata ako
"Naomi!" tinawag ni Hyeri si Naomi kaya lumapit sila sa amin. Napansin ko na nakamake-up si Naomi ngayon at nakadress
"Hyeri!" niyakap nila ang isa't isa, tapos napatingin bigla sa akin si Naomi
Bigla kong naramdaman na parang nag-iinit na yung mga pisngi ko
"Huy! Suho" napansin ko na nakatulala na pala ako kaya tinawanan nila ako
"Tawa pa more"
"Hahahahahahaha"
-------
Nung nakita namin sina Naomi, naisipan namin na sabay-sabay kaming manood ng horror movie. Katabi ko si Naomi sa right at si Hyeri naman sa Left
"Waaaaah!" sigawan ng mga tao ng biglang nagpakita na yung ghost dun sa bida, tinignan ko si Naomi na nakapikit na dahil sa sobrang takot
"Naomi" hindi nya ako pinapansin
"Naomi!" napalakas yung boses ko kaya tumingin sa akin yung mga tao
"Sssh!!" nagpeace sign na lang ako sa kanila
"Naomi" bulong ko kay Naomi
"Ano?!" hinawakan ko ang kamay nya
"Wag ka nang matakot.. Andito lang ako" tumingin sya sa akin at nginitian ako
-------
"Oh! Naomi, ngiting ngiti ka yata ngayon?" tanong ni Mama nung pumasok na ako ng gate
"Sus! Hindi naman" pumasok na ako sa loob at pumunta sa kusina, nakita ko dun si Kuya na nagluluto
"Ano yang niluluto mo kuya?"
"Caldereta"
"Ahh ok" nginitian ko
"Ang saya mo yata ngayon sis?"
"Hindi naman" sabi ko sabay hinampas ko sya sa braso nya, tapos pumunta na ako sa kwarto ko
"Waaaaaaah!!!" sigaw ko sa kwarto ko, sinarado ko yung pinto para hindi nila marinig
Nagpagulong gulong pa ako sa kama ko, kinikilig talaga ako sa ginawa ni Suho kanina sa loob ng sinehan
Wag ka nang matakot.. Andito lang ako
Pero bigla kong naisip
Bakit kaya sila magkasama ni Hyeri?
Meron ba akong hindi alam?
--------
VOTE & COMMENT Please :)
-UaenaXOXO
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...