IKAAPATNAPU'T LIMANG KABANATA

126 9 1
                                    

"Anong ginagawa mo dito Suzy?!" Nakatayo lang sya at nakayuko sa harap namin, tumayo ako at akmang sasampalin sya ng bigla akong pinigilan ni Krystal

"Alam ko namang may kinalaman ka sa nangyari sa amin ni Suho, hindi ako tanga Suzy!" Sigaw ko sa kanya pero hindi parin sya nagsasalita pero nag-umpisa ng tumulo ang luha nya

"Bakit hindi ka makasagot? Totoo diba?!" Nakatingin lang sa aming dalawa si Krystal na para bang nagtataka habang yakap ako para mapigilan akong saktan si Suzy

"Galit ka sa akin? Hadlang ako sa'yo para kay Suho diba?! Sige, saktan mo ako!" Sigaw ko kay Suzy pero hindi parin sya nagsasalita, pinunasan nya yung luha nya pagkatapos ay lumapit sya sa akin at lumuhod sa harap ko

"I-I'm sorry Naomi, hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari" Sabi nya habang umiiyak

"Ti-tignan mo si Suho! Tignan mo ang nagawa mo sa kanya!" Lalong lang syang naiyak pagkatapos kong sabihin yun

"Patawarin mo 'ko" Hinawakan ko sya sa damit at itinayo ko sya

"Patawarin? Paano kita patatawarin sa kabila ng mga ginawa mo?!" Hindi sya sumagot pero sinubukan nya akong yakapin kaya sinampal ko sya

"I'm re-really sorry Naomi, Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako! Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit hangga't gusto mo" Sabi nya habang pinupunasan yung mga luha nya gamit ang kamay nya

Bigla ko syang tinulak, hindi na ako napigilan ni Krystal

"Kahit ano?"

"Kahit gawin ko sa'yo 'to?!" Bigla ko syang sinampal at sinabunutan

"Ate Naomi, tama na!" Hindi ko pinansin si Krystal at patuloy lang ako sa pagsabunot ko kay Suzy. Alam kong nasasaktan na sya sa ginagawa ko pero bakit ayaw nyang lumaban?!

"Naomi! Suzy! Tama na yan!" Bigla namang pumasok sa loob ng room sina Mama at Chorong at pinaglayo kami ni Suzy sa isa't isa, Si Mama ay hawak-hawak si Suzy habang yakap naman ako ni Chorong

"Hindi makakatulong kung mag-aaway pa kayo!" Sabi sa amin ni Mama

"Sa tingin nyo ba gagaling si Suho sa ginagawa nyo?! Sa tingin nyo ba natutuwa syang mag-away kayo mismo sa harapan nya?" Dagdag pa nito

"Pwede bang magbati na kayo para kay Suho?!" Sabi ni Mama kaya napayuko ako, tama si Mama, dapat ko na bang patawarin si Suzy?

"Pwede bang lumabas muna kayo Mama, pati na rin kayo Chorong at Krystal" Sabi ko sa kanila habang pinupunasan ko yung luha ko

"May kailangan lang kaming pag-usapan ni Suzy" Sabi ko pagkatapos ay tumingin ako ng diretso kay Suzy

"Hindi pwe--" bigla namang hinila ni Chorong si Mama papalabas ng room, sumunod namang lumabas si Krystal

"Oy! Teka lang, baka magpatayan ang dalawang yun sa loob!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng room kaya napatawa ako ng mahina, si Mama talaga oh kahit seryoso na ang mga nangyayari nagagawa paring magpatawa

"I'm sorry Naomi" Naupo ako sa tabi ni Suho at sinenyasan ko si Suzy na maupo sa tabi ko

"Hindi ko alam na mangyayari 'to, hindi ko 'to ginusto" Sabi nya sa akin pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko

"Ang gusto ko lang naman talaga ay ang mahalin, gusto kong mahalin ako ni Suho" Pinisil-pisil nya yung kamay ko habang nagsasalita

"Hindi ako galit sa'yo Naomi" Tinignan nya ako ng diretso sa mata

Bestfriend! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon