Suho's POV
"Kuyaa! Pakikuha mo naman ako ng tubiig!"
"Bakit hindi ikaw ang kumuha?" inuutusan na naman ako ng kapatid ko, bakit hindi kasi sya ang kumuha? O kaya ang utusan nya yung katulong? Ako pa talaga ang inuutusan nya
"Ayoko ehh! Yaya! Pakikuhan mo naman ako ng tubig!"
"Oo nga pala kuya, sasabay ako sayo pagpasok mo! Gusto ko makita mga classmate mo lalo na si ate Naomi" Bigla kong naalala na galit pa sa akin si Naomi dahil kagabi
"Sige ba, hindi ka ba malelate pag pupunta ka pa sa School ko?"
"Hindi naman, 7: 30 pa yung klase namin ehh"
"Ganun ba? Osige kumain ka na dahil papasok na ako, 6: 00 na"
Naupo na sya at nagmadaling kumain
"Taposh na akong kumain kuya" Nagsalita sya habang puno pa ang bibig nya, wala talagang good manners ang babaeng ito
"Magtoothbrush ka na!"
"Mamaya na kuya!" tinignan ko lang sya ng masama
"Si-sige na nga, magto-toothbrush na" nagtatakbo naman sya papasok ng CR
-------
Krystal's POV
"Malayo pa ba kuya?"
"Malapit na kaso traffic lang" nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Kuya, katabi sya ngayon nung driver namin
Kinuha ko yung Iphone at headset ko, magsasoundtrip muna ako habang iniintay makalagpas sa putragis na traffic na ito
------
"Krystal!"
"Krystal!"
"KRYSTAL!!"
"Ayy Puque kong mabango" hindi ko namalayan na nakatulog na pala, mabuti na lang sinigawan ako ni Kuya kaya nagising ako
"Andito na tayo sa School ko"
"Talaga?" nagnod nalang sya at bumaba na sya ng kotse, inaasahan kong pagbubuksan nya ako ng pinto pero hindi, napakagentleman talaga
Bumaba na ako ng kotse at sinundan ko si Kuya habang papasok ng gate, nakasalubong namin si ate Naomi na may kasamang lalaki
"Ate Naomi!!" tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit
"Kry-Krystal?"
"Namiss mo ko?"
"Oo naman, ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin
"Sa bahay na kasi ni Kuya ako nakatira kaya sabay na kaming pumasok, mamaya pa naman klase ko kaya dumaan muna ako dito"
"Ahh.." napansin kong medyo awkward sina Kuya at Ate Naomi sa isa't isa
"Bakit ang tahimik nyong dalawa? May problema ba?"
"Wala naman, Ok lang kaming dalawa, diba Suho?" nagnod naman si Kuya
"Ahh Krystal, Punta na ako sa room ko ha? Tara na Jonghyun" nagmadali silang lumayo sa amin ni Kuya, hmm i smell something fishy
Nung nakalayo na sina ate Naomi, agad kong tinanong si kuya
"Hoy! Kuya! Umamin ka nga! BFQ ba kayo?" BFQ means BestFriend's Quarrel, aba kung may Lover's Quarrel dapat may ganun din XD
BINABASA MO ANG
Bestfriend! I love you
RomancePara sayo ano ang LOVE? Love is like a rosary, full of mystery Love is blind Love is in the air Love is sacrifice at maraming pang iba... Maraming nasasaktan at nakakasakit dahil sa LOVE na yan Kung ikaw ang papipiliin.. Ang PUSO ba na nakakaramdam...